KABANATA 12
“Grabe ka, Gracie ang haba ng hair mo!” sabi ni Marian sakin pagkarating ko palang ng SP kung nasaan sila. Nangingiti na agad siya sakin habang niyuyog ang balikat ko at tinataas ang buhok ko.
“Adik ‘to” sabi ko sakanya at naupo sa tabi niya. Wala syang katabi kaya tumabi ako. Si Oje ay wala pa. Tanging si Jerm at Ange pa lang ang nandito baka mamaya ay narito na yon.
“Kwento mo dali” kinikilig na sabi niya habang nakacross arms na nakatingin sakin.
“Wala akong ikwe-kwento” sabi ko sakanya.
Sumimango yong mukha niya sakin. “Grabe naman. I-share lang eh. Daya neto” sabi niya.
Alam ko na di siya titigil hangga’t di ko nakwe-kwento kaya naman ikinwento ko na sakanya lahat-lahat. Kinikilig naman siya at paulit-ulit na sinasabi na SPARKS na raw iyon at wag ko na raw pakawalan si Jojo.
“Honestly Gracie, dapat sabihin mo na kay John Paulo kung talagang wala na syang pag-asa sayo. See, feeling ko ay gusto mo na yang Jojo na yan eh. Baka mamaya eh masumbatan ka pa ng John Paulo na yon na paasa ka kapag di mo agad sinabi sakanya” sabi ni Marian na natuon ang pansin ko sa sinabi niya.
Naalala ko na naman yong masamang tingin niya kay Jojo kanina. Tama si Marian. Wala naman akong nararamdaman kay John Paulo eh kaya dapat maging totoo ako sakanya. Pero paano ko sasabihin yon ng di ko siya nasasaktan?
“Pano ko sasabihin?”tanong ko sakanya.
“Edi sabihin mo ang totoo na wala kang feelings para sakanya ganon” sabi naman niya.
Parang napakadali lang mang basted.
“Parang ang dali lang ah” sabi ko sakanya.“Bahala syang masaktan ngayon kesa naman patagalin mo pa” sabi niya.
May point naman siya eh. Siguro nga kelangan ko na ngang kausapin si John Paulo para di na siya umasa sakin. Ayoko kasing sabihin na paasa akong tao.
“Okay sasabihin ko” sabi ko sakanya.
Maya-maya ay nagpunta na yong ibang group para magpacheck ng kanilang thesis. Malapit na kasi ang defense kaya naman puspusan na ang paggawa namin. After naming magpass at magpa-consult kay Sir ay gumawa kami ng revision sa may Library. Ayaw kasi ni Jerm sa SP eh. ewan ko ba dito. Feeling ko ay may pinagtataguan.
Matapos naming ma-revise ang Chapter 4 at naumpisahan ang Chapter 5 ay nagutom kami kaya naman inaya ko silang kumain sa may SP. Kasama namin sina Nikko at ang group niya. Naupo naman si Jerm at si Nikko naman ay halatadong gutom na kaya naman nagtungo na siya sa bilihan ng turon as usual. Agad naman akong nagtungo sa burger stall. Samantalang sila ay sa may Furai. Mas gusto kong kumain ng burger kasi mura hahahaha.
Matapos bumili ay kumain kami agad sa may bench at pinasa namin yong revised na thesis. Buti at nahabol pa namin si Sir na paalis na. Bumalik kami ulit ng SP dahil makulimlim ang langit at mukhang uulan pa yata. Sh*t! Wala akong payong! Sana may payong tong mga kasama ko.
“Wala akong payong” sabi ni Ange nang bumuhos na ang malakas na ulan. Kaya naman ang dami ng tao rito sa SP dahil sa ulan.
“May payong ka Jerm?” tanong ko sakanya. Siya lang at si Oje ang payong sa amin kaya nakikipayong ako sakanila minsan.
Umiling si Jerm. Hays walang pag-asa. Walang payong.
“Punyet@. Wala akong payong!” gigil na sabi ko. Naiinis ako eh. Paniguradong kelangan kong pahintuin ang ulan para makalabas ako ng University. That’s the only solution I have right now. D@mn. Bakit kasi wala akong payong eh.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS