KABANATA 8
Friday na ngayon at may Paralegal Training kami sa umaga. Tungkol sa Basic Criminal law ang topic ngayong Paralegal Training namin. After ng Parelagal ay kumain kami sa UC. Nagutom kami sa discussion kanina lalo na at di ako nakapag-breakfast dahil sa pagmamadali kong pumasok dahil muntikan na akong late.
Habang kumakain ay nagtatanong si Lena kung pupunta kami ng Rivermaya Concert mamaya. Syempre naman pupunta kami ni Ange dahil isasama niya raw si Jan Patrick. Samantalang sina Oje at Jerm ay hindi sumama. Walang hilig ang dalawa sa pagpa-party lalo na kapag gabi.
Nang matapos kaming kumain ay umuwi na ang dalawa at naiwan kami ni Ange, Lena at Aljon sa may SP. Nakatingin kami sa stage na inaayos sa may avenue para sa gaganaping concert mamaya. Paniguradong marami-rami ang pupunta mamaya.
Nakita ko si Marian na kumakaway pa habang naglalakad palapit sa amin. Agad syang umupo sa gitna namin ni Ange.
“Sino date mo mamaya, Gracie?” tanong niya sakin.
“Si John Paulo yan” ang sumagot ay si Lena.
“Ayeeeeeh. Sasagutin mo na ba siya?” tukso naman ni Marian sakin.
Tumawa lang ako. “Baliw.” Sabi ko sakanila.
“Sagutin mo na kasi siya” sulsul naman ni Ange. Palibahasa ay may boyfriend syang nasa abroad kaya masaya ang love life niya.
“Ewan ko sa inyo. Wala pa akong panahon sa boyfriend-boyfriend na yan” sabi ko naman sa kanila.
“Bitter ka teh” sabi ni Marian.
“Wala eh. Nagmo-move pa ako eh” sabi ko patungkol kay Joseph.
“Hayaan mo. marami pang gwapong lalaki dyan katulad na lang non” sabi niya sabay nguso sa lalaking padaan samin.
Sa dami-dami ng lalaking ituturo niya bakit ang lalaking yon pa na si Josh Fajardo. Okay gwapo siya alam ko pero mysteryoso.
“Ano?gwapo diba?” sabi ni Marian.
“Yan yong mga type ni Gracie” singit naman ni Nikko na kararating lang galing siguro ito ng USC. Vice President kasi siya ng USC ng NLU.
“Niman” sabi ko lang habang dumadaan siya sa may gilid namin.
Umiling lang ako sakanila kahit panay ang tukso nila sakin sa lalaking yon na di ko naman kilala.
Nagpatay kami ng oras sa pagkwe-kwentuhan dito sa may SP. Kami-kami lang nina Ange, Marian, Aljon at Lena. Si Nikko kasi ay abala na sa duty nito bilang VP ng USC.
Alas-singko ay nag-aya si Lena na doon muna raw kami ni Ange magpalit ng damit. Magpapalit kasi ako ng black na damit na may sleeve pero off shoulder. Nag-ayos lang ako gamit ang blush on at saka eyeliner at saka nag-lips stick din ako. Lahat ng gamit pang-make-up ay hiniram k okay Ange except sa lipstick.
After naming mag-ayos ay may nagtext sakin. Si John Paulo lang pala. Tinatanong niya kung asan daw ako. Nireply-an ko siya na magkita na lang kami sa loob ng University sa may SP.
Alas-syete na ng pumasok kami sa loob ng University. Nadaanan ko pa nga si Callix at tinanong ako kung kasama ko ba si Jerm. Malakas na tugtug galing sa naglalakihang speaker ang maririnig at saka mga ilaw na iba-iba ang kulay ang umiikot doon.
Nakita ko na nakatayo si John Paulo sa may SP. Buti at may ilaw doon kaya nakita niya rin agad kami. Agad kaming pumunta ni Ange roon. Hihintayin niya rin daw doon si JP na kadate niya.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
De TodoStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS