KABANATA 24
Nagpunta lang kami ng City Mall. Nanood ng sine ng MMFF. Libre niya raw. Nakakahiya eh. Wala man lang akong regalo sakanya. Matapos naming manood ay kumain kami ng lunch. Actually late lunch na mga 1pm na kasi natapos ang panonood namin.
Kumain kami sa may Shakeys. Oo, libre na naman niya.
“Sobra na yong libre mo. Sorry ah, di ko alam na birthday mo kaya wala tuloy akong gift” sabi ko sakanya habang hinihintay namin yong order naming pagkain.
“It’s okay. Hindi lang talaga ako mahilig magcelebrate ng birthday ko. Actually this is the first time I celebrate my birthday” sabi niya. Medyo lumungkot ang mukha niya. Bakit naman di niya si-celebrate ang birthday niya?
“Bakit naman di ka nagce-celebrate ng birthday mo? Once in a year lang kaya yon” sabi ko sakanya.
Natawa siya “Yeah, I know. Di lang ako mahilig magcelebrate” sabi niya.
Nakaisip ako ng isang idea. Nilabas ko ang cellphone at saka. “Selfie tayo. diba first time dapat may picture” sabi ko.
Nagpa-picture kaming dalawa sa isang waiter doon. Nakakatuwa nga eh kasi ang cute naming dalawa sa picture.
“Hey” tawag nito sakanya.
Napatingin siya rito. “Ang ganda ng kuha” sabi ko.
Pinakita niya rito ang cellphone niya at saka tinignan. “Yeah, maganda nga” sabi niya at saka ngumiti.
Maya-maya ay dumating na rin yong order namin at saka kumain kami. Pagkatapos kumain ay saka kami nagpunta ng World’s of fun. Naalala ko yong naglaban kami sa Time zone at siya yong nanalo.
“Don’t tell me mag-a-aya kang mag-basketball?” tanong niya.
Inirapan ko siya. “Asa” sabi ko at saka nagtungo sa may toy catcher.
Kahit kelan ay never pa syang nakakuha ng isang toy dito. Kahit anong subok niya.
“What are you looking at?”
“Wala. Doon na lang tayo” sabi ko at saka tinuro yong videoke room.
Umiling siya sakin “Gracie, I won’t sing” sabi niya.
“Sige na, please. Birthday mo naman eh. Saka ako lang naman makakarinig. Ganda kaya ng kanta mo” sabi ko sakanya ta saka siya hinila sa may bilihan ng token at saka bumili siya ng token at nagpunta kami sa room no. 3 ng Videoke room.
Naghulog kami ng 3 token saka pumili ako ng kanta na kakantahin ko at niya.
Iniumang ko yong mic sakanya.
“Oh. Kanta na” sabi ko saka ngumisi sakanya. Nakasara naman ang pinto at saka sound proof yun kaya kami lang makakarinig. Naupo ako sa may maliit na couch na naroon. Tinignan niya ang mic na hawak niya.
“Sige na. kanta na” sabi ko sakanya.
Nag-start na ang kantang pinindot ko kani-kanina lang.
My eyes are no good- blind without her,
The way she moves, I never doubt her.
When she talks, she somehow creeps into my dreams.
She's a doll, a catch, a winner
I'm in love and no beginner;
Could ever grasp or understand just what she means.Kanta niya sa paborito kong kantang Baby Blue Eyes. Shems ganda-ganda ng boses niya. Nakangisi lang ako habang kumakanta siya. Damang-dama ko eh.
Baby, baby blue eyes,
Stay with me by my side;
'Til the mornin', through the night.
Well baby,
Stand here, holdin' my sides,
Close your baby blue eyes;
Every moment feels right.
And I may feel like a fool,
But I'm the only one, dancin' with you.
Oh...
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
De TodoStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS