KABANATA 16
Di ako makapagconcentrate dito sa binabasa kong thesis. Defense na namin bukas pero heto at mukhang wala akong maisasagot sa kung anumang tatanungin ni Sir dahil okupado parin ang utak ko ng halik ni Jojo. Okay. I admit masarap nga syang humalik. D@mn it. Siya ang first kiss ko.
Binuklat ko pa yong makapal na thesis namin na naka-paper clip. Kanina pa ako rito sa chapter 4 pero wala talaga doon ang isip ko. Maya-maya ay nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext. Si Jojo.
I’m infornt of your house, Gracie…
Nabigla ako sa text niya. What? Nasa harap siya ng bahay namin? at anong ginagawa niya roon?
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko at saka lumabas ng kwarto. Nadaanan ko pa sina Kuya na nanood ng TV. Tinignan ko ang orasan namin na nakasabit sa pader. 8pm na.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko na nga syang nakatayo at nakatanaw sa bahay namin. Suot niya parin yong damit niya kanina. Kagagaling lang ba niya ng school?
Lumapit ako sakanya. Binulsa niya ang kanyang cellphone at hinarap ako. Luminga ako at nakita ko ang sasakyan nyang nakapark di naman ganon kalayo sa amin.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sakanya. Di ko ito inaasahan na pupunta siya rito.
“I just want to say sorry about what I did” sabi niyang nakapamulsa.
Sabi ko na nga ba at di siya seryoso nong hinalikan niya ako. Sino ba naman ako sa dami ng babaeng nagkakagusto sakanya? At saka wala lang naman sakanya ang halik na yon. I bet wala yon sa kalingkingan ng babaeng nahalikan na niya and D@mn. Bakit naninikip ang dibdib ko habang iniisip na may kahalikan syang ibang babae. Am I jealous?
“Okay. Yon lang ba ang sasabihin mo? Nag-aksaya ka pa ng oras para magpunta rito. Sana tinext mo na lang o kaya tinawag sakin” sabi ko sakanya at saka na tatalikod ng hilahin niya ang kamay ko.
“Gracie”
“Ano, Jo? Laro lang ba lahat ng ito sa’yo? Kasi ako di ako nakikipaglaro. Friendship ang gusto ko hindi para maging laruan mo” inis na sabi ko sakanya. Hindi ko alam kung paano lumabas iyon sa bibig ko. Parang ang bigat pa sa dibdib ko ng banggitin ang salitang friendship samantalang deep inside alam ko na iba ang gusto ko.
“God! Gracie, hindi kita pinaglalaruan. Bakit yan ang nasa isip mo?!” galit na sabi niya.
“Kasi yon ang alam ko. Sawa na akong paglaruan ng iba ang damdamin ko. Paasahin nila ako tapos sa huli masasaktan na naman ako. Di mo kasi naiintindihan eh. Masakit ang maiwang masaktan kasi ikaw lang yong nagmamahal kasi ikaw lang yong umasa kasi akala mo parehas kayo ng nararamdaman pero hindi naman pala. Mga paasa kasi kayo” Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin yon sakanya. Hindi ko alam kung konektado pa iyon sa sinabi niya. Pero yon ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng umasa. Ayoko ng masaktan.
“What do you mean, Gracie? Umaasa kabang mahal kita? Do you love me?” nakakunot na ang noo niya. Hinawakan niya ako ng mariin ng hawiin ko ang kamay niya. Alam ko na di na ako makakawala pa sakanya ngayon.
Kinagat ko ng mariin ang labi ko. I don’t know if I would say yes or no to him. Di ko rin alam kasi pakiramdam ko mahal ko na siya pero parang hindi. This is so complicated. Pano ko siya magagawang mahalin kung mahal ko pa si Joseph. How can I love him if I still love someone else? Pero ano nga ba itong nararamdaman ko para sakanya? Infatuation?
Di ako nakasagot sakanya.
“Tell me, Gracie. Do you love me?” tanong niya ulit sakin. Inangat niya ang baba ko para makita niya ang mukha ko. Pilitin ko mang iwasan yong mga tingin niya pero di ko magawa dahil lagi nyang hinahanap ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS