"The face is the mirror of the mind, and eyes without speaking confess the secrets of the heart." -St. Jerome
¬
Nung kaluluwa ako, lagi 'kong sinusundan si Alexa. Mapa-school o bar o kahit saan (maliban sa cr) dahil parte yun ng trabaho ko bilang guardian niya; to guide her, to keep her safe; at masasabi kong normal lang siya. Gaya lang ng ibang kabataan. Walang espesyal sakanya.
Pero sa ilang araw at gabi na 'yun, isa lang ang alam ko tungkol sakanya.
Baboy siya -_- — hindi dahil sa mataba siya o ano; dahil sa napakagulo ng bahay niya. Ng buong kwarto niya. Burara siya. Hindi siya marunong maglinis ng bahay; sina Luke pa ang naglilinis ng kalat niya dito. Minsan, tamad pero nag-aaral naman kung kinakailangan. At isa pa, lasengga siya (once or twice or even thrice a week)
Nung nakaraan, tinanong ko kina Noah kung bakit pumapayag sila na pumunta sa bar 'tong si Alexa. Na uminom at magpaka-lasing.
At 'di na ako nagulat bagkus, ay lalo lang ako naguluhan sa sagot nila dahil ito rin ang sinabi ni Luke noon.
"Kailangan lang niyang makalimot kaya bilang mga kaibigan ni Alex, wala kaming magawa kundi ang suportahan siya. Trust me Kyros, ayoko rin siyang makita sa ganung kalagayan, pero wala akong choice. Yun lang ang paraan na alam niya para makatakas at makalimot pansamantala. 'Di ko alam kung anong klaseng kaibigan ako kung pipigilan ko siya."
Gulong-gulo ako sa bagay na dapat niyang kalimutan. Ano ba ang bagay na iyon? Sino? Ano?
Bukod dun? Wala na akong ibang alam.
"So tell me about yourself?" sabi niya. "Bakit kayo lumipat sa school namin? Diba mahirap nang lumipat lalo na kapag 4th year na?"
Pareho kaming nakaupo sa magkabilang dulo ng sofa. Pareho 'ring umiinom ng mainit na tsokolate habang nanunuod ng palabas sa tv.
"There's nothing to know about." sabi ko. "Lumipat kami dahil gusto namin. Masyado kasing magulo sa previous school namin eh." tumango siya at halos nakahinga ako ng maluwag nang 'di na siya nag-tanong tungkol sa eskwelahan namin noon at kung saan iyon. Wala akong maisasagot noh dahil wala naman talaga kaming previous school. Maliban nalang kung ituturing niyang previous school ang in between -_- hehe.
"Come'on! Everyone has a story to tell." sabi niya.
Ano ba ang gusto niyang sabihin ko? "Ako si Kyros, sa maniwala ka man o hinde, kaluluwa na ako. 3 years o mahigit nang patay. Nabuhay lang dahil sayo. My story? Oh, wala akong maalala eh. Pero hayaan mo, pag natandaan ko na lahat, mumultuhin kita para maikwento ko sayo ang lahat ng gusto mong malaman tungkol sakin."
-_- Tignan ko lang kung magiging interesado pa siya.
"I'm sorry. Baka nawe-weirduhan ka na sakin." sabi niya sabay ngiti ng tipid.
"Matagal na." bulong ko pero bigla siyang tumawa at uminom muli ng tsokolate pagkatapos ay itinuon ang atensyon sa palabas na nasa tv.
"Thank you." sabi niya. "I never had a chance to thank you for helping my friends from Jase's friends last time. Siguro kung wala kayo dun, baka si Luke nalang ang kasama ko or worse, baka 'di ko na sila makita pa. So, thank you — pati na rin pala sa pag-tulong mo sakin noon sa may lockers." tumigil siya at napatingin sakin pagkatapos ay tumawa nanaman.
"Oh ano? Mas na-weirduhan ka ba sakin?" nginitian niya ako. "Pasensya ka na ah? Ganito talaga ako. Nagtataka pa rin nga ako kung bakit hanggang ngayon, pinagti-tiyagaan pa rin ako nung apat (Luke, Callum, Josh at Noah) na yun eh."
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."