"Everything is easier said than done. Wanting something is easy. Saying something is easy. The challenge and the reward are in the doing." -Steve Maraboli
¬
Quarter to 6 na nang makarating ako sa bahay ni Alexa. Nakatambay lang sa bahay ang kotse ko at kotse ni Nigel ang ginamit ko.
Medyo umaambon pa rin kaya hiniram ko na rin ang payong ni Kris.
Kanina pa ako doorbell ng doorbell at katok nang katok dito pero hindi pa rin siya lumalabas. Sumilip ako sa loob at nakita kong sarado ang main door pati na rin ang ilaw sa loob.
Nasaan ba siya?
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng jacket na suot ko at tinawagan si Callum pero mukhang busy siya dahil hindi niya sinasagot. Tinawagan ko na rin sina Luke, Josh at Noah; papunta na raw sila dito.
Saan ka ba nagsusu-suot, Alexa?
Napapikit ako at pumasok sa loob ng kotse at nagmaneho papunta sa iisang lugar kung saan sigurado akong pupuntahan niya sa ganitong oras.
¬
Nang makarating ako sa bar ay binati ako ng guard na nasa labas.
"Anjan ba siya?" sabi ko. Kung 'di ako pinakilala nina Josh noong andito kami, sigurado akong hindi ako papapasukin o kakausapin nito.
"Kanina pa. Nakakailang bote na rin siya and so far, wala pa siyang nababasag." sabi ni manong guard. Pinasalamatan ko siya at pumasok na sa loob.
And there I found her. Nakaupo sa may bar counter at nilalaklak ang isang bote ng alak.
Nilapitan ko siya at bago pa siya uminom muli ay inagaw ko mula sa kamay niya ang bote.
"Oh. If it isn't my new found friend! The great Bae Kyros Larkin." natatawa niyang sabi. "Samahan mo akong uminom! Ang KJ nina Callum eh. Tinatawagan ko pero 'di naman sumasagot. Badtreeeeeeep!" sabi niya.
"Tara na, umuwi na tayo." sabi ko. Pero inalis niya ang pagkakahawak ko sa balikat niya.
"Uwi? Hahaha! Wala akong balak umuwi. Nakakabadtrip sa bahay eh — Ikaw ang umuwi!" sabi niya. Napatingin naman ako sa bartender na si Kerwin (Nasa name tag niya eh)
"Kaibigan ka ba ni Alex?" sabi niya. Tumango ako at napailing siya.
"Hindi siya papayag na umalis sa bar na ito hangga't 'di siya nakakainom ng sampung bote ng alak." sabi niya. "Pang-anim palang niya yan."
Bumuntong hininga ako at tinignan muli si Alexa.
"Tama na yan, Alexa." sabi ko. Inalis niya muli ang pagkakahawak ko sa balikat niya at sinampal ako.
"Stop calling me Alexa! Hindi ka ba marunong umintindi, ha?!" ayan nanaman, galit nanaman siya.
"Tara na." sabi ko.
"Ayoko sabi eh! Bitawan mo nga ako! Hindi ako uuwi at ayokong umuwi!" sabi niya.
"At ano? Magpapakalasing ka dito hanggang sa maka-dalawampung bote ng alak ka, ha?!" sabi ko. "Tapos pag may nambastos sayo, ako nanaman ang mag-liligtas sayo?" sabi ko.
"Anong —"
Napapikit ako at pinakalma ang sarili ko.
"Tara na. Umuwi na tayo. Lasing ka na." sabi ko. Hinawakan ko ang palapusuhan niya at hinila siya palabas. Nagmamatigas pa rin siya pero wala akong oras para bitawan siya ngayon.
"BITAWAN MO SABI AKO EH!" sabi niya. "KYROS! BITAWAN MO AKO!"
Nandito na kami sa harap ng kotse nang bitawan ko siya at hinarap. Medyo umaambon pa rin.
"Ano ba talagang problema mo ha?! Bakit ba napaka-pakialamero mo?!" sabi niya.
"Alexa.."
"TANGNA. TUMIGIL KA NA! TIGILAN MO NA AKO!" sinampal niya ako muli. Galit na galit siya at pulang pula na rin.
"Kulang pa ba, Alexa? Heto pa yung kabilang pisngi oh. Baka gusto mo 'ring sampalin o suntukin?" sabi ko. Kailangan ko siyang pagpasensyahan. Kailangan kong pahabain ang pasensya ko. Pero pareho kaming sasabog na dahil sa inis ngayon.
"Just. Leave me alone." sabi niya. Tinalikuran niya ako at akmang babalik muli sa loob ng bar nang pigilan ko siya.
"Ano ba talagang problema mo?! For once, isipin mo rin yang sarili mo! Tulungan mo rin yang sarili mo! Yang alak? Hindi makakatulong yan sa problema mo at sa mga bagay na gusto mong kalimutan! Hindi—"
*PAAK!
Mas malakas na sampal ang natanggap ko mula sakanya. Masyado ko ata siyang nagalit. Napatingin ako sakanya nang nakita ko na bukod sa mabilis na paghinga dahil sa galit niya saakin, umiiyak rin siya.
"Wag na wag kang mangingialam dahil wala kang alam. Ito lang ang alam kong paraan para makalimot. Anong gusto mo? Magmukmok ako? Manatili sa loob ng bahay? Pucha, sa tingin mo ba makakatulong yun sakin? Wag kang tanga, Kyros. Sa panahon ngayon, kahit pilitin mo ang sarili mong kalimutan ang mga bagay bagay, walang mangyayari lalo na't nakatatak na yun dito," sabay turo sa ulo niya, "at dito;" sabay turo sa puso niya. "Kaya wag mong ipapamukha sakin na hindi makakatulong ang alak, dahil kahit lason, iinumin ko, makalimot lang ako ng tuluyan.." sabi niya.
Nilapitan ko siya at niyakap. Pinagpapa-palo niya ang dibdib ko at patuloy akong sinigawan pero 'di ako nagpatinag.
"Shh." sabi ko. "Wag ka nang umiyak. Tahan na. Sorry sa lahat ng sinabi ko. Hindi ko sinasadya. Inaamin kong nasabi ko yun dahil hindi pa kita ganoon kakilala at lahat ng iyon ay base lang sa napapansin at nakikita ko. Kaya, sana patawarin mo ako." sabi ko. Umiiyak pa rin siya pero tumigil na siya sa kakapalo sa dibdib ko.
"Ayoko na kasi, Kyros.. Pagod na pagod na akong umiyak. Gusto ko nang makalimot — gusto ko nang sumaya. Masakit na eh. Sobrang sakit na." sabi niya sa bawat paghikbi niya.
Oo, ngumingiti siya, tumatawa.. Hindi naman pilit, pero mararamdaman at makikita mo na kulang. Na hindi siya masaya. Na may malaking butas sa pagkatao niya ang nawala at marahil iyon ang sanhi kung bakit siya nagkakaganito.
Kaya ayokong bumalik dito sa mundo ng mga tao. Magulo, maraming bagay na komplikado.
"Eh 'di gawin mo. Kalimutan mo, kung ano man yan. Kung gugustuhin mo, may paraan, bukod sa paginom ng alak; pero kung ayaw, may dahilan—"
"May dahilan ako. Kaya lang, kahit marami akong dahilan para makalimot, isang dahilan lang; isang dahilan lang ang pumipigil sakin para gawin iyon.." sabi niya.
"Alexa.. Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Ginagawa mong komplikado ang mga bagay bagay na madaling solusyunan—"
Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at tinignan ako sa mata. Galit at lungkot pa rin ang nakikita ko.
"Gaya ng sabi mo, kung gusto may paraan. Kung ayaw may dahilan at gaya ng sabi ko, marami akong dahilan para makalimot na ng tuluyan, pero may isang dahilan na pumipigil sakin para gawin iyon. Alam mo ba kung ano yun, Kyros?" sabi niya.
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Pinunasan niya ang mga mata niya gamit ang likod ng kamay niya. Lumapit ako pero lumayo siya at umiling.
"Isang dahilan lang, at yun ay dahil mahal ko siya. Dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya." sabi niya.
Bumalik siya sa loob ng bar kahit na medyo 'di siya nakakapaglakad ng maayos.
Nakita ko rin sina Luke, Callum, Josh at Noah na nasa 'di kalayuan na nakatingin sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/17027190-288-k333034.jpg)
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Ficção Adolescente"A tragic story starring you and me."