EPILOGUE
Wala ng Jojo ang nagpapadala sakin ng pagkain sa may City Council. Walang Jojo na tumatawag at nagtetext sakin. Ngayon ay tuluyan na syang sumuko sakin. Tama naman ang ginawa niya. Dapat lang na sumuko na siya sa mga biro niya sakin. At kahit ilang beses man syang humingi ng tawad sakin ay di ko parin siya kayang patawarin dahil sa panloloko at pananakit ng damdamin niya sakin.
Siguro nasabi lang niya ang mga yon noong Super CAMPS dahil sa awa sakin Naaawa lang siya dahil ginamit niya ako at gusto nyang totohanin para mas lalong masktan si John Paulo. Pero di ko gagawin yon. Hindi ko man gusto si John Paulo ay ayaw ko paring makapanakit ng ibang tao katulad ng pananakit niya sakin.
“Uy, Gracie” tawag sakin ng kaklase kong si Dane.
Agad akong napalingon sakanya at nakita ko siya kasama ang boyfriend niya at sa likod nila ay si John Paulo.
Nakaupo lang kami sa may SP nina Jerm, Oje at Ange para hintayin ang consultation namin kay Sir para sa Thesis. Lumapit sila sa amin.
“May sasabihin daw si John Paulo” sabi ni Dane.
Napatingin ako kay John Paulo. Lahat ng kaklase ko ay nag-ayeeh ng lumapit ang lalaki sakin. Pero ako? Wala akong nararamdaman. Siguro nawala na yong inis ko pero yong subukang bigyan siya ng chance? Wala na.
“Bakit?” tanong ko sakanya.
“Sa CSS night, may date ka naba?” tanong niya sakin.
Next week na ang CSS night at pinagtataka ko ay di naman siya kasama sa CSS dahil CEA siya.
Umiling ako. Nakita ko syang ngumiti sakin. Kaya naman agad kong narinig ang boses ni Jen.
“Ayay. May Kadate na si Graxia sa CSS night. Ayeeeeh” sabi nito na sinabayan ng iba naming kaklase.
Wala lang akong imik habang hiyang-hiya naman daw si John Paulo sa ginagawa ng mga kaklase ko.
“Pwede ba?” tanong nito.
Tumango lang ako. Kahit gustong-gusto ko ng umirap sa mga kaklase kong binubugaw ako sa lalaking ito. Umalis na rin sila kalaunan at nakita ko ang masayang mukha ni John Paulo.
Tinapik ako sa balikat ni Kre. “Bigyan mo ng chance. Malay mo magustuhan mo rin siya” sabi niya.
Gusto kong sumagot ng hindi. Dahil hindi naman talaga. Halos lahat sila yon ang sinasabi na. Bakit ko daw siya binasted noon samantalang masyado raw itong pursigido na ligawan ako. At ngayon nga ay bumabalik na naman siya. Naiinis ako. Ilang beses ko ba dapat sabihin sakanya na wala nga akong nararamdaman sakanya. At ilang beses ko ba dapat sabihin sa mga kaklase ko na hindi nga pwede.
At Oo, aaminin ko na isa sa dahilan ay si Jojo. Mahal ko parin siya hanggang ngayon kaya di ko pa kayang magmahal ng iba. Nadala na ako eh. Sobra ko syang minahal pero niloko lang niya ako. Tama na siguro yong ganito na single lang ako at masaya kasi napagtutuunan ko yong sarili ko. Yong love life na yan mahahanap ko rin yan sa tamang panahon.
***
Kumikinang ang glitters sa suot kong black and white dress habang naglalakad ako patungo sa upuan kung saan naroon ang mga kaibigan ko. Naupo na sila habang tumutugtog ang banda na inarkila ng College. Madilim na kaya naman puro mga dim lights lang ang tanging ilaw at mga makukulay na ilaw na nagsasayawan sa dilim. Malakas ang tugtog ng banda dahil sa mga naglalakihang speakers sa may Open field ng NLU.
Napatingin ako sa katabi kong si Jerm na nakatayo at nakatingin sa may entrance ng mg estudyante. Napatingin ako sa lalaking naka-kulay blue na checkered long sleeves at naka-slacks na black. Ibang-iba ang aura niya ngayon. Dati ay hindi naman ganun ang suot niya. At teka? Bakit narito siya? Pang-CSS lang ito ah.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
DiversosStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS