AN// NAIS KO PONG MAGPASALAMAT SA LAHAT NG TAONG NAGTIYAGA SA STORYANG 'TO! IT TOOK TIME PERO ATLAST! NATAPOS KO NA SIYA! I OWE YOU READERS BIGTIME! MARAMING SALAMAT PO! SANA MAY MAGANDANG NAIDULOT AT NAITURO ANG STORY NA 'TO SAINYO.
LAHAT PO NG CHAPTERS NA WALANG DEDICATION AY DINIDEDICATE KO PO SAINYONG LAHAT. DAHIL PO SAINYO, PINAGPATULOY KO ANG PAGSULAT DITO.
SOBRANG THANK YOU PO TALAGA!
Magkita kita nalang po tayo sa Thereafter <3 *winks.
#OIDWattpad #OIDFinale
-
Alexa's POV
"Pinagbawalan siya ni Sir Decimus pero nagpumilit siya. Ginusto niyang gawin yun dahil gusto ka niyang makitang masaya. No one knows where he is right now. Malaki ang sinakripisyo ni Kyros para sainyo—para sayo. Kaya sana, wag mong balewalain yun. Alam naman namin na lahat ng nagiging desisyon ni Kyros, 'di lang dahil sa yun ang alam niyang dapat gawin kundi dahil alam niyang may magandang maidudulot ang gagawin niya. Kaya we are proud at him for doing that." Sabi ni Kris.
-
[After 1 week]
Nandito ako sa tuktok ng bundok kung saan kame huling nagsama ni Kyros noon.
Ang ganda pa rin talaga dito. Pinikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang hangin na dumadampi sa balat ko.
"Gusto kitang sabunutan, alam mo ba yun?" Sabi ko. Dumilat ako. Iniimagine ko na kausap ko si Kyros. Na nasa harap ko siya. "Gusto kitang sampalin ng paulit-ulit. Suntukin ng napakalakas.. At yakapin ng napakahigpit." Huminga ako ng malalim.
"Alam ko kung bakit mo ginawa yun kaya 'di ko na itatanong." Sabi ko. "Kyros.. Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sakin. Tinulungan mo 'ko sa lahat ng problema ko. Tinuruan mo 'ko kung paano magmahal, maging selfless, mag-move on." pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. "Kapag naiisip ko lahat ng ginawa mo, lahat ng sinakripisyo mo para sakin.. Nalulungkot ako. I don't deserve it, Kyros."
"Pero sabi nga ni Kris.. Hindi ka basta basta gagawa ng bagay kung alam mong hindi tama.. Kung alam mong hindi worth it." Sabi ko. "Nakakainis ka naman kasi eh. Nakakainis ka.."
"Ano bang nakita mo sakin at nagawa mong isakripisyo lahat?" Sabi ko. "Nakakainis ka.."
Napaluhod ako at yumuko. "Alam mo bang nahuli lang ng dating sina Kris at Lara nung nawala ka? Inexplain nila na kaya sila nawala dahil ginusto mo raw na ikaw ang tumulong sakin. Na dapat ikaw lang ang makasama ko. Na walang ibang distorbo habang sinusulit mo ang oras na meron ka para makasama ako.." Sabi ko. "Masyado kang possessive, Kyros.."
"Alam mo ba na hindi na ako natuloy sa California?" Sabi ko. "For the nth time, tama ka nanaman. Dapat 'di ako umalis dahil andito ang buhay ko."
"Sa lahat ng inamin mo sakin, 'di mo nasabi na Healer din pala si Trevor.." Natawa ako ng tipid. "Na Cardica niya pala si Fenella.. Na isa rin siya sa hiningan mo ng pabor para bantayan ako." Sabi ko. "Ang daya mo. Ang daya daya mo."
"Alam mo ba na magbabakasyon kami sa boracay 2 weeks from now? Uuwi sina Callum, Josh, Luke, at Noah at naisip nila na kailangan raw namin magbakasyon." Napailing ako at napangiti habang inaalala ang paguusap namin ni Luke last week. "Kahit kailan talaga."
Tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Nakakainis! Ang iyakin ko. "Sorry na.. 'Di ko talaga kaya na hindi umiyak eh. I'm filling you in with details you would want to know." Sabi ko.
"If you could just fill me with one detail I wanna know.." Sabi ko. "Nasan ka ba ngayon, Kyros?"
Natahimik ako dahil biglang lumakas ang hangin.
Kyros..
"Kung nasan ka man.. Sana okay ka. Sana naririnig at nakikita mo 'ko ngayon.." Sabi ko. "Hindi sapat ang isang pasasalamat para sa lahat ng nagawa mo para sakin that's why I'll forever be thankful, Kyros. I'll make your sacrifices worth it.." Tumayo ako at kinuha ang panyo sa bulsa ko para punasan ang mga luha ko.
I admit, I really miss how things used to be. But I can also admit, that I've accepted the fact that things have changed.
Maraming bagay na hindi na mababago. 'Di na magbabalik.. Kahit pa sumigaw ako.. Wala na. Kailangan ko tanggapin ang lahat.
There's no reason to look back when you have so much to look forward to.
You taught me a lot of things, Kyros. Thank you..
I will always look back to our memories. To those borrowed months we've spend with each other.
Maging 183 days o kahit ilang araw pa na nakasama kita..
I will always be grateful for every single second I've spend with you.
Sometimes you have to stop worrying, wondering, and doubting and just have faith that things will work out.
Pangako, Kyros. 'Di ako susuko. Mula ngayon, kahit anong problema ang dumating, 'di ako tatakas. Haharapin ko lahat.
Stay strong and be positive. We all struggle sometimes.
Naging matatag at matapang ako dahil sayo.. But don't take all the credit, Bae.
If someone is strong enough to bring you down, show them you're strong enough to get back up.
Kahit madapa ako.. Kahit masaktan ako.. Kahit bigyan ako ng tadhana ng bagay na 'di ko kaya.. Tatayo ako. Kakayanin ko.
"Tara na?" Napalingon ako at nakita ko si Pierce na nakangiti sakin. Sabay kaming umakyat dito sa tuktok nitong bundok.
Nang maglaho si Kyros ay unti-unting nawala ang sugat ni Pierce sa dibdib niya. It took almost an hour bago siya magising.
And I kissed him.
"Love him more than you could ever love me." (Kyros)
"I love you." Sabi ko. Hinawakan ko ang kamay ni Pierce na nakalahad. Hinawakan ko ito ng mahigpit.
Nginitian naman niya ako at hinalikan sa noo. "I love you, more."
I would never—ever—let go of this man.
I'm holding this hand because of one man.
I'm happy because of one man who made this all possible.
People may not know his name..
But Bae Kyros Larkin will always remain in the hearts of the people who are fortunate to meet him.
Lumingon ako at tinignan ang kagandahan ng view mula rito.
You are really a great guy. I'm beyond lucky to have met and be loved by you.
This is not goodbye, Kyros.
It will never be for us.
***
FIN
![](https://img.wattpad.com/cover/17027190-288-k333034.jpg)
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Novela Juvenil"A tragic story starring you and me."