KABANATA 4
“Katext mo si Joseph noh”
Napatingin ako dahil sa sinabi ni Ange. Narito kami sa loob ng classroom at hinihintay ang professor namin.
“Hindi. Iba to” sabi ko na lang at saka bumalik ang tingin ko sa cellphone na hawak.
“Sino na naman yan?” tanong naman agad ni Jerm.
Tumingin ako at saka agad ngumisi sa kanila. “Naalala nyo yong kinalat nyo yong number ko, may nakapulot non tas ito katext ko na siya ngayon” sabi ko sa kanila.
“Oh? Sino? Sino?” tanong naman nila Lena at Oje.
“Basta. Hindi ko pa siya nakikita eh” sabi ko na lang. Ayokong sabihin yong name baka asarin lang nila.
“Sabihin mo makipagkita sayo. tas isama mo kami ha” sabi naman ni Ange.
“Baliw. Ayoko nga” sabi ko at saka na ulit binalikan ang tingin ang cellphone.
“Tsk. Pano na si Joseph nyan?” narinig kong sabi ni Lena.
Speaking of Joseph, ganun parin naman siya sakin eh. Sweet at saka minsan ay sabay kaming umuuwi. Kaso feeling ko hanggang friendship na lang kami dahil may nililigawan siya eh. almost 1 year na nga eh. Grabe ang tyaga nga niya eh. Siguro pag ako ang babae na yon matagal ko na syang sinagot.
“Andyan na si Sir”
Agad kong pinasok sa Bag yong cellphone ko ng pumasok si Sir.
***
“Sayang yong 20 pts kung di tayo sasama sa Field Mimetics” sabi ni Ange habang naglalakad kami papuntang SP. Katatapos lang ng klase namin sa Labor at sinabi nga ni Sir na pag sasama kami ng Field Mimetics ay may plus 20pts kami sa grade namin sa Midterm.
“Kaya nga. Sasama talaga ako noh. 20pts ba naman” saad ko naman.
Agad nag-vibrate yong cellphone na hawak ko kaya napatingin ako roon at nakita kong nagtext si Jojo.
Don’t skip your lunch, Gracie.
Yan ang text niya sakin. Halos kiligin ako sa simpleng text niya sakin. yong kahit di mo pa siya nakikita feeling mo gwapo yong nagtext. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.
“Ayeeeh sino na naman yang katext mo at wagas kang ngumiti?” sita sakin ni Lena na nasa tabi ko lang.
“Wala. Bakit diba pwedeng maging masaya” sabi ko lang sakanya.
Napailing na lang yong iba dahil sa sinabi ko. Nang makarating kami sa SP ay kumain kami ng lunch at pinag-usapan namin yong practice ng Field Mimetics bukas.
“Grabe 4-7 daw ang practice” sabi ni Ange.
“Magagabihan na tayo ng uwi non” sabi naman ni Oje.
Matapos kumain ay gumawa kami ng Thesis dito sa SP. Dala ni Jerm yong netbook niya.
“Uwi na tayo. tapos na ako. Sa bahay na lang ulit natin gawin” narinig kong sabi ni Ange.
Binigay ko agad yong netbook kay Jerm at saka na ako nag-ayos ng sarili. Nagtext kasi sakin si Joseph na sabay kaming uuwi ngayon. Hihintayin ko na lang daw siya sa terminal ng bus.
Sabay-sabay kaming apat na lumabas ng University at naglakad papuntang junction. Nagpaalam na sa amin si Oje dahil sa junction ang sakayan niya habang kami ay kelangan pang tumawid para makapunta ng terminal ng bus.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
DiversosStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS