xx. OneInfinithryDays 3

5.9K 206 16
                                    

"Life itself is simple - it's just not easy." -Anonymous

¬

"Pero hindi pupwede! Patay na ako. Imposible -"

"Kyros. When you're in between, everything's possible. You can either go to heaven or get stuck in hell." I couldn't believe this.

"But I don't want to go back! I don't -"

"This is still part of your job as her guardian. You know that you can't read her mind. You can't even decipher what she'd do next. At hindi yan makakatulong sa trabaho mo kaya I'm giving you the privilege para mabuhay muli para mabantayan siya. Well, ikaw ang bahala. Kung aayaw ka, mission failed. Hindi ka makakasama sa lima na tapos na sa mission nila. Mapupunta sa wala ang lahat ng ginawa ninyo para lang makatawid sa langit. Your choice, Kyros. Heaven.. Or hell."

¬

3rd Person's POV

Nasa bar sina Alex, Noah, Callum, Josh at Luke. Underage sila pero dahil sa kaibigan ni Josh ang may ari ng bar ay malaya silang nakakainom at nakakapunta dito.

Nasa dance floor si Alex habang ang apat niyang kaibigan ay napapailing nalang habang nakamasid sa dalaga.

"Kailan kaya titigil yang si Alexa?" sabi ni Noah.

"Noah, it's Alex. Pasalamat ka at wala siya dito kundi ewan ko kung ano ang gagawin niya sayo. Alam mo namang ayaw na ayaw niyang tinatawag natin siyang Alexa, diba?" sabi ni Josh. "At alam niyo namang yan lang nakakapagpasaya sakanya. Suportahan nalang natin siya."

"Nag-aalala na talaga ako kay Alex. Nakakamiss na ang dating Alex na kilala ko." sabi ni Luke.

"Wala tayong magagawa." sabi ni Callum. "When life fvcks you hard, all you have to do is lean back and enjoy it. At yan ang ginagawa niya."

Napabuntong hininga ang tatlo sa sinabi ni Callum at binalik ang atensyon sa dalaga na sumasayaw pa rin.

¬

"Alex naman! Wag sa kotse!" sigaw ni Luke. Siya ang naghatid kay Alex pauwi dahil lasing na yung tatlo at 'di na nila kaya pang mag-maneho.

Tumigil si Luke sa isang eskenita at inalalayan si Alex upang makasuka ito ng maayos.

"Alam mo, minsan, nakakadiri ka, Girl. As in!" sabi ni Luke.

Inalalayan lang niya ang dalaga na ngayon ay sumusuka pero natatawa.

"Minsan lang naman eh. Haha!" sabi ni Alex at sumuka nanaman ulit.

"Nako lang. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo!" sabi ni Luke.

"Naman, Luke eh! Penge ngang tubig!" sabi ni Alex.

"Inubos mo na! Leche ka." sabi ni Luke.

"Eh 'di bumili ka! Nakakaloko ka na ah." napailing nalang si Luke sa sinabi ni Alex at iniwan ang dalaga sa loob ng kotse niya.

"Jan ka lang! Wag kang gumapang o lumabas jan. Kung gusto mo pang sumuka, ilabas mo lang yang ulo mo at sumuka ka sa labas at wag sa loob ng kotse ko kunti kukutusan ko yang pagkababae mo! Maliwanag?!" sabi ni Luke.

"Tubiiiiiiiiiiiiiiiiiiig!" sabi ni Alex.

Luke rolled his eyes at umalis na para makabili ng tubig.

Tulala lang si Alex habang hinihintay si Luke na makabalik.

Kaya lang..

"Oh kita mo nga naman." napatingin siya sa may bintana at nakita niya ang halos siyam na lalakeng nakapalibot sa kotse.

Biglang bumukas ang pinto at hinila siya ng dalawang lalake palabas at hinagis sa semento.

Pero tulala lang si Alex. Hindi siya gumalaw para manlaban o tumakbo.

"Ba't mag-isa ka, Miss?"

"Masarap 'to mga 'tol."

"Ako ang unang nakakita kaya ako ang unang titira." lumapit ang isa sakanila kay Alex at hinimas ang legs nito.

"Gago. Tayong dalawa ang nakakita sakanya kaya tayong dalawa rin ang sabay na titira - "

Nanlaki ng kaunti ang mga mata ni Alex nang biglang lumipad sa malayo ang dalawang lalake na nakapalibot sakanya na ngayon ay nakahandusay na.

"Maawa nga kayo sa mundong 'to. Ang papanget niyo, may balak pa kayong magkakalat ng mga lahi niyo." sabi ng lalakeng dumating para sagipin si Alex. Nilapitan nito ang dalaga at hinawi ang buhok nito.

Madilim kaya 'di maaninag ni Alex ang mukha ng binata.

"Sino k-ka?" sabi ni Alex.

Napangisi lang ang lalake at binalik ang atensyon sa mga adik hanggang sa tumakbo ang siyam palayo at tuluyan nang nilubayan si Alex at ang lalakeng sumagip sakanya.

"Okay ka lang ba?" sabi ng lalake.

Kunot noo siyang tinignan ni Alex. Masakit ang ulo niya dahil sa dami ng nainom na alak at bukod dun, malabo rin ang mga mata niya dahil wala siyang suot na salamin.

Binuhat siya ng lalake papunta sa loob ng kotse ni Luke. Nahihilo man ay nagawa niyang muli magtanong sa binatang sumagip sakanya.

"Sino - Sino ka ba?" sabi ni Alex.

Ilang sandali lang ay nakatulog na si Alex kaya 'di niya narinig ang sinagot sakanya ng binata.

"Kyros. Bae Kyros Larkin."

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon