"The truth is you don't know what is going to happen tomorrow. Life is a crazy ride, and nothing is guaranteed." -Eminem
¬
"Walangya ka, Kyros! Ba't ginamit mo kami ni Xeven jan sa kalokohan mo, ha?!" sabi ni Nigel
"Tsaka hoy! Hindi kami natatakot kay Alex noh! Asa ka pa!" sabi ni Xeven.
-_- Buti nga may silbi pa sila eh. Kahit pangalan lang nila, swak na. Mukhang may narealize naman siguro si Alexa sa sinabi ko kanina diba?
"Ano bang kinapuputok ng butsi niyo? Pangalan niyo lang naman yung ginamit ko ah?" sabi ko. "Tsaka sigurado ba kayong 'di kayo natatakot sakanya?"
"Yun na nga, Kyros! Ginamit mo ang mga inosente naming pangalan para jan sa words of wisdom mo!" sabi ni Nigel.
"Tsaka hindi kami natatakot sakanya! SLIGHT LANG! (×_×;) " sabi ni Xeven.
Paano nila nalaman? Hindi na ako nagulat kung sinigawan na nila ako agad nang makarating ako dito sa booth namin. Mga kaluluwa yan. Malamang alam nila lahat. Pero kahit tao sila, wala pa rin nagbago.
Eh ako?! -_- Pag nagkita kami ni Sir Decimus, sasakalin ko siya. Pati kakayahan kong magbasa ng iniisip ng tao, tinanggal niya. Walangyang gurang. Tss.
"Tantanan niyo na nga si Kyros." sabi ni Kris. "Ginaw — AT BAKIT 'DI KA NAKA-COSTUME?!" isa pa 'tong si Kris eh. Okay na sana, sumigaw lang(;へ:)BAKIT BA LAHAT SILA, SINISIGAWAN AKO?!
"Ba't kailangan ko pang mag-costume, eh totoong multo naman ako eh." sabi ko. "Tsaka wag niyo na nga akong sigawan! o(;△;)o"
"Gago. Tao ka ngayon kaya kailangan mong mag-costume! Tsaka hello? Haunted House Booth 'tong pinagtatambayan mo!" sabi ni Kris.
Nilingunan ko sila at napasapo ako sa noo ko. Nakatalikod kasi ako the whole time at nakaupo lang dito sa labas habang pinagmamasdan yung mga estudyante na naglalakad kasama ang mga kaibigan nila at namimili ng pupuntahan nilang booth mamaya.
"Wow. Yan pala ang costume ah?" sabi ko.
Eh paano, yung mga suot nila — costume nga pala — eh yung itsura nila nung mga kaluluwa kami yung gamit nila eh.
Idagdag pa yung mga dugo na nasa iba't ibang parte ng katawan at mukha nila.
Ito yung state nila noong namatay sila. Kung tutuusin, costume lang 'to para sa iba. Pero talagang matatakot sila pag nalaman nilang totoong multo ang kaharap nila at ganito ang itsura nila nung namatay sila — well, costume nalang ito dahil tao sila ngayon.
"Eh sa wala na kaming maisip na costume eh!" sabi ni Sterp.
"Tsaka, we want to feel nostalgic. Matagal-tagal ko na rin 'di nakita ang sarili kong nakaganito — eksaktong itsura ko nung namatay ako. Hehe. Cute noh? o(≧∇≦o) " sabi ni Raz.
Naka-puti kasi kami nung nasa in between. Perks of being a not-so-good-ghosts. Lumilinis ka at nawawala lahat ng bahid ng aksidente o dahilan kung bakit ka namatay.
"Cute? Eh ang panget nga ng kinamatay mo! Nalunod ka lang. Walang thrill." sabi ni Sterp.
"Hoy meron kaya!" sabi ni Raz sabay turo sa ulo niyang may bahid ng dugo. "Nung nahulog ako mula sa mataas na lugar at nalunod, bumagok 'tong ulo ko sa malaking bato. May thrill kaya yun!"
"Sus. Eh ikaw nga, Sterp. Mas walang thrill yung sayo dahil nasagasaan ka lang dahil may sinagip kang pusa." sabi ni Nigel.
"Nagsalita ang taong cliché ang kinamatay." sabi ni Sterp. "Leukemia, Nigel? Really?"
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."