KABANATA 27
After what happened di na nagtext sakin si Jojo. Siguro ay narealize na rin niya na di niya na ako kelangang habulin pa dahil di naman ako magpapahabol pa sakanya. Yong sinabi nyang mahal niya ako? Malaking joke lang siguro yon sakanya. Siguro akala niya pag sinabi niya yon aamin ako sa nararamdaman ko at mapapatawad ko siya pero. T@nga siya! dahil di ko matatanggap iyon. Ayoko ng umasa. Masakit na kasi. Paulit-ulit na lang ako. Feeling ko para akong bola na pinaiikot-ikot na lang mga lalaki.
Inabala ko yong sarili ko sa OJT namin. Minsan nagpupunta rin kaming school para ayusin yong clearance namin. At ngayon ngang Friday ay dadalo kami sa Super CAMPS. Kasama namin ang CEA. Buti na lang talaga at hindi CITE ang kasama namin paniguradong magkakasalubong kami ng landas ni Josh.
Inaayos ko na yong baon ko para magpunta na kami ng kusina. Kaso tinawag ako ni Mica at sinasabi na may bisita raw ako. Siguro ay si Jojo na naman yon. Akala ko ba nakarealize na ang lalaki na yon na titigilan na niya ako. Pero bakit andito na naman siya? Ano naman ngayon?
Binuksan ko ang pinto at lumabas para hanapin si Jojo pero iba ang nakita ko. Isang babae na naka-kulay white na blouse na see through at naka-high waisted pants at mataas na heels.
Agad syang humarap sakin kaya nakita ko ang mukha niya. Si Maggie.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sakanya.
Pano niya nalaman na narito ako?
“I want to tell you something” sabi niya.
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Di pa ba sapat yong nalaman ko sakanya at andito na naman siya ngayon. Tas ano? Guguluhin niya na naman ang buhay ko?
“Sorry pero kelangan ko ng bumalik sa loob kasi mag-lunch pa ako” sabi ko sakanya.
Patalikod na ako ng marinig ang sinabi niya. “Di mo ba tatanungin kung bakit galit si Josh kay John Paulo? Di mo ba tatanungin kung bakit siya naghihiganti?”
Napalingon ako sakanya ng nakakunot ang noo. “Ano?”
Kahit ako ay gusto ko rin malaman kung bakit. Bakit nga ba ganun siya kagalit kay John Paulo para paghigantihan ito at sa kasamaang palad ay nakasama pa ako sa gulo nilang dalawa. Kahit di ko naman ginusto.I saw her smirked. “Wanna know why? Because he can’t get over to his ex girlfriend na inagaw ni John Paulo. Gusto nyang agawin lahat ng meron kay John Paulo para masaktan ito. At alam mo ba kung bakit ikaw? Dahil nalaman niya na ikaw ang kahinaan ni John Paulo na kapag nakuha ka ni Josh ay magtatagumpay na siya. You see he doesn’t like you, Gracie. Ginamit ka lang niya. Dahil hanggang ngayon mahal parin ni Josh ang ex niya. Ganun niya kamahal ang ex niya na kahit halos isang taon na ay may puwang parin siya sa puso ni Josh” sabi nito.
Agad akong nakaramdaman ng paninikip sa dibdib. Shet. Masakti marinig na ginamit ka lang para sa paghihiganti pero may mas sasakit pa pala doon. at yon ay dahil di parin makamove on si Jojo sa ex nyang sobra nyang mahal. Ano ba naman ang panama ko sa babaeng yon? Paniguradong mahal na mahal siya ni Jojo kaya, kaya nyang gawin lahat para rito.
At ako ay isang bagay lang na ginagamit. Shet. Nagpaloko ako sa isang tao na may mahal na palang iba. Shet Shet Shet….
“Bakit mo sinasabi yan?” tanong ko sakanya.
“I am concern about you. I know you have feelings towards Josh. But I’m sorry to say that all he says and things he had done is all lies” sabi niya.
Lies… Yes, yon lang naman ang ginawa ni Jojo eh. Lahat ng ginawa niya kasinungalingan lang. Kelangan pa bang ulitin yon? Pakiramdam ko durog na durog na ako sa puntong ito.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS