Author's Note:
Irerevise ko pa 'tong part na 'to XD hahahaha! Salamaaaat sa mga nagbabasa nito kahit alam kong naboboringan kayo XDSa mga naghahanap kay Kyros, wag raw kayo mag-alala dahil kahit wala na raw siya, lagi naman siyang tatambay sa puso niyo *winks.
¬
"Minsan, kailangan din ilabas ang sama ng loob natin, para malaman na hindi unlimited ang pasensya ng tao." -MgaKasabihan.
¬
Tumungo ako sa locker ko at nilagay dun lahat ng libro na nasa bag ko pagkatapos ay malakas kong sinarado ito nang hindi ko agad napansin na may t-shirt na nakalahad sa tabi ng locker ko.
"Use it." sabi niya. "Hindi magandang tignan." sabay turo niya sa uniform ko na sobrang dumi na.
Tinignan ko yung t-shirt na hawak niya. "No thanks." sabi ko. "May coat naman ako kaya hindi na masyadong halata." hindi ko suot ang coat ko kanina kaya yung blouse na uniform lang ang natapunan ni Fenella.
Maswerte yang Fenella na yan at ayaw ko ng gulo. Dahil kapag pinatulan ko siya, panigurado, hindi na mananahimik ang buhay ko sa eskwelahang 'to. Sikat kasi sila dalawa ng punyeta niyang boyfriend.
Pero konting-konti nalang. Konting konti nalang at malalagpasan na niya ang limitasyon ng pisi ko.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napansin 'tong lalakeng 'to. Hindi kami close pero wagas siyang mag-offer ng shirt? Wow ha. Anong nakain niya? Nilampasan ko na siya at pinabayaan sa kinatatayuan niya. Kailangan kong umuwi agad. Wala ako sa mood. Gusto kong pumatay ng tao. Ng lecheng matangkad na tao (x_x;)
Nasa hallway na ako nang biglang nilahad niya ulit ang t-shirt at nasa nakapatong rito ang isang panyo. "Kunin mo na." sabi niya.
Ang kulit rin nito ah? Pagkatapos niya akong pahiyain kanina, hahabulin at kukulitin niya ako ngayon? Iba na ba ngayon? Pati lalake, bipolar na rin?
"Pierce. Please lang! Wag muna ngayon." sabi ko. "I've had enough for today. Pwede next week ka nalang mangulit?"
"Uuwi ka?" sabi niya pero hindi ko siya pinansin at naglakad pa rin ako. Ba't ba naging makulit 'to? Hindi rin siya tumigil at sinundan niya pa rin ako. "Hatid na kita."
Tumigil ako at hinarap siya. Kalma, Alexa. Kalma. "Please lang! Tigilan niyo muna ako — kahit ngayong araw lang. Kahit ngayon lang!" sabi ko.
Tinignan lang niya ako. Hindi siya nagreact kahit sinigawan ko na siya. He just blinked and his face stayed blank.
"I saw what happened." sabi niya.
Kaya naman pala — So he's doing this out of pity? Kinakaawaan niya ako? Ha! Amazing. Siya, na ngayon ko lang nakita at nakilala, na hindi ko ka-close, kinaawaan ako.
I smiled at him bitterly. "I don't need any pity from anyone." sabi ko.
Bumuntong hininga siya. Kinuha ang panyo na nakapatong sa t-shirt at lumapit sakin..
"Anong — "
"Sorry — For what I've done. Just.." sabi niya habang pinupunasan ang pisngi ko — yung mga luha ko na kanina pa gustong lumabas, hindi ko manlang napansin na umagos na pala —nang nagulat ako sunod na sinabi niya. "Just — Don't cry." Pagkatapos nun ay umalis na siya dala ang shirt niya pero nilagay niya sa kamay ko ang panyo at iniwan akong tulala mula sa kinatatayuan ko.
¬
Nang makauwi ako ay kinulong ko ang sarili ko sa kwarto at niyakap ng mahigpit yung teddy bear na binigay ni Kyros.
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."