Kabanata 2

154 3 0
                                    

KABANATA 2

Exam namin ngayon sa first subject. Halos lahat ng kaklase naman ay maaga pumasok at syempre kasama na ako roon. Andito na rin is Sir pero si Jerm ay wala pa.

“Tinext nyo na siya?” tanong ko kay Oje.

“Wala akong load sa Smart. Sa globe lang ” sagot niya.

Napatingin kami kay Sir ng sabihin niya na “Close your notes and let’s start the exam”

Agad kong tinignan yong cellphone ko. Wala pang 7:30. Ang aga namang mag-pa-exam ni Sir. Tinago ko na iyon sa bag ko kasama ang mga notes ko. Umikot na si Sir par bigyan kami ng isa-isang text papers.

Napatingin pa kami sa pinto ng bumukas iyon at niluwa si Jermille. Lumapit agad siya kay Sir ng makita niya na may kanya-kanya na kaming test papers. Napatungo agad ko para sagutan na yong exam. Sh*t! Na-review ko ba ito?

Naramdaman ko na umupo sa tabi ko si Jerm pero di ko na pinansin dahil nakatutok ang pansin ko sa pagsagot ng exam.

After an hour and a half ay natapos na rin ang exam at pinass na namin yon kay Sir. Agad kong kinuha yong cellphone ko at tinignan ko na may message sakin si Joseph. Goodluck daw sa exam. OMG. Yong bang yon lang ang text niya ay sobrang kinikilig na ako.

Dumating na ang next class namin pero walang exam ngayon sa European kaya naman nag-discuss lang si Sir. Nakalumbaba lang ako habang nakikinig kay Sir na kung saan-saan na napupunta ang discussion. Minsan ay tumatawa ang ibang kaklase namin kaya nakikitawa na rin ako. Napatingin ako kila Jerm at Lena na nagsusulat sa papel. Lumipat ng upuan si Jerm kaya katabi na niya ngayon si Lena. Pareho silang nakangisi at natatawa habang nagsusulat sa may maliit na papel. Nang mapatingin si Jerm sakin ay nginisihan lang niya ako tas agad na nag-focus ulit sa sinusulat. Seriously? Anong trip ng dalawang ito?

Maagang umalis si Sir kaya naman may 30 minutes pa kami bago magnext class. Agad akong tumayo at lumapit kila Jerm.

“Uy, ano yan sinusulat nyo ha?!” malakas ang boses na sabi ko.

Tumatawa si Lena at si Jerm ay may inabot na maliit na papel na parang letter.

“Ano to?!” tanong ko saka binasa yong nasa top ng papel na nakatupi.

Don’t read  yan ang nakasulat sa top kaya naman binuksan ko at bumungad sakin ay ganito.

Wanted boyfriend

Call or text this no. 0916*****143

Number ko to ah? Napatingin ako sa kanila at naka-peace sign na si Lena habang tumatawa parin.

“Bakit nakalagay yong number ko rito?!”

“Si Jerm ang nagsulat ng number mo. di ako ah” sabi ni Lena.

Tinignan ko si Jerm. “Ayaw mo non. Ikakalat namin yan sa buong campus tas malay mo may spark ka ng mahanap” sabi niya saka tumawa.

Hmmm. Well, oo nga noh? Malay natin baka may makapulot tas sparks na agad…

“Bahala kayo basta dapat gwapo ah” sabi ko saka binalik sa kanila yong papel.

“Oo, gagawa kami ng marami tas ihuhulog namin sa mga gwapo” sabi ni Lena saka nagsusulat na ulit sila sa maliit na papel.

Umiling na lang ako sa trip nila.

***

“Nasan na yong papel?” tanong ko kila Jerm.

“Hinulog na namin sa hallway kanina” sagot ni Jerm.

B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon