Author's note:
Frieeeends! :D Commeeeeent kayo ;(( Hahaha! Mag-uupdate ako every now and then dahil pasukan na sa Nov 3 ;-; PM me if magpapadedic kayo okay? :) Pramis, ililista ko na yung mga usernames niyo nang 'di ko makalimutan. Take care! xx
¬
"Mankind are governed more by their feelings than by reason." -Samuel Adams
¬
Siguro ganito na talaga pag lalake. Hindi pinipili kung sino ang kakaibiganin — one minute we barely know each other, the other, we talk about alot of things and just like that. We hangout like we've known each other for years.
Pero kahit kaibigan mo na, dapat alam mo kung hanggang saan ang limitasyon mo.
"Bakit siya nasa bar?" sabi ko. Nagmamaneho ako habang nasa tabi ko si Callum. Nasa kotse ni Noah sina Luke at Josh.
"Gusto niya lang magpakasaya. Kalimutan ang problema pansamantala." sabi niya. "Sanay na kami kay Alex. Ganun na talaga siya eh."
Hindi na ako umimik. Sa ilang beses kong pagsunod kay Alexa (nung kaluluwa palang ako) at sa napapansin ko (tuwing recess, lunch break at free time sa school) ay iba si Callum sakanila.
Wala siyang problema kahit lumaklak pa ng ilang bote ng alak si Alexa pero pagdating sa problema na involve siya, nagiging overprotective na si Callum.
Mukhang hindi rin siya basta basta nagtitiwala.
Nang dumating kami ay nakita namin si Alexa sa labas ng bar at nakaupo sa semento.
Umiling lang sina Josh at Noah pagkatapos ay pumasok sila sa loob para ayusin ang kung anumang nasira ni Alexa (kung meron man)
"Oh my gahd, Alex." sabi ni Luke. "Tumayo ka nga jan!" inalalayan siya nito para tumayo.
"Oh ba't andito kayo?! Diba may pasok ngayon?! Haha!" sabi niya.
"Alex, 5:47pm na. Kanina pa tapos ang klase." mahinahon na sabi ni Callum. Tinaasan lang siya ng kilay ni Alexa tapos ay ako naman ang napansin niya.
"Oh—OOHH! Ikaw nga! Yung lalakeng tumulong sakin nung nakaraang araw!" natatawa niyang sabi. Malala na talaga 'tong babaeng 'to. "Siya yung nag-lagay ng panyo sa sugat ko sa tuhod! Siya yun!"
-_-
Napatingin rin sakin sina Luke at Callum. I just shrugged.
"Teka — Ba't andito ka?! Bakit kasama mo sila?! Bakit kasama ka nila?! Hahahahaha!" sabi niya.
"Pagpasensyahan mo nalang siya, Kyros. Ganito talaga 'to pag nakainom." sabi ni Luke.
Wag kang mag-alala, Luke. Alam ko.
Inalis niya ang pagkakahawak sakanya nina Luke at Callum pagkatapos ay nilapitan ako at..
Niyakap.
"Ang bango mo naman!" sabi niya.
Jusko. Konti nalang, itatakbo ko na 'to sa mental.
At ngayon, gusto ko na siyang ipatapon kahit saan at gusto ko nang bumalik sa in between because she wrapped her arms around me and..
Kissed me — in front of her friends. In front of Luke and Callum.
Pero, sa may pisngi lang — Sa gilid ng labi ko.. PERO HALIK PA RIN YUN!
Pagkatapos, nang lumabas sina Noah at Josh, halos napanganga silang apat, pati na rin yung dalawa (na kanina lang ay gulat na gulat at ngayon ay nakanganga na rin) dahil sa sunod na ginawa ni Alexa.
![](https://img.wattpad.com/cover/17027190-288-k333034.jpg)
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."