"A lot we have in our head,
But things of heart are not yet dead,
They have done none, but just fled,
Out of us, Forgotten, just been bled.." -Numey¬
"A-Ano - Uh. Tara na. Baka - Baka ma-late tayo." sabi ni Alexa. Agad akong lumayo sakanya at umubo.
WHAT THE HELL WAS THAT, KYROS?!
Bakit natameme ka? Ba't kinabahan ka? Lintek lang. Wag mong sabihing - HINDI PUPWEDE. Hinde.
Umiling-iling ako at umubo muli. Pinaandar ko muna ang sasakyan bago magsalita.
"I'm sorry." sabi ko. Tangna, Kyros. ANONG GINAWA MO AT HUMINGI KA NG TAWAD SAKANYA?
Jusko, Panginoon. Tulungan niyo po ako. Kasalukuyan po akong nagdidiliryo. Hindi pa po ako nakainom pero daig ko pa ang lasing sa ginagawa ko. HEEEEELP! ( TT人TT)
"He used to do that." sabi ni Alexa. Napatingin ako nang bahagya sakanya.
Ayan. Naalala nanaman niya ang lalakeng nang-iwan at nanakit sakanya.
"Sabihin mo sakin ang mga bagay na ginagawa niya sayo noon para maiwasan ko. Ayokong naaalala mo siya habang kasama mo ako. Ayokong saktan ka. Gusto kitang tulungan na kalimutan siya. Hindi maalala siya lalo." sabi ko.
Nilingunan ko siya nang hindi siya umimik. "Okay ka lang ba?" sabi ko.
Nginitian niya ako ng tipid bago tumango.
"Alexa, dahan-dahanin natin. Kung hindi mo kaya, I'll respect that. Pero please, gawin mo na o(〒﹏〒)o Nakakaloka ka! You're sooo URGH! Good thing I'm prettier than you!" sabi ko. Natawa naman siya ng kaunti. Sana tumawa ka nalang lagi, Alexa.
"Salamat, Kyros. Maraming salamat." sabi niya. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at diretsong nakatingin sa daanan.
"Anything for you, Alexa." sabi ko. "Kailangan ko lang pala magbakla-baklaan para lang mapatawa ka. Gusto mo pa-s-ex change ako? Bah! Okay lang. Basta mapatawa lang kita." umiling lang siya at natawa at nang makita ko ang mga ngiti niya ay 'di ko namalayan pati pala ako ay nakangiti na.
Napansin kong tumahimik siyang muli. Saktong nasa intersection kami at pula ang nasa traffic light.
Napatingin ako sa kamay ko na nasa ibabaw ng kamay niya..
TANGNANG KAMAY YAN. KAILAN KA PA NAPUNTA JAN?! (ノ゚0゚)ノ~
Pakyu, Kyros. PAKYU!
"Uh - Sorry." sabi ko.
"Okay lang." sabi niya.
Pareho kaming tahimik. Dumaan kami sa pinagkuhaan niya ng regalo niya para kay Noah at hanggang sa nakarating kami sa bahay nina Noah ay hindi kami nagkaimikan.
Masyadong awkward.
Mas naging awkward pa nung lumapit si Callum kay Alexa. Nagkulitan silang dalawa at narinig ko nanaman ang tawa ng letseng baboy na yun.
Hay. Lord, ano ba 'tong nangyayari sakin?
¬
Nasa sofa kami at nanunuod ng MAMA2014 sa MYX. 'Di ko alam kung ano ito pero gusto ito panuorin ni Lara.
"Na-curious ako sa mga kaklase namin kanina na walang bukambibig kundi yang MAMA2014." sabi ni Lara kanina. "Tapos puro EXO sila kaya ayan, inaabangan ko kung sino yang EXO na yan."
At nang lumabas ang EXO sa red carpet..
"LINTEK! ANG GWAPO NILAAAAA! DAMN IT! THAT GUY LOOKS LIKE YOU, NIGEL! HE'S SOOOO HOT! ('∇ノ`*)ノ - OH.That guy looks like Raziel." sabi ni Lara na natigil pansamantala sa pagwawala sa harap ng tv. "Hmm. Try mong mag-ayos na parang ganyan, Raz. Bagay sayo." tinuon ulit ni Lara ang atensyon sa tv at nagwala lalo nang magsalita yung kamukha raw ni Nigel.
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."