"In this bright future you can't forget your past." -Bob Marley
¬
Nasa langit na ba 'ko? Nakatawid na ba ako? Tapos na ba ang tungkulin ko sa babaeng baboy na sobrang taas ng pride? O baka nakabalik na ako sa in between?
"Kyros!"
Teka, sino ba yun?
"Kyros!"
Nigel? Hindi, makapal boses nun eh.
Sterp? Hindi rin.
Raziel? Malabo.
Xeven? Wala akong batok na natanggap, so hindi siya yun.
Kris? Bakit naging medyo malumanay ang boses niya? O.O
Teka.. Bakit parang may humahawak sa kanang pwet ko?
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napansin kong nakadapa pala ako sa kama — teka, 'di ko kama 'to ah?
Tsaka..
"RAAAAAAAAAPEEEEEEEEEEEEEE! (ノ゚0゚)ノ~"
*PAAAAAAAK!
(;へ:)
"Tumigil ka nga! Anong rape ang pinagsasabi mo?" teka, boses ni..
"ALEXA?!" lumingon ako at ayun, sinapak nanaman niya ako.
"Tigil-tigilan mo 'ko." sabi niya. "Ayan. Nagamot ko na yang pwet mo. Pati na rin yung mga galos mo sa kamay at braso." sabi niya.
Sus. Ginamot lang pala niya yung pwet ko eh. Akala ko talaga nirape na 'ko. Buti nalang———Teka..
ANO?!
"NAKITA MO?!" Lintek, Kyros. Anong ginawa mo at pati yang pwet mo — Sh-it. NAKAKAHIYA KA!
"Malamang. Sino ba naman kasing may sabing umakyat ka at itama yang pwet mo sa gate? Tanga ka ba? May lahi ka bang magnanakaw? Myembro ka ba ng akyat bahay gang, ha?" sabi niya. "Magpasalamat ka nalang at galos lang ang natamo niyang pwet mo." sabi niya.
"TUMIGIL KA NA NGA SA KAKA-BANGGIT SA SALITANG PWET! NAKAKAHIYA! (ノ><)ノ" sabi ko. Lintek ka, Kyros. Pumunta ka dito para humingi ng tawad at kausapin siya, hindi para pahiyain ang sarili mo!
"Wow. Nahiya ka pa? Eh hindi ka nga nahiyang umakyat dun sa gate eh." sabi niya. "Wag kang mag-alala, pwet lang ang nakita ko. Wala nang iba. Pwet lang talaga." Pilit ko siyang tinignan kahit medyo nahihirapan ako (dahil nakadapa ako sa kama) at nakita kong nag-iwas siya ng tingin at namula. Nakita niya ako at umubo siya.
LUPA, LAMUNIN NIYO NA 'KO ULIT! AYOKO NA DITO!
"ALEXAAAA!"
*PAAAAAAAAK!
"ARAAAAAAAAY! o(╥﹏╥)o" Bukod sa mala-bundok na pride, sadista rin 'tong babaeng baboy na 'to! Bagay sila ni Xeven! Walang alam kundi ang saktan ako!
"Tigil-tigilan mo 'ko sa kaka-'Alexa' mo kung ayaw mong masapak." sabi niya.
Tumayo siya at akmang aalis nang hawakan ko ang palapulsuhan niya.
"Saan ka pupunta?" sabi ko.
"Sa labas." sabi niya.
"Wag mo 'kong iwan." sabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo."
"Alexa.."
"Isa, Kyros." sabi niya. "Baka gusto mong tuluyan ko yang pwet mo?"

BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."