xx. OneInfinithryDays 55

2.2K 73 13
                                    

Author's Note:
PM me kung gusto niyong nagpadedic :) Thank you sa pagbasa! xx

Happy 55k Reads, OID! Hart hart :3

#OIDWattpad

¬

"There's a natural law of karma that vindictive people, who go out of their way to hurt others, will end up broke and alone." -Sylvester Stallone.

¬

"Pucha! Tara! Inom pa!"

Hulaan niyo kung nasaan ako ngayon.

"Chim, kumalma ka muna. Kanina ka pa umiinom eh." sabi ni Sparke.

Hulaan niyo na rin kung sinu-sino ang kasama ko.

"Oh kanina pa tumutunog 'tong cellphone — Chim naman! Ba't mo tinapon?!" sabi ni Jase.

Talaga 'tong mayayaman. Tinawagan lang ng kinaiinisan nila, ihahagis agad ang cellphon sa kung saan man. Rich kids. Tss.

"Hoy, Alexa! Umorder ka pa nga dun ng beer! Dali!" sabi niya.

(¬_¬) Ano ako, utusan mo? Asa ka. Kahit ikaw pa ang pinakamayamang tao sa pinas, hinding-hindi ako magpapa-alila sayo!

Hinawakan ni Vince ang balikat ko. Pasalamat talaga 'tong Chim na 'to ang pinigilan ako ni Vince kundi baka minura ko na siya."Ako na'ng oorder." sabi ni Vince. "Samahan mo nga ako, Bry." .

"Vince! Isang tequila para sakin ah? Tsaka dalawang bote narin ng beer!" sigaw ko. Tinaas lang ni Vince ang kamay niya at nag-thumbs up.

Tumunghay naman ako at nakita kong nakataas ang kilay ni Jase sakin. "Ano? \( ・_・)" sabi ko. "Masama bang uminom sa loob ng bar? ╮(︶︿︶)╭" eh sa namiss ko'ng uminom at tumambay dito sa bar na 'to kaya wala siyang magagawa (*˘︶˘*).。.:*♡

"Alexa naman. Nandito tayo para alalayan 'tong si Chim at hindi para magpakalasing. Alam kong sanay ka pero — " (Jase)

"Eh sino ba naman kasing may sabing kaibigan ko yang ungas na yan?" sabi ko. "Damayan niyo siya kung gusto niyo. Basta ako? Iinom ako dito." sumandal ako sa kinauupuan ko at humalukipkip. Tinignan ko si Chim na nakayuko at iniinom ang huling bote na inorder niya kanina. "Obssessed pero nangati at pumatol sa iba. Lumelevel up na talaga ang ka-dramahan ng buhay nila."

Sinu-sino ang kasama namin dito? Ako, Sparke, Jase, Vince at Bryan (Nakit lang rin namin yang dalawa dito sa bar, matagal na rin namin sila hindi nakakasama kaya nag-bond na rin kami. Sa kasamaang palad, kilala rin nila itong si Chim. Paano? Abah malamang sa malamang, dahil sa DOTA). Sina Maddie at Laryne ay maagang umuwi dahil kailangan pa nilang tapusin yung report nila para bukas. Tapos na kami ni Jase sa report namin kaya andito kami ngayon — Stressfreena sana kung hindi lang dahil sa lecheng 'to.

Bakit kami andito? Abah, madali lang yan. Dahil break na sina Chim at Fenella.

Paano? Well, ganito ang nangyari; Nung araw na nasa café kami ay binigyan ko ng kondisyon si Chim.

Kapag kinausap niya si Fenella at hindi pa rin ito pumayag na makipag-break sakanya ay tutulungan ko siya. Oo, pumayag ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit. Siguro, dala na rin sa inis ╮(︶︿︶)╭ Oo, inis dahil nakakaputa ang pangungulit niya.

Ilang araw pagkatapos nun ay pinilit ako ni Chim na samahan siya sa lugar kung saan gaganapin ang photoshoot ni Fenella. Galante ang gago dahil siya mismo ang bumili ng ticket ko. No choice ako at sumama na rin para matapos na ang participation ko sa drama nila.

Kaya lang, pagdating namin sa hotel na tinutuluyan ni Fenella ay naabutan namin siya na nakikipag-lampungan (kiss kiss and touch touch) sa lalakeng 'di ko kilala (pero sabi ni Chim ay yun raw yung partner ni Fenella sa photoshoot)

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon