KABANATA 21
Napatingin ako kay Jojo ng umalis si Maggie. Nakatiim bagang parin siya. “Don’t mind her” sabi niya sakin. Tumango lang ako.
Hinawakan niya ang kamay ko. “May klase ka pa diba?” tanong niya.
“Oo” sabi ko at saka niya ako hinila paakyat ng hagdan. Medyo madami ang bumaba kaya naman nakisingkit kaming dalawa. Hawak hawak niya yong kamay ko.
Nang nasa may 3rd floor na kami ay binitawan niya ang kamay ko at saka tumingin sakin.
“Kung anuman ang marinig mo mula sa iba wag kang maniwala. Sakin ka lang maniwala, Gracie. Just trust only me” sabi niya at saka na siya naglakad patalikod sakin.
Ano bang ibig nyang sabihin?
“Uy, Gracie” napatingin ako sa tumawag sakin si Oje pala.
Inaya na niya akong pumasok sa loob dahil andon na raw si Sir. Nag-CR lang kasi siya.
Nag-lunch kami nila Oje, Ange at Jerm sa may University Canteen. Mas mura kasi ang pagkain dito kesa sa nakasanayan naming rice bowl.
“Ano yan?” tanong ko ng makita nag hawak na isang malaking notebook ni Oje.
Nagkibit balikat siya saka “Nakita ko lang na nakalagay dito sa upuan” sabi niya.
Kinuha niya yon saka binuklat. Lumapit naman ako. Sina Jerm at Ange ay nakapila pa sa counter samantalang kami ay andito na sa upuan dahil kanina pa kami nakabili.
“Sketchpad” sabi niya.
Nakita namin yong iba-ibang sketches. Puro mga bahay at saka buildings ang nakalagay doon sa sketchpad eh.
“Kanino kaya yan?” tanong ko.
“Ang alin?” tanong naman ni Ange na naupo sa may tapat namin. Si Jerm ay kumukuha pa ng kutsara at tinidor.
“Itong sketchpad” sagot ni Oje.
“Patingin” agad namang inagaw iyon ni Ange at tinignan. Nang dumating naman si Jerm ay tinignan din niya iyon.
“Ang ganda. Feeling ko sa Arki student to” sabi ni Ange.
Kinuha ko naman yong sketchpad at tinignan kung may nakasulat na name pero simpleng LG lang ang nakasulat sa may likod ng cover.
“LG lang ang nakasulat” sabi ko.
Inabot ko na yon kay Oje at nilagay niya iyon sa lap niya dahil kakain na kami.
Matapos kumain ay inaya ko silang magtungo mamaya sa Downtown para bumili ng pants. Pero ayaw nila Oje at Jerm eh. Uuwi na lang daw sila. Kaya si Ange ang kasama ko mamaya.Habang palabas na kami ay nag-ayang mag-CR si Ange. Nag-CR kami sa may EG.
“Asan si Oje?” tanong ni Jerm.
“Asa likod ko lang siya kanina” sabi ko naman.
Nang lumabas na kami ay nakita namin mula rito si Oje at kausap ng isang matangkad na lalaki na naka-maroon na uniform. Nakatalikod siya samin kaya di naman nakita ang mukha niya. Lalapit sana kami kaso umalis na agad yong lalaki dala yong sketchpad niya kaya naman napatingin samin si Oje.
Nilapitan namin siya agad. “Anong nangyari? Sino yon?” tanong ni Ange.
Kinwento ni Oje samin yong nangyari na pinagbintangan syang magnanakaw ng lalaking yon.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RastgeleStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS