KABANATA 15
“Ano?!” exaggerated na bulaslas ni Marian habang nasa may tapat kami ng Globe at katatapos lang inikot ang buong Mall. Nakwento ko kasi sa kanya yong tungkol sa sinabi ng babae sakin kanina. Hanggang ngayon kumukulo parin ang dugo ko sa babaeng yon.
“Dapat sinabi mo sakin para majumbag natin. Ano bang course para naman matambangan natin mamaya” sabi niya.
“Adik” sabi ko at saka medyo natawa narin dahil sa sinabi niya. “Tourism yong course niya. di ko kilala” sabi ko sakanya. DI ko naman talaga kilala yong babaeng yon eh. Eh ano naman kung maganda siya. Leche!
“Eh bakit mo naman dinamay si Josh kanina? Wala naman syang ginawa sayo ah?” tanong naman niya maya-maya.
“Yon nga. iniisip ko paano kung totoo yung sinasabi ng babae na pampalipas oras lang ako niya ako. Di aasa na naman ako”
“Ang umaasa lang ay yong mga taong nagmamahal. So mahal mo na nga siya noh” tukso nito.
I don’t know if this is love already. May part na gusto ko syang kasama tas masaya ako kapag kasama siya. Pero imposibleng ma-inlove ako agad-agad sakanya diba? Pero bakit ako nasasaktan kung malalaman kong totoo yon?
“Ewan. Di ko alam.” Sabi ko.
“Hay naku! Gracie, minsan may naiinlove kahit sa maikling panahon lang. Kasi ang love, parang kabute yan pasulpot-sulpot” sabi niya.
Bakit ba pakiramdam ko ay in love ang babaeng to? May mga hugot pa syang nalalaman eh.
“Baka ikaw naman ang in love ah” sabi ko sakanya.
“Uy hindi ah! Crush crush lang hahaha” sabi niya saka tumawa.
Maya-maya ay nag-aya na syang bumalik sa school. Ngatext daw kasi si Junai na gagawin nila yong thesis. Kami kasi ay naipass na namin kaya bukas na ang Defense namin samantalang sila ay sa Thursdy pa.
Nang makabalik kami sa NLU ay nasa may SP na sina Junai kasama sina Karen at Jimmy na ka-group ni Marian.
Nakisama na lang ako sakanila na gumagawa ng thesis dito sa SP. Ayoko pang umuwi dahil sa same na kadahilanan. Abala sila sa paggawa. Nakiki-tulong na rin ako. Maya-maya ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Wala kasi akong katabi sa may left side ang nasa right side ko kasi ay si Marian na katabi si Junai. Magkatabi naman sina Karen at Jimmy na nasa tapat namin.
Napatingin ako sa umupo sa tabi ko. Akala ko ay estudyante lang na di ko kilala na nakikiupo pero bumungad sakin yong dimples ni Josh.
“Hey” bati niya.
Naramdaman ko yong siko ni Marian sakin. Siguro ay nakita na rin niya si Josh.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.“Hinahanap ka. Sasama ako sana kanin kaso ang bilis nyong maglakad eh. Wait. Iniiwasan mo ba ako?” tanong niya.
Natawa naman ako. Bakit masyadong big deal sakanya ang pag-iwas ko.
“Di ah. Talagang nagmamadali kami” kako saka humarap kila Marian na nakatingin na pala sa amin ni Josh. Nahiya tuloy ako dahil naabala ko ang paggawa nila sa pagtingin nila samin.
“Yong totoo?” tanong niya naramdaman ko yong kamay niya sa braso ko. Hinawakan niya yon kaya napatingin ako sakanya.
“Una na pala akong umuwi” sabi k okay Marian.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
РазноеStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS