KABANATA 11
Nasa may backseat si Marian. Tatabi sana ako kaso binuksan ni Jojo yong front seat. Nakakahiya naman kong di ako papasok doon. Nang makaupo ako ay nakita ko sa may salamin ang pagngisi ni Marian sakin at mukhang kinikilig. Nawala ang ngisi niya ng maupo na si Jojo sa may driver’s seat.
Pinaandar na niya iyon. Tahimik lang kami sa loob kahit si Marian ay tahimik din. Maya-maya ay narinig ko ang salita ni Marian.
“Dito na ako” sabi niya nang nasa tapat na kami ng front gate ng NLU. Akala ko ay ipapasok pa ni Jojo iyon eh sa loob pero inhinto niya roon mismo sa may tapat.
“Di ba uwi ka na, Gracie? Di na ako makakasabay ah. Nagtext si Junai. Gagawa kami ng thesis. Bye. Thanks pala, Kuya” sabi niya kay Jojo naman nakatingin at bumaba na.
Hindi ko alam kung baba ako o hindi eh.Dahil nakabababa na si Marian at sinarado na ang pinto. Napatingin ako sa labas kung saan nakangisi si Marian at kumakaway kaway pa bago paandarin ni Jojo ang sasakyan tuloy ay napatingin ako kay Jojo na nagmamaneho na ngayon ang sasakyan. Seryoso siya na ihahatid niya ako pauwi? Sayang yong gas niya. ang layo pa naman ng bahay namin. Napatingin ako sa cellphone ko dahil nag-vibrate iyon. Nagtext is Marian.
Good luck hahaha…
Sabi na eh. kaya pala ganun siya makangisi sakin kanina dahil may plano siya. Adik tong babaeng to.
Napatingin ako sakanya ng iliko na niya ang sasakyan sa may junction. Napatingin siya sakin.
“Gusto mo ng umuwi?” tanong niya sakin.
“Di pa sana. Maaga pa eh.” sagot ko naman.
Totoo naman ah. ayaw ko pang umuwi kasi uutusan lang ako ni Mama roon. 3:30 pa lang. Minsan ay 6 ako umuuwi sa bahay para 8 ay andon na ako sa bahay.
“Let’s go somewhere” sabi niya habang nakatutok ang paningin sa daan.
Napatingin ako at papunta kaming downtown. Di ito yong usual way na dinaraanan namin ni Jermille kapag pauwi na kami. One way lang kasi ang daan na ito. Napatingin ako sa may labas ng bintana at tinitignan ang mga taong naglalakad doon.
Napatingin ako kay Jo ng iniliko niya ang sasakyan para maipark sa may kataasang building na malapit lang sa Mall ng Downtown. Inihinto niya iyon at saka napatingin sakin.
“Let’s go” saad niya saka dahan-dahan syang lumapit sakin. akala ko ay kung ano ng gagawin niya tinanggal lang pala niya ang seatbelt ko. Nakakaloka. Nang makalas niya iyon ay nakita ko syang ngumisi at saka na ako inayang lumabas sa sasakyan niya.
Nang makababa ay napatingala ako sa may building na may F. Building na nakasulat sa pader non sa may itaas. Di ko alam kung 4th o 5th floor ang taas ng building na ito. At mas ipinagtataka ko ay bakit kami andito? Anong meron dito?
“Come on. Wala namang mangyayari sa’yo. I’m with you. You’re safe with me” nakangising sabi niya habang inalalahad ang kamay sa harapan ko. Tinignan ko iyon at saka ang mukha niya na hinihintay parin ako.
“Okay sabi mo ah” sabi ko at inabot ang kamay ko ang kamay ko sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko pagpasok namin sa loob ay nag-elevtor kami papunta sa 5th floor ng building. Habang nakasakay ay hawak parin niya ang kamay ko. Di ko alam bakit di niya parin yon binibitiwan.
“Ahm. Anong gagawin natin dito?” tanong ko sakanya.
Napatingin siya sakin. “We owned this place. My mom own this place. Kaso wala siya rito kaya tayo lang ang andito.” Sabi niya.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS