KABANATA 23
Nagpunta pa talaga kami ng Nepo Mall para kumain. Ayaw ko naman sa may Jolibee dahil naroon yong mga kaklase ko baka tuksuhin ako.
Sa may Greenwich kami kumain. Ang lamig na ngayon kasi malapit na ang pasko at saka naka-aircon pa ang buong Mall kaya naman habang hinihintay namin yong order ay nayayakap ko na lang ang sarili ko.
“Hey” tawag sakin si Jojo.
Napatingin ako sakanya. Nakita ko na hinubad niya yong suot nyang itim na leather jacket kaya naman naiwan syang naka-suot ng FUBU white shirt. Binigay niya sakin yong jacket niya.
“Salamat” sabi ko saka sinuot yon. Malaki yon sakin tas ambango pa. Ano kayang pabango ang gamit ng lalaking ito.
Narinig ko syang tumawa.
“Bakit?” tanong ko sakanya.
“You smell me. You like my scent?” natatawang sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nakita nyang inaamoy ko yong jacket niya. Kahiya naman.
Buti na lang dumating na yong order namin.Tahimik lang kaming kumain. Saka ko na siya inayang bumalik sa University. Pagkabalik namin ay 8:30 pm na. Nag-umpisa na ang program. May naririnig na akong tugtog mula sa Open stage at may sumasayaw na kaya hinila ko si Jojo para makapunta roon.
Medyo maraming estudyante ang nagkukumpulan para mapanood ang nagsasayaw. Maya-maya ay ang fire dancers naman ang sumayaw. Napasigaw pa nga yong iba lalo na ng makita na nasusunog na yong tuktok ng buhok ng isang babaeng fire dancer buti at naagapan.
Inaya ako ni Jojo na maupo sa may bench malayo mula sa program. Malamig parin pero buti na lang naka-jacket ako.
“Hintayin natin yong fireworks ha” sabi ko sakanya.
Ihahatid niya raw kasi ako pauwi. Sobra na ngang nakakahiya sakanya pero okay lang naman daw.
Naupo naman siya sa tabi ko. Malakas parin yong tugtog ng kanta mula sa bench na kinauupuan namin kahit wala na kami sa may NLU forest.
“2 weeks pa pala bago ulit kita makita” sabi niya kaya naman napatingin ako.
“2 weeks lang naman saka Christmas break eh. San pala kayo sa Pasko?” tanong ko sakanya.
“Sa bahay lang. We don’t do vacations” sabi niya.
Napatango naman ako. Same lang pala kami. Di rin kami nagbabakasyon kapag Christmas. Asa bahay lang kami nagse-celebrate.
“Parehas pala tayo.” sabi ko naman.
“Are you free on 25th?” tanong niya.
“Bakit? Baka di ako pwede non. Wala akong pera.” Sabi ko at natawa. “Buti sana kung may magregalo sakin na Ninong ko na pera sa pasko”
“Pano ko mabibigay yong gift ko kung di ka pala pwede” sabi niya
Nanlaki ang mga mata ko. OMG. May regalo siya sakin? I didn’t expect that he would give me a gift this Christmas.
“M-may regalo ka sakin???” tanong ko.
“Yeah.”
“Akin na. Ngayon mo na ibigay baka di ko rin lang makuha yan sa pasko” sabi ko sakanya at inilahad ang kamay sakanya.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS