KABANATA 18
Inabot na kami ng hapon ng matapos namin yong thesis para sa book binding. Umuulan na kaya pinapatila namin yong ulan. Naalala ko tuloy si Jojo ng minsang ihatid niya ako ng umuulan. Naalala ko tuloy yong sinabi niya na seryoso siya sa sinabi nyang “I’ve fallen for you”. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na sasabihin niya iyon sakin. Parang ang bilis na mahulog siya agad sa akin? Sakin pa na isang ordinaryong babae na di hamak na mas magaganda pa nga yong ibang estudyante rito na kapansin-pansin talaga pero sakin siya nahulog? Nakakaloka.
“Let me take you home” narinig kong sabi ni Callix na nasa harapan namin at inaayang umuwi si Jerm. Nakalahad pa talaga ang kamay niya. Nakakakilig silang dalawa at parang may iba sa kanila after nong hinatid siya pauwi ni Callix. Siniko ko si Jerm para sabihing tanggapin na niya ang alok ni Callix.
“Sige na sumama ka na” sabi ko sakanya.
Tumingin pa siya sa amin at sa mga kaklase naming tinutukso sa kanila ni Callix. Agad ko syang hinila dahil ang bagal nyang sumagot eh. “Sige na kasi” sabi ko sakanya.
Nakita ko na hinawakan siya ni Callix at saka na sila umalis. Nakakatuwa nga eh na nagkaroon na rin ng lovelife ang babaeng yon. Hindi puro si Arvyn na tinitignan niya lang ng palihim.
Nakita ko si Oje na nakatitig na naman sa Mercedez benz na nasa parking lot tanaw lang namin. Siguro hinihintay na naman niya kung sino ang may-ari ng sasakyan na yon. Sobra syang attracted sa sasakyan.
“Guys, uwi na ako ah.” sabi ni Ange na sinamahan pa ng kapatid nyang umuwi. Tumango lang ako at saka nagpaalam sakanya.
Si Oje naman ang tinignan ko. “Di ka pa uuwi?” tanong ko sakanya.
“Maya-maya pa.” sagot niya.
“Sisilayan mo na naman ba yong may-ari? Di kaba napapagod? Di mo naman siya natyetyempuhan eh” sabi ko sakanya.
Totoo naman. Miminsan ko lang nakita yong may-ari ng dalawang magandang sasakyan na yon. Hindi ko siya ganun kakilala pero sabi mayabang at suplado raw.
“Malay mo lang diba” sabi niya.
Maya-maya ay nababawasan na ang mga kaklase namin dahil nagsi-si-alisan na sila. Buti nga sila may payong ako wala. Hays. Napatining ako sa dulo ng SP ng makita kong naglalakad si John Paulo. Sa totoo lang after kung sabihin na basted siya ay di ko na siya nakita pa. Ngayon lang ulit. Naglakad siya palapit sa amin. Akala ko ay dadaan lang pero huminto siya mismo sa tapat ng inuupuan kong bench. Nakatingin siya sakin.
“Gracie”
Di ko alam kung ngingiti ba ako sakanya o ano. Pero ngumisi ako na alam ko na hindi naman yon totoo. Lumapit siya sakin at naupo sa tabi ko. Nasa may left ko siya at si Oje naman ay sa right ko.
“Kamusta?” tanong niya sakin.
“Okay naman. Ikaw?” tanong ko.
“Ayos lang. Kayo na ba ni Josh?” tanong niya sakin.
Napatingin ako sakanya. “Hindi kami” sabi ko.
“Buti naman. di mo kilala si Josh, Gracie. Lolokohin ka lang niya at sasaktan. Di ka niya totoong gusto” sabi niya sakin.
Tinignan ko siya ng masama. Bakit ganun siya magsalita tungkol kay Jojo. Ano bang alam niya?
“Alam mo, John Paulo di kita mainitindihan eh. Di mo siya ganun kakilala kaya mo nasasabi yan” sabi ko sakanya.
“Ikaw ang di nakakakilala sakanya, Gracie. Totoo ang sinasabi ko. He doesn’t like you. Pinapasakay ka lang niya”
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS