KABANATA 13
Pakiramdam ko ay namamanhid ang katawan ko kahit na nakaupo ako rito sa may front seat. Di ko alam kung saan ko ipapaling pa ang ulo ko. Umuulan parin sa labas kaya malamig lalo na rito sa loob ng sasakyan niya dahil naka-aircon kami. Narinig ko na nag-tsk siya kaya napatingin ako sakanya. Natanggal na niya yong suot nyang long sleeves kaya naiwan ang white t-shirt na humahakab sa kanyang katawan. Shet. Ipupusta ko yong baon ko. May abs ang lalaking ito.
Napatingin ako sa pagtapon niya sa backseat ng long sleeves niya kaya nakita kong nag-form yong muscles sa biceps niya. At hindi lang yon. nalaman ko rin na may tattoo siya sa may biceps niya. Tribal tattoo yon kaya di ko alam kung paano siya i-describe.
He glanced at me. kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin. sobrang lakas ng tibok ng puso ko eh at the same time nahihiya na ako. Shet!. Pakiramdam ko ay nagnanakaw ako ng tingin sa magandang katawan. Pero totoo namang maganda ang katawan niya eh. Yong bang pang-model. Siguro pag nagpunta ito sa Maynila kukunin syang model. Actually ay lahat ng Black Assassin ay gwapo talaga pero para sakin ay mas gwapo siya dahil sa dimples niya. Yeah that d@mn dimples!
Hindi na umuulan sa may Lingayen kaya naman kita ko na yong mga taong naglalakad na walang payong. Sana pati sa amin ay wala ng ulan para di ko na kelangan pang itext si Mama na kelangan ko ng payong. Tatakbo na lang ako para madali.
Ang bilis nyang magmaneho kaya naman nakarating kami agad sa may bahay ng Tita ko. Walang ulan dito kaya naman di ko na kelangan pang magpayong.
“Thank you ulit sa paghatid, Jo.” Sabi ko sakanya. Nakangiti ako pero sa mukha lang talaga ako tumitingin. Feeling ko kasi magkakasala ako kapag titingin ako sa baba ng mukha niya.
“Okay lang. ikaw pa malakas ka sakin eh” sabi niya saka tumawa. Nakitawa na rin ako bago bumaba ng sasakyan.
Di muna ako pumasok sa loob dahil pinaalis ko muna yong sasakyan niya.
“Hinatid ka na naman non?”
Nagulat pa ako sa pagsulpot ni Kuya Chard sa likod ko. Adik talaga kelangan talaga nyang manggulat?
“Baka naman boyfriend mo na yun ah” sabi pa niya.
Napangisi lang ako. “Malay mo” sabi ko saka tumawa.
“Lagot ka kay Mama” sabi niya.
Pinandilatan ko na lang siya at pumasok sa loob. Alam ko naman di niya ako isusumbong eh. siya kasi ang kakampi ko sa lahat ng kuya ko.
***
“Uy, san ka pupunta?” tanong k okay Jerm dahil may pupuntahan daw siya. Asa may SP kami ngayon .
“May pupuntahan lang. babalik ako agad” sabi niya at saka na naglakad papuntang back gate. Di ko alam bakit naglilihim na ngayon ng lakad ang babaeng yon samantalang nagpapasama siya kapag may pupuntahan. Weird.
Naupo lang kami roon. Medyo ginugutom na ako. katatapos lang ng klase namin sa Thesis kanina. At syempre laging revise na naman yong gawa namin kaya kelangan naming ulitin ulit.
Nakita ko si Marian na naglalakad palapit sa amin.
“Marian” tawag ko sakanya kaya lumapit siya sa amin nila Oje at Ange.
“Uy Gracie” sabi naman niya at naupo sa tabi ko.
“Ano nasabi mo na kay John Paulo yon?” tanong naman niya sakin.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
CasualeStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS