KABANATA 14
“Guys, nag-lunch daw muna si Sir baka maya after lunch daw ang consultation hours” narinig kong sabi ni Chel.
Kaya naman andito lang kami sa may SP at nakikinig sa mga contestant ng sabayang pagbigkas. Paulit-ulit lang yong mga sinasabi nila kaya naman name-memorize ko na tuloy.
Nakaupo lang ako rito katabi si Marian.
“Anong sabi ni John Paulo?” maya-maya ay tanong niya sakin.
“Sinisiraan niya si Jojo. Ewan ko don.” Iritadong sabi ko habang nakatingin sa mga taong nanood ng Sabayang pagbikas.
“Nasaktan lang ang ego no. Basted eh” sabi ni Marian.
Yon nga rin ang nasa isipan ko. Siguro ay nasaktan ko talaga siya at napaasa ko para sabihin niya iyon kay Jojo. Oo di ko naman ganun kakilala si Jojo pero di naman ibig sabihin non maniniwala na agad ako sa sasabihin ng iba.
“Kain na lang tayo ng lunch. Mamaya pa yong consultation” sabi niya at saka na kami bumili ng Furai.
Habang kumakain ay natapos na rin ang Sabayang Pagbigkas. Ngayon ay may panibagong program galing daw sa Masscomm. Isang Fashion show. Hindi siya karaniwang Fashion show dahil puro mga nakakatakot ang hitsura nila para sa nalalapit na undas. Dumaan pa talaga sila sa may gilid namin. Effort kung effort ang pacostume nila.
Kelangan pa naming tumuntong ng table para lang makanood dahil sa dami ng taong nanonood sa harapan. Nakita ko pa nga si Callix na lumapit kay Jerm pero agad ding umalis. Nagtaka ako kung bakit di niya kasama si Jojo. Diba barkada naman niya si Jo. Bakit di ko siya nakikita rito?
“Upo na lang ako roon” sabi ko at bumaba na ng table at naupo. Yong mga kaklase ko na iba ay nakatayo parin doon at yong iba ay nasa may faculty na at nagpapa-consult.
“Grabe. Ang effort nila sa costume” sabi ni Marian na tumabi na sakin.
“Ang gastos kaya non” sabi naman ni Ange na bumaba na sa may table.
Di ako nag-react bagkus ay tumingin ako sa may parking lot. Hinahanap yong sasakyan ni Jojo pero di ko mahanap eh. Siguro di siya pumasok o wala syang pasok ngayong araw? Nakakalungkot lang.
“Oje, yong mustang mo” narinig kong sabi ni Ange kay Oje na katabi lang nila ni Jerm.
Napatingin ako sa mustang na kulay red na naka-park malapit lang sa amin.
Mahilig kasi sa mga sasakyan si Oje lagi nyang tinitignan yong may-ari ng sasakyan na iyon. Pati na rin yong Mercedez benz. Actually ang alam ko ay iisa lang ang may-ari non eh kaso di namin nasasaktuhan kung sino ang may-ari.“Kaya nga. ang ganda talaga. Huntingin natin yong may-ari” sabi niya.
“Astig nga ng sasakyan eh. Mayaman nyan sigurado” kumento ko naman.
“Mayaman at mayabang kamo. Mayabang daw yong may-ari eh” sabi ni Marian.
Di na ako nakaimik dahil tinawag na kami para sa consultation. Matapos sinabi ni Sir na sa Monday na ang Defense ay agad na rin kaming nagpasyang umuwi.
“Uuwi kana?” tanong ni Marian.
“Oo” sabi ko naman.
“San yong sundo mo?” tanong niya.
“Sino?”
“Edi si Jojo babe hahaha” sabi niya at nakangisi.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
NezařaditelnéStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS