KABANATA 4
Naka-ilang ulit na ako sa binabasa kong case pero di ko parin yon nagagawan ng case digest. Pang-ilang beses ko na ba itong paulit-ulit na binabasa? Sh*t! Bukas na ang pasahan nito at di pwedeng matawag ang name ko baka di ako makasagot.
May naramdaman akong tumapik sakin. Napatingin ako sakanya. Si Jenne lang pala.
“Andito ka lang pala” sabi niya at naupo sa may tabi ko dito sa may 3rd floor Library. Mas tahimik dito kesa sa SP eh. Mas marami kasing tao doon na kung anu-ano nag ginagawa. At least dito at peace ako.
“Ginagawa ko yong case digest” sabi ko sakanya.
“Di mo pa tapos?” Nanlalaki yong mga matang sabi niya. Kakabigay lang kasi yon last week at dahil tamad ako netong weekend at ang nasa isip ko lang ay magsulat ng story kay Kevin ay heto di ko nagawa ang assignment ko.
“Di ako maka-concetrate eh. Kainis!” sabi ko. I admit I can’t find focus right now. Para bang nangangati ang mga kamay ko na magtipa o di kaya ay magsulat. But not now not until I finish this one.
“Hay naku! Sino ba kasi yang iniisip mo at di ka maka-concetrate? Si Kevin ba?” tanong niya.
Napatingin ako sakanya at saka ngumuso. “Yong story ko hindi si Kevin” saad ko sakanya at binalik ang tingin sa may photo copy ng case.
“Anyway,kamusta naman pala yang story MO?” tanong niya sakin.
“Ayun nasa prologue pa lang ako. kainis. Gusto kong magsulat kaso I am lack of information about him. Haist!” I just rolled my eyes. Gusto kong makausap ulit si Kevin para sa ginagawang nobela ko pero mukhang pinagtataguan na ako ng loko dahil ko siya nakikita na tumatambay.
“Diba nga sabi niya naman sayo. You can write anything you want”
“Jenne, alam mo naman na gusto ko ay yong realistic diba? Ayoko ng pure imagination yong katauhan niya when in reality ay totoo siya.” sabi ko.
Di ko kasi kayang maipaliwanag ng mabuti.Yong feeling na gusto mong yong mga readers mo ay mabasa nila at nakakarelate sila sa storya dahil di yon gawa lang sa isip kundi may pinaghuhugutan sa reyalidad? Yon ang gusto ko.
“Yeah. Yeah. Yeah . Bahala ka na nga. Tapusin mo na yan ng makapag-lunch na tayo” sabi niya at saka nilabas ang cellphone niya at mukhang magbabasa na naman siya ng Fifty shades of Grey kahit na napanood na namin yon sa sinehan.
I just focused myself on reading the case for the nth time and I do hope this time I could digest it properly.
***
“Uy, sinong tinitignan mo dyan?” tanong niya sakin at winagayway niya ang kamay niya sa harapan ko.
“hinahanap ko si Kevin baka andito siya” sagot ko at tumingin sa mga taong nasa may SP.
“Parang makikita mo yon dito sa dami ng tao” sabi niya sabay kain ng fries. Katatapos lamang naming kumain ng kanin pero heto siya at ngumunguya na naman ng fries. Hinayaan ko na lang. Stress reliever niya raw kasi ang pagkain.
Tama naman si Jenne pano ko makikita ang Kevin na yon sa dami ng taong narito sa may SP. Nilabas ko na lamang ang mini-notebook sa sling bag ko at saka binuklat iyon at binasa yong mga information na naroon. My ghad. Kulang pa iyon. Ang dami pa nga akong gustong itanong sakanya eh kaso hindi na niya nasagot.
Kumuha ako ng ballpen at nagsulat ng maaring eksena sa nobela. Kaso wala akong makalikot sa utak ko. At D@mn it. Gusto kong magsulat pero di ko maisulat ang gusto ko. Ito na ba ang tinatawag na Writer’s block?
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
De TodoStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS