xx. OneInfinithryDays 57

2.5K 84 33
                                    

Author's Note:
HAPPY VALENTINES DAY! :">

¬

"If it doesn't break your heart, it isn't love." -Anonymous.

¬

Nasa bahay na ako at kumakain nang mag-isa. Umabsent ako sa lahat ng klase ko ngayong araw at tinext ko lang sina Laryne at Maddie na masama ang pakiramdam ko. Tumawag pa nga sila eh pero hindi ko na sinagot. Sasabihin ko nalang na nakatulog ako.

Hinihintay ko na nga lang si Jase na sugurin ako dito sa bahay para malaman kung buhay pa ba ako eh. Kilala ko yun. OA mag-alala ang gagong yun.

Hindi ko alam. Nawalan ako ng ganang pumasok ngayong araw. Baka dahil sa hangover.

"ALEXAAAAA! BUKSAN MO 'TO!" teka, may sumisigaw ba? "Alexaaaaaa!"

Tumayo ako at lumabas. Sigurado akong hindi ito si Jase dahil makapal ang mukha nun. Hindi na siya mag-aaksaya ng lakas para sumigaw dahil siya na mismo ang bubukas sa gate.

Pagbukas ko ay nakita ko si Chim . Hindi ko siya nakita sa school bukod sa kaninang umaga.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko. Ngumisi siya at nilapitan ako.

Lintek na gago. Uminom ba siya?

He pinned me to the wall and tilted his head. Tangna. Masasapak ko 'to eh!

"Ba't umabsent ka?" sabi niya. "Hindi mo tuloy nakita ang away namin ni Fenella kanina."

So si Fenella nanaman pala.

Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang mga lalake. Ang gulo nila.

He leaned and pushed his body onto mine hanggang sa..

"Tangna, Chim! Ang bigat mo!" sabi ko. Sumuka siya sa tabi (pasalamat siya at hindi sakin kundi baka binugbog ko na siya) Inalalayan ko siya paloob pagkatapos niya ilabas lahat. Hay. Bakit dito pa siya pumunta? Anong akala niya sa bahay ko, shelter ng mga taong lasing?

Inupo ko siya sa may sofa at sinampal siya. Para matauhan.

"ALEXA NAMAN! -(>口<-)" sabi niya sabay hawak sa pisngi niya.

"Ginigising lang kita. Baka masukahan mo pa yang sofa. Talagang ipapadala na kita sa mental pag nagkataon." sabi ko. Umupo muna ako sa kabilang sofa at bumuntong hininga. "Anong ginagawa mo dito? Say the wrong word at talagang papalayasin kita." Tinaasan ko siya ng kilay nang tinignan niya ako na parang dapat akong maawa sakanya.

"Gusto ko lang sabihin sayo na nag-away kami ni Fenella kanina. Sinundan niya ako at hindi ako tinigilan para lang balikan ko siya. Alam mo yun?" sabi niya. "Ang sakit na kahit gusto mo siyang tanggapin ulit, hindi mo magawa lalo na kung niloko ka niya."

( -。-)

"Tapos. Umiyak siya sa harapan ko." sabi niya. "Ayoko na sakanya, Alexa. Pero mahal ko siya. Pero ayoko na sa relasyon namin. Pero nasasaktan pa rin ako dahil sa ginawa niya. ALEXAAAAA! (*ノωノ)"

Oh anong gusto niya? Advice?

"Tapos ka na ba? Hayaan mo, ipapadala ko yang storya mo sa MMK o sa Mellow MYX. Baka makakuha ka ng maayos na advice para sa katangahan mo ( -。-) " sabi ko.

"Alexa naman ehhhh! Hindi ka ba naaawa sakin? (; T.T))" sabi niya.

"Hindi ka ba nahihiya sakin? Pupunta-punta ka dito para lang sabihin yan? Baka nakakalimutan mo, hindi tayo magkaibigan?" sabi ko. "Tsaka ba't ako maaawa sa maangas, antipatiko at lecheng tulad mo?"

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon