Kabanata 5

97 2 0
                                    

KABANATA 5

“Ang tagal naman nong iba” narinig kong bumuntong hininga si Oje na nasa tabi ko sa loob ng classroom kung saan namin kami aayusang mga dancers. Ngayong araw ay ang huling araw ng Sport’s Fest at mamayang hapon na gaganapin ang Field Mimetics. Sa wakas after 3 weeks kung ginabi ay matatapos na rin ito ngayon. Minsan nga ay napapagalitan na ako nila Mami dahil gabing-gabi na ako umuuwi lalo na noong mga nakaraang araw dahil hanggang 8pm ay nagpa-practice pa kami.

Nakalumbaba lang ako rito habang tinitignan na nagkwe-kwentuhan yong iba at yong iba ay aligaga sa paghahanap ng maari nilang isuot na jersey. Jersey shirt kasi ng CSS ang isusuot namin at sa ibaba naman ay chachi pants. Buti nga at nakahiram ako sa kaklase ko na isang chess player ng CSS kung hindi ay baka wala akong maisuot ngayon.

“Gutom na ako” sabi naman ni Lena na nakatayo at nakasandig sa pader na nasa harapan ko.

“Grabe. Kain muna tayo bago ayusan. Ginugutom na ako” sabi naman ni Ange.

Mamaya pa kasi kami aayusan dahil parating pa lang yong choreographer namin na siya ring mag-aayos sa amin.

“Buti pa nga” sabi ko at saka na sila inayang bumaba at pumuntang SP.

Naririnig namin habang pababa kami ang mga tilian at sigawan ng mga tao sa gym. May basketball game kasi ngayon kaya marami ang nanonood.

Nang makarating kami sa SP ay dali-dali kaming bumili nila Oje ng makakain sa ricebowl. Nakipila pa kami sa mga taong bumibili roon. Napalinga-linga ako sa paligid ko at tinitignan kung naroon yong iba kong kaklase na hindi dancers katulad nila Jerm pero wala siya roon eh. Baka nasa gym at nanonood siguro.

Namataan ko ang grupo ng mga lalaking naka-black jersey shirt at shorts na nakaupo at nagkwe-kwentuhan. Mga basketball siguro ito ng CITE dahil naroon si Callix kasama ang ilan sa mga barkada niya at kasama na ang lalaking iyon na nakaupo sa may mismong table at nakatukod ang dalawang kamay sa binti nito habang kinakausap ang barkada nito. Di ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siya. Gusto kong alamin kung sino ang lalaking yon dahil pakiramdam ko ay napaka-mysterious niya lalo na sa aura pa lang.

“Sino yang tinitignan mo?” tanong sakin ni Oje.

Napaharap ako sakanya. Wala na pala yong mga tao sa harapan namin at kami na ang nasa unahan ngayon.

“Yong mga basketball team ng CITE andyan” sabi ko sakanya.

Napaitngin naman siya roon. “Si Callix yon diba? Asan kaya si Jerm?” tanong niya. Di ko alam kung ako ang tinatanong niya sa huling tanong o ang sarili niya.

Nagkibit-balikat na lang ako at tinuon ko ang pansin sa pagkaing inabot sa amin ng tindera.

Maya-maya ay nagsabi si Ange na bibili siya ng maiinom kaya sinamahan ko siya at pinaiwan ko naman kay Oje yong pagkain ko. Tumigil si Ange sa may tapat ng bilihan ng Fries at ng chocolate at 4 seasons na juice kung saan katabi lang non ang mesa ng lalaking iyon. Agad akong nag-iwas ng tingin sakanya ng makita niya akong nakatingin sakanya. Narinig ko ang boses niya na syang nagpagulat sakin.

“Isang Fries, large” rinig ko na buong-buo ang boses niya na nasa likuran ko.

Gusto kong lumingon pero naninigaw yong leeg ko. Sh*t!

“Anong flavor, Sir?” tanong naman nong tindera.

“Cheese” sagot naman niya.

Napatingin ako kay Ange na naglalagay na ng straw sa kanyang chocolate drink. Napatingin siya sakin.

“Halika na, Gracie” sabi niya sakin at nauna na syang naglakad.

B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon