KABANATA 3
“Ano ba naman yan. Halos mag-to-two weeks na pero wala paring nagtetext sakin”
Narito kami ngayong sa may room at katatapos lang ng subject namin sa Research. Nag-lalagay pa ako ng eyeliner at si Ange naman ay nagsusuklay ng kanyang buhok.
“Baka naman kasi walang pumulot at akala basura” sabi ni Oje sa sinabi ko.
“Kayo kasi. Bakit naman kasi ‘don’t read’ ang nakalagay? Pano nila babasahin yon?” angal ko habang nakaharap parin sa may salamin.
Nakatunghay lang sila sa akin.
“Si Jerm kaya ang naglagay non” sabi ni Lena.
“Syempre. Para ma-curious sila at basahin nila yon” sabi naman ni Jerm.
Agad kong tinapos ang pag-a-eye liner ko. Nang marinig ang sinabi ni Ange.
“Uy,samahan nyo nga ako sa F salon. Magpapakulay lang ako” sabi niya.
Agad naman kaming sumama sakanya papuntang F salon.
“Hayaan mo na yon, Gracie. Gawa na lang ulit tayo” sabi ni Lena habang umaagapay siya sakin sa paglalakad.
“Kaya nga. may Joseph ka na nga eh” sabi naman ni Jerm.
Bago ako makasagot sa kanila ay narinig ko ang pagtawag sakin ng isang lalaki.
Agad akong huminto at lumingon. Napalingon din sina Ange sa kanya.“Hi, Gracie” sabi ni John Paulo ng makalapit siya sakin. Nakita ko na may dala-dala syang isang maliit na box.
Ngumiti naman ako. “Ah. Hello”
“Para sayo pala” sabi niya at saka inabot sakin yong dala nyang box.
“Ha? para sakin? Sure ka?” natatawang sabi ko baka mamaya eh di naman sakin to. Assuming much?
“Sayo yan. Sa inyo ng mga kaibigan mo” sabi niya.
Ngumiti na lang ako sakanya. Sayang naman ang grasya. Hahaha.
“Thank you ah” sabi ko sakanya.
“Sige una na ako” sabi niya saka na umalis.
Agad namang nagsilapitan yong apat sakin. “Wow ano yan?” tanong ni Ange.
“Penge, Gracie ah” sabi ni Lena.
“Sandali. Mamaya bubuksan ko” sabi ko sakanila saka ko na sila hinila para magpunta ng F salon.
Habang nakaupo kami rito at si Ange ay nakaupo at kinukulayan ng buhok ay nag-selfie agad ako kasama yong box na binigay sakin ni John Paulo. Binuksan ko ang laman non.
Cookie Monster na cupcake.“Wow, ang haba ng hair” sabi ni Lena sakin.
“Baliw” sabi ko na lang sakanya.
Busy naman sa pag-uusap sina Jerm at Oje kaya kami lang nila ang nag-uusap dito.
“Uy, penge maya ah” sabi ni Lena sakin.
“Oo” sabi ko na lang saka ko ulit sinarado ang box at nilagay ko na sa bag ko.
Matapos magpakulay ni Ange ay nagpunta na agad kami sa may SP kung saan maghihintay kami para sa susunod na subject. Wala pa yong iba naming kaklase kaya kami lang ang narito sa may SP.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
AcakStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS