KABANATA 26
Buti na lang at OJT na naming ngayon week. Di na katulad ng dati na tinitext at tinatawagan ako ni Jojo pero di ko naman sinasagot. Okay na siguro yong ganito na wala na kaming komunikasyon na dalawa para di na rin ako mas lalong nasasaktan. Aabalahin ko na lang siguro ang sarili ko sa pagta-trabaho rito para pag-ka-graduate ko ay magiging maayos na rin ang buhay namin nila Mami.
Nakikinig lang ako sa orientation ni Ma’am Square tungkol sa magiging work namin dito sa may City Council. Inorient at saka dinivide kami sa isa-isang employee dito sa may City Council. Napunta ako kay Ma’am Ann ang masungit at istrikta dahil matanda na. Hindi man lang ngumingiti masyadong serious. Samantalang si Jerm ay sa gwapo at mukhang Korean na si Sir Fil. Mas okay pa nga siya doon dahil kahit medyo snob tignan at least gwapo at saka mukha talagang mabait dahil sa mahinhin nitong boses.
Noong una ay kung anu-ano ang pinagawa ni Ma’am Ann sakin. Pinag-encode at pinag-ayos ng files. Kaya medyo na-e-enjoy ko naman ang pag-o-ojt dito.
Nang mag-lunch kami ay sabay-sabay kaming mga trainees na sina Ange, Oje, Jerm at ako. Nagbaon kami ng kanin at ulam para di na kami lalabas dahil malayo pa ang bilihan.
Ganun ang naging routine ko sa halos dalawang linggo ko sa may City Council. Hanggang sa lunch break at pakain na sana kami dahil kami ang last batch na kakain dahil maliit lang yong table sa may dining area kaya by batch ang pagkain doon. Yong iba naming kasama ay sa may front desk nakaupo at tumatambay.
“Gracie” narinig kong tawag sakin ni Mica.
Agad akong lumingon sakanya. “Bakit?”
“May naghahanap sayo” sabi niya sakin.
Tumayo naman ako sa upuan ko. Kakain na sana ako kaso istorbo kung sino man ang naghahanap sakin. At sino nga ba naman ang maghahanap sakin?
Nagpaalam muna ako kila Oje, Jerm at Ange na lalabas muna ako para tignan kung sino yon. Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko si Jojo na nakaupo sa may upuang nasa labas. Medyo nanikip yong dibdib ko ng makita siya roon. Nang mag-angat siya ng tingin ay ngumiti siya sakin.
“Anong ginagawa mo rito? Pano mo alam na dito ako nag-o-OJT?” tanong ko sakanya.
Tumayo siya. “I want to see you” sabi niya.
Nangkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Gusto niya akong makita para saan? Para makita niya kung gaano ako kamiserable sa ginawa nyang pagpapaasa sakin? Shet siya!
“Tapos na yong revenge diba? Nakaganti kana kay John Paulo. Kaya sana naman pati ako tigilan mo na rin” sabi ko sakanya at saka papasok na sa loob ng hilahin niya ang braso ko.
“Gracie”
Hinawi ko agad ang kamay niya at tinignan siya ng masama. How dare he to touch me?
“Tama na Jojo, wag na tayong maglokohan dito. Sinabi mo naman at inamin mo na rin ang totoo ah. Kaya please sana tumigil kana”“Gracie, just let me explain.” Sabi niya.
Umiling ako saka na pumasok. Tinanong pa nila ako ni Mica kung bakit ako pinuntahan dito ni Jojo. Niloloko pa nga nila ako na kami na pero bwesit lang ako at dumiretso sa may dining area kung saan kumakain pa sila.
“Sino yon?” tanong ni Oje.
“Wala. Kain na lang tayo” aya ko sakanila.
Simula non ay di na bumalik si Jojo pero nag-iwan siya ng lunch na may kasamang note. Minsan binibigay niya sa isa sa mga kaklase ko before lunch time at saka rin umaalis. Hindi ko na siya nilalabasan dahil ayoko syang makita. Gusto kong malaman niya na galit parin ako sa ginawa niya. Hindi mabubura ng sorry niya yong sakit at kasinungalingan na ginawa niya sakin.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
SonstigesStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS