"If you really love someone, even if there was a million reasons to leave, you would still look for one reason to stay." -Twitter.
-
Alexa's POV
Thursday
Pag-gising ko ay lumabas ako ng kwarto ni Kuya Kley at tumungo sa kwarto ko.
Akala ko maaabutan ko pa si Pierce. Akala ko andito pa siya.
Pero—Wala. Walang Pierce na natutulog sa kwarto ko.
Bumaba ako at tumungo sa kusina nang napansin kong walang tao sa sala.
"Umalis si Pierce kaninang madaling araw." Sabi ni Lara. "Sabi ko hintayin ka na magising dahil nakauwi ka na pero nevermind nalang daw. Tsaka sabi niya, mabuti at nakauwi ka ng ligtas."
Nanlumo ako. Bakit? Bakit pinapasabi lang niya? Bakit hindi siya ang mismong magsabi sakin?
Akala ko ba nag-alala siya sakin?
Galit ba siya?
Tangna, Alexa. Malamang! Galit yung tao sayo! Bukod sa pinag-alala mo, sinaktan mo pa. Anong gusto mo? Yakapin ka niya dahil nakauwi ka na? Kalimutan niya na nasaktan mo siya? ADIK KA NA BA TALAGA?
Siguro tama si Chim, mukhang nilayasan na ata ako ng utak eh. Tss.
Bakit ba 'ko nanlumo? Dapat nga maging masaya ako dahil nakakatulong siya sa pag-iwas ko sakanya.
He made it easier for the both of us.
"Ganun ba? Sige." Aalis na sana ako nang hawakan ni Lara ang palapulsuhan ko. Nilingunan ko siya. "Ano?"
"May problema ka ba, Alexa?" Sabi niya. "Galit ka ba sakin?"
Galit? Ang tindi naman ng galit. Siguro, nagtatampo? Siguro, disappointed? Ewan ko.
"Hindi." Tumungo ako sa sala at umupo sa sofa. Mamayang hapon nalang ako papasok.
"Bakit hiniwalayan mo si Pierce? Anong nangyari? 'Di naman raw kayo nag-away." Sabi ni Lara.
Inaasahan ko na 'to. Malamang sa malamang ay itatanong niya sakin 'to. Pero wala akong sagot. Ayokong sagutin. Kaya 'di ako umimik. Manhid ba siya? Hindi ba niya nararamdaman na nasasaktan ako? Healer siya diba? Dapat maramdaman niya 'to. Dapat 'di na niya tinatanong sakin yun. Dapat alam niya tutal marami naman siyang alam na hindi ko alam.
"Hindi mo ba alam na nagbreakdown sa harap namin si Pierce? Alexa, nakakaawa siya. Ayoko man maawa, pero awang-awa ako lalo na't wala siyang ideya sa kung anong nagawa niyang mali o kung talagang may nagawa ba siya."
Tumayo ako at akmang aakyat nang hilain niya ako kaya napaharap ako sakanya.
"Alexa, talk to me! Sabihin mo—"
"Diba dapat alam mo?" Sabi ko. Buwiset. Kaaga-aga, naluluha nanaman ako. Mygad.
"Anong alam—"
"Diba dapat alam mo lahat? Dapat alam mo kung bakit ako nakipaghiwalay sakanya? Diba dapat alam mo kung ba't ako 'di umuwi dito?"
"Alexa, hindi ako Diyos para malaman—"
"'Di ka Diyos, pero lahat ng sagot sa katanungan mo, alam mo." Sabi ko. "Sa tingin mo ba, tanga ako? Sa tingin mo ba, trip ko lang makipaghiwalay sakanya?"
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa pulso ko. "Healer ka diba? Dapat alam mo na hindi ko ginusto yun. Dapat alam mo na nasasaktan din ako. Dapat alam mo—Dahil alam mo naman talaga eh. Hindi mo na kailangan ng confirmation. Hindi mo na kailangan pang marinig sa bibig ko."
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."