Author's Note:
Hi! Sa mga nag-aabang ng update nito. I've decided to change everything. As in lahat.
All you have to do now is to remove this story in your library then add it again para mabasa niyo po yung mga binago ko. Maguguluhan kayo pag 'di niyo nabasa yung previous chapters na binago ko :)
-
"Friends show their love in times of trouble, not in happiness." -Euripides
¬
"Sino ka?"
Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang mga mata niya habang nakakunot ang noo at tinatanong sakin kung sino ako.
Lalo na nung bago siya pumikit at nakatulog.
Sino ba naman ang hindi makakalimot sa scenaryong iyon lalo na kung nilapitan ka ng isang babae na lasing at 'di ka kilala..
At bigla kang sinukahan -_-
Oo, sinukahan niya ako bago siya sumandal at tuluyang nakatulog.
Hanggang ngayon, wala pa 'ring nagbago sa first impression ko sa babaeng yun.
Baboy pa rin siya -_-
Nang makarating ako sa bahay na binigay sakin ni Sir Decimus (na iilang kanto lang ang layo mula sa bahay nina Alexa) ay tumungo ako agad sa kwarto ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, humiga na ako sa kama at pinagmasdan ang kalangitan mula sa labas ng malaking bintana na nasa tabi ng kama ko.
Ibang iba ang pakiramdam ko ngayong nakakahinga na ulit ako, nakakakain at nakikita na rin ng ibang tao.
Nasanay na ako sa pagiging isang kaluluwa na hindi humihinga, hindi nakakakain at lalo na't hindi nakikita ng ibang tao.
Dalawang araw na simula ng napapayag ako ni Sir Decimus na bumalik dito sa mundo ng mga buhay at maging tao muli.
Nung unang araw ko, sinanay ko muna ang sarili ko na mabuhay bilang tao. Pagkatapos ay inasekaso lahat ng dapat asekasuhin na parte bilang pagiging guardian ko.
Kasama ko si Sir Decimus (na pansamantalang naging tao at prinesenta ang sarili niya bilang tatay ko) sa pag-enroll sa pinapasukan ni Alex.
Oo, kailangan kong pumasok sa pinapasukan niya. Bakit? Para mabantayan ko siya. ('Di pa ba halata yun?-_-)
Pagkatapos sa skwelahan ay tumungo kami sa mall para makapagbili ng mga gagamitin ko. Damit, sapatos, kasangkapan, furnitures, groceries. Lahat ng kakailanganin ko. Pati kotse, binilhan rin ako ni Sir Decimus.
Aaminin ko, hassle talaga 'tong pagiging Ghost — Guardian pero kung lilibrehan ka ba naman ng mga bagay na hindi basta basta nakukuha sa isang araw lang, siguro naman, kaya kong mag-tiis ng konti? Hehe.
Pero kahit dalawang araw na akong buhay, hindi ko pa 'ring maiwasan ang 'di matakot.
Ano siguro ang naghihintay sakin sa unang araw ng pasukan sa lunes?
¬
Linggo ngayon at wala akong ibang magawa dito sa bahay. Kakaluto ko lang rin kanina (hindi ko alam kung paano ko nagawang makapag-luto ng pritong itlog at hotdog at makapag-saing, siguro nung buhay pa ako, marunong rin ako mag-luto) pero ilang oras lang ay dinalaw nanaman ako ng gutom.
Mauubusan ako ng pera nito sa kaka-grocery eh -_-
Bago ako tuluyang iwan ni Sir Decimus dito, binigyan niya ako ng pera at ng debit cards para magamit ko habang nandito ako sa mundo ng mga buhay.
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."