KABANATA 7
“Bakit ang tagal naman ni Jerm. Babalik pa kaya yon dito?” tanong ni Oje sa amin habang narito kami sa may Library at ginagawa ang Thesis namin.
“Ewan ko” sagot ko naman dahil abala ako sa pag-aanalyze ng mga data.
Hindi na nagsalita pa si Oje dahil finucos na niya ang sarili sa pagbabasa. Nilabas ko yong cellphone ko at itetext sana si Jerm kaso may bagong text akong natanggap galing kay John Paulo.
Hi Gracie. May kasama ka na ba sa Friday night?
Sa Friday na nga pala ang concert ng Rivermaya. Pupunta ako dahil sayang yong ticket na idadagdag sa tuition ko.
Yong mga kaklase ko lang, bakit?
Agad syang nagreply. Samahan na rin kita kung okay lang sayo.
Napangiwi ako sa reply niya. Gusto ko sanang itext na kahit wag na lang pero nakakahiya naman dahil maayos naman ang nireply niya sakin.
Okay yon lang nag reply ko at saka ko na nilapag sa mesa ang cellphone ko.
Halos dalawang oras na kami rito ng marinig kong nagsalita si Ange.
“Di na ata siya babalik. Ano kayang nangyari kay Callix noh?”
Hindi ako sumagot dahil wala naman akong naiisip na isasagot. Nilagay ko na lang sa bag ko yong ballpen, cellphone at papel na ginamit ko.
“Uwi na tayo. Mayang gabi na lang natin to ituloy” sabi ko sa kanila at saka na kami bumaba mula sa 3rd floor na Library.
Habang naglalakad kami papuntang SP ay nagpaalam na si Oje na uuwi na siya. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Alas-kwatro na pala. Di pa ako uuwi kaya tatambay lang muna ako sa SP. Si Ange naman ay pupunta ng Nepo kaya mag-isa lang akong naupo roon at tinext si Marian kung asan siya.
Habang hinihintay ang reply niya ay nakalumbaba lang ako habang tumitingin sa naglalakad sa may NLU Avenue kung saan naka=park ang mga sasakyan ng estudyante at mga teachers. Isang kulay pulang Toyota ang nakita kong umiilaw ang sasakya malamang na nasa malapit lang ang may-ari at binuksan iyon o di kaya ay may nasa loob. Katabi ng sasakayang yon ay ang sasakyan ni John Paulo na Tamaraw FX na kulay blue green.
Agad dumapo ang tingin ko sa lalaking naglalakad patungo roon yong isang kamay niya ay nasa bulsa at yong isa ay hawak-hawak ang car key niya. Siya na naman. Naka-white uniform siya ng CITE pero bukas ang lahat ng butones non kaya kita mo ang suot nyang kulay gray na t-shirt. Yong clean cut nyang buhok ay medyo magulo kaya naman agad niya yong pinasadahan ng kanyang kamay na kanina ay nasa bulsa niya. Agad kumalabog ang dibdib ko ng magtama ang tingin namin nang hinawakan na niya ang handle ng driver’s seat ng sasakyan na umiilaw na yon. Natigil siya at saka natutok ang paningin sakin. Feeling ko tumigil yong pag-ikot ng oras dahil napatagal ang pagtitig ko namin sa isa’t-isa bago pa ako nakaiwas ng tingin.
Gusto kong tumingin ulit kaso nahihiya na ako ng marinig ko ang boses na yon.
“Gracie” Napatingin ako sa likod ko. Naglalakad palapit sakin si Marian kasama sina Junai, Jimmy at Karen na kanyang ka-gruopmates sa Thesis.
Agad syang naupo sa tabi ko ng makalapit siya.
“Tapos na kayo sa Thesis nyo?” tanong ko sa kanila at napatingin sa dala-dalang folder ni Junai.
“Di pa nga eh. Kayo ba?” tanong ni Junai.
“Medyo.” Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS