AN/ isang chapter nalang tapos epilogue na! Omg!
P.S: Sa mga nagbabasa ng Adameon High, may book 2 na po. Thereafter po ang title. Visit my profile dahil andun lang yun *smiles.Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na nagbabasa nito. Please do comment until the end. It would mean the world to me *cries.
-
Alexa's POV
Kinuha ko ang phone ko at chineck ito. May messages ako galing kina Chim at Maddie. Tinatanong kung makakasama ba ako sa boracay sa susunod na linggo.
Ito talagang si Chim. Alam na nga niyang sa susunod na linggo rin ang alis ko, tinanong pa ako.
"Tulungan na kita?" Napatingin ako kay Kyros.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Andito si Kyros. Nasa tabi ko. Oo, hindi niya kamukha at hindi niya katawan ito pero.. Si Kyros pa rin 'to.
"Sino ang lalakeng 'to? Bakit siya ang napili mong saniban? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Sabi ko. Pinagpatuloy ko ang pagluluto ko ng fried rice. Nagugutom raw siya eh. "Maghahanap ka nalang ng masasaniban, yung mas gwapo pa sayo. Pag ako nainlove sa lalakeng yan, ikaw rin ヽ(ー_ー )ノ"
Sumandal siya sa may sink at humalukipkip na tumingin sakin. "Hoy, Alexa. Wag kang malandi. Ang dami-dami mo nang lalake, idadagdag mo pa 'to? (・_・́)" Sabay turo sa mukha niya, in short, sa mukha ng taong sinaniban niya. "Naglalasing kasi sa may kanto eh. Tsaka wala na akong oras para mamili ng sasaniban."
It took time para mapaniwala ako na siya nga si Kyros. Marami akong tinanong sakanya na si Kyros lang ang nakakaalam at nasagot niya lahat. Kulang nga yung puro tanong lang eh, siya na mismo ang pinakwento ko ng mga bagay bagay na si Kyros lang ang makakapagsabi.
"Ang gwapo naman ng nilalang na yan para saniban lang." Sabi ko. "Gwapo na nga, ang cute pa. Kailan mo ba lalayasan yan nang matanong ko kung single pa siya o 'di na?"
Siningkitan niya ako. "Baka nakakalimutan mo na may Pierce ka?" Sabi niya. Pinitik niya ang noo ko at lumevel sa mukha ko. "Kaya wag kang malandi. Maliwanag? (◕ ヘ〝◕)"
Ang weird. Sobrang weird.
Iniwasan ko siya ng tingin at inoff na ang stove. "Wala na kame." Sabi ko. Kumuha ako ng plato at nilipat ang kanin. Ulam naman ang susunod. Tss. Kung alam ko lang na darating ang lalakeng 'to—Kung alam ko lang na babalik siya.. Eh 'di sana, nagluto ako ng marami kanina para iinitin nalang ngayon.
"Of course. Tanga ka kasi ( ൬ _ — )" Sabi niya. "Pinakawalan mo dahil sa napakawalang kwentang dahilan. Ang tanga tanga ( ̄^ ̄)ゞ "
Nilagay ko sa dining table ang fried rice. "Ilang beef loaf ang gusto mo?"
"Nung nalaman mo na may nanganganib ang kaligayahan mo dahil kay Louden, you did everything to secure it. To be happy with him and to prove it." Sabi niya. "Tapos nung nalaman mo na pinatay ni Louden ang dating kasintahan ni Pierce, ikaw mismo ang sumira sa kaligayahan mo. Nakipagbreak ka." Nasan na ba yung kutsilyo? Paano ko hihiwain 'tong beef loaf? "Eh kahit yung ex ng kaibigan mong si Chim, pinatay rin naman ni Louden diba? Eh bakit yun, 'di mo iniwasan? Ginawa mo pang sandalan. Yan ang katangahan na hindi ko maintindihan ╮(─▽─)╭"
'Di na ako nagulat kung bakit kilala ni Kyros sina Chim at Pierce. Kung bakit marami siyang alam. Malamang, alam niya.
"Kasi sinira ko ang kaligayahan ni Pierce. Kung 'di dahil sakin, sana masaya pa rin siya hanggang ngayon kay Danica. Sana sila pa rin. He even promised her na hahanapin niya ang taong pumatay kay Danica. He barely moved on when I met him dahil mahal na mahal niya si Danica. I almost begged for him to love me back because he can't stop compairing me to Danica.." Sabi ko. Nilagyan ko ng mantika ang frying pan. "Kay Chim naman.. Matagal na silang break ni Fenella. May iba na si Fenella nun."
![](https://img.wattpad.com/cover/17027190-288-k333034.jpg)
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Novela Juvenil"A tragic story starring you and me."