KABANATA 25
Agad syang lumapit samin.
“Bakit?” tanong ko sakanya.
“May sasabihin lang ako” sabi niya kaya naman sinabi ko kina Jerm at Oje na mauna ng umuwi.
Sumama ako kay John Paulo. Sa may NH building sa tapat ng hagdan siya huminto.
“Anong sasabihin mo?”
“Niloloko ka lang ng Josh Fajardo na yon. Totoo ang sinasabi ko, Gracie. Sumama ka sakin para malaman mo” sabi niya at saka ako hinila paakyat ng 2nd floor.
Kanina ko pa hinahawi ang braso ko sakanya kaso ayaw nyang tanggalin ang kamay nyang nakahawak ng mariin sa braso. Kahit na nasasaktan na ako.
“Ano ba?!” inis na sabi ko at bigla syang huminto sa may tapat ng bukas na pintuan ng isang classroom.
Wala masyadong nag-dadaan na mga tao sa floor ngayon dahil 4:30 na ng hapon.
“Ano ba—“ napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko si Jojo na nakaupo sa may upuan at naka-number four na upo. Nakatagilid siya sa min kaya side view lang ang nakikita ko sakanya. At sa harapan niya ay ang babaeng si Maggie.
Tatawagin ko sana si Jojo eh kaso narinig ko ang boses ni Maggie.
“What is your plan, Josh? Akala ko ba dapat 2 months lang to?” tanong sakanya ni Maggie.
“OMG! Don’t tell me di pa kayo? Tsk. I bet nagpapakipot lang yon dahil may kelangan siya sayo. She’s a gold digger. You know?” inis na sabi ulit ni Maggie.
Gusto ko sanang sugurin siya kaso nagsalita na agad si Josh.
“Just shut up, Maggie. Di pa kami” sabi niya.
“So anong hinihintay mo? ang maging kayo para mas lalo masaktan si John Paulo? I guess tama na yong kunwaring niligawan mo siya para makaganti kay John Paulo. You need to end all of this, Josh.” Sabi ni Maggie.
Halos di ako makahinga sa mga narinig ko. Tanging tumatak lang sakin ay yon dalawang salita na “Kunwari” at “Makaganti”. So, kunwari lang pala lahat ng ginawa niya sakin para lang makaganti kay John Paulo. Ginamit niya ako para sa revenge niya. Tang-*na! Leche siya.
Napatingin ako kay John Paulo na tinitignan ang ekspresyon ko. Hinawi ko agad ang kamay niya. Paalis na ako kasi di ko na kaya yong mga narinig ko ng lumingon sakin si Jojo. Nanlalaki yong mga mata niya at saka napatayo siya sa upuan.
“Gracie” tawag niya sakin.
Pati si Maggie ay tumingin din sakin. Nakataas ang isang kilay niya habang nakahalukikip.
Lalapit sana siya kaso tumakbo na ako palayo. I don’t want him to see me crying because of him. Di ako tanga para lumingon kahit tinatawag niya ako. Di ko ipapakita sakanya na iniiyakan ko siya. Never. Pinunasan ko yong mga luha ko ng makakababa na ako.
Paglabas ko ay naglakad na ako para umuwi ng maramdaman na may humigit sakin. Napalingon ako sakanya. Si Jojo.
“Gracie” tawag niya sakin.
Hinawi ko yong kamay niya sa braso ko.
“Ano bang kelangan mo? Mag-e-explain ka? Pasensya pero di ko yon kelangan. Lahat naman ng pinakita mo puro kunwari lang diba. Paasa ka lang eh noh. Lahat kayo ang hilig nyong magpaasa dahil alam nyo na napakadali kong mahulog sa inyo. Pero nakakag@go eh. BullSh*t! Nasasaktan din naman ako dahil nag-assume na naman ako na sa huli hanggang asa na lang pala. T@ng-*na talaga” inis na inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
DiversosStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS