xx. OneInfinithryDays 72

1.6K 70 13
                                    

Kakatapos lang ng hell week kaya marami sa teachers namin ang hindi umattend dahil sa mga papers na kailangan nilang i-check. Meron naman na umattend para samin mismo ipa-check yung papers.

"OMG!!!!!!!"

Gahd, Maddie! -_____-

"Damn it. Oo na. Siya na gwapo. Yung lalakeng yun na ang matangkad. Pwede ba?" Sabi ko. Kanina pa siya kinikilig at nagboboy-hunting habang andito kami sa may backfield.

"Tignan mo! Ang gwapo niya!" Sabi niya sabay turo dun sa lalakeng naglalaro ng softball. "Gaaahd! He's so hawt!" Sabay turo naman sa lalakeng naglalaro ng soccer.

"So, pinapadalhan ka pa rin ng 'secret admirer' mo ng bulaklak?" Sabi ko. Maiba lang. Para madivert ang atensyon niya sa ibang bagay.

Tumango siya at inayos ang pag-upo niya dito sa may bench. "Actually, mukhang kilala ko na kung sino ang 'secret admirer' ko."

"Oh? Ganun? Sino?"

"Yung 3rd year BA student. I guess his name is Christian." Sabi niya.

"Paano mo naman nalaman na siya?"

"Naabutan ko kasi siya na nakatayo sa harap ng locker ko. Tapos hawak niya yung isang stem ng blue rose." Sabi niya habang kinikilig. Mygoodness (-、-) "Mygaaad! Ang gwapo niya, Alexa!"

"Oh eh pano si Sparke?" Sabi ko. Natigilan siya at binalik ang atensyon sa mga lalakeng pinagpapantasyahan niya sa may field.

"Naka-move on na 'ko sakanya noh." Sabi niya. "Ilang linggo na kaming break, Alexa. No communications and all. Syempre, makaka-move on ako." Nabanggit niya rin na kinausap ni Sparke ang mga terror na teacher para lang makapagpalit siya ng upuan. In short, para lang makalayo kay Maddie. (Syempre alam niya dahil sa loob mismo ng klase yun ginawa ni Sparke)

"Naka-move-on? Pangatawanan mo yan, Maddie ha." Sabi ko. If I know.

"Of course. Kahit pa dumaan siya jan sa harap ko, hindi ako kikiligin." Sabi niya. "Promise. Wala na talaga."

Eh 'di sige. Sabi niya eh.

Tinuloy ko na ang ginagawa ko, which is reading, habang siya ay kinikilig nanaman sa mga lalakeng 'gwapo' sa field (o_ _)o

-

Kinabukasan, pagdating ko sa school ay agad akong sinalubong ng walkout queen na si Maddie (na mukhang nagwalkout nanaman. Pero bakit naman siya magwawalkout?). Kaaga-aga, aalis na siya? Wala ba siyang pasok?

Nakita ko si Laryne na mukhang hinabol si Maddie.

"Anyare dun?" Sabi ko kay Laryne.

Hingal na hingal siya. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "May kumakalat kasi na tsismis na may bago na raw na nililigawan si Sparke." Sabi niya. "Yung isang kaklase natin kasi, nakita raw niya si Sparke na may kasamang iba. Naisip lang niya na sabihin kay Maddie dahil akala niya, sila pa o nagkabalikan na sila."

Oh.

"Tapos?" Sabi ko.

"Ayun. Nung narinig niya, bigla siyang umalis." Sabi ni Laryne.

So.. Yan pala ang naka-move on na, Maddie?

-

Nagbabasa ako sa may bench nang dumaan si Sparke sa harap ko.

"Kamusta ka na?" Sabi ko. "Matagal-tagal na rin tayo hindi nag-uusap ha?"

Umupo siya sa tabi ko at nilagay sa tabi niya ang hawak niyang bag. "Okay lang naman ako. Eh kayo?" Sabi niya.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon