Author's Note:
Madami nanamang comments! ;-; Mahal niyo talaga 'tong kwento'ng 'to noh?! Huhuhuhu.Brace yourselves, guys. Hahaha. Kaunti nalang ang mild chapters. Magiging extreme at madrama nanaman ang daloy nito. STRESS! ;^;
ENJOY!
-
3rd Person's POV
"Alam mo, 'di masamang umamin. Ang masama eh yang ginagawa mo. Ang pigilan ang nararamdaman mo. Yung totoo? Gusto mo bang maging malungkot panghabambuhay o sumaya?" Sabi ni Wilhelm.
Nasa apartment sila ni Pierce. Sina Lea at Denisse ay kararating lang. Habang sina Wilhelm at Andrew ay kanina pa andito.
"What's going on?" Sabi ni Lea. "Pinapagalitan niyo ba si Pierce? Sali kami!"
Pierce rolled his eyes and went to the kitchen para kumuha ng baso. Umorder na sila kanina ng barkada size pizza kaya naman wala na silang poproblemahin sa pagkain.
"Pierce naman kasi. Umayos ka. Ligawan mo na." Sabi ni Denisse.
Bumalik si Pierce at binigay ang dalawang baso kina Lea at Denisse para sa coke.
"Ayoko." Sabi ni Pierce.
"Hanggang ngayon pa rin ba?" Sabi ni Lea. "Pierce, it's been years. Hindi pa rin natin nahahanap ang pumatay sakanya."
Tinignan nina Denisse, Andrew at Wilhelm si Lea na para bang nasabi nito ang hindi dapat sabihin o ipaalala.
Pierce cleared his throat and pretended he didn't hear anything. Tumayo siya at nagpaalam saglit na pupunta muna sa kwarto.
Pero pinigilan siya ni Andrew.
"Tol, tama na. Bitawan mo na siya. Sigurado namang hindi niya gusto 'tong ginagawa mo sa sarili mo. Hindi niya gugustuhin na maging miserable ka panghabambuhay dahil sakanya. Gusto niya ang sumaya ka." Sabi nito.
"Pero hindi ko pa siya nahahanap.." sabi ni Pierce na halos 'di narinig ni Andrew. "Hindi ko pa nahahanap ang pumatay sakanya."
"Kaya hindi mo pa siya kayang bitawan?" Sabi ni Wilhelm na tumayo sa tabi ni Andrew. "Paano ka? Naiintindihan ka namin. Naging kaibigan rin namin si Danica at hindi madali ang pinagdaanan mo. Pero hayaan mo ang sarili mong sumaya. Haya - "
"AYOKO. HINDI KO SIYA BIBITAWAN HANGGA'T HINDI KO NAHAHANAP ANG PUMATAY AT GUMAHASA SAKANYA!" natahimik silang lahat. Matagal nilang hindi nababanggit ito kay Pierce. Walang bumanggit ng bagay bagay na nangyari noon dahil ayaw nilang maalala ito ulit ng kaibigan. Isang masamang panaginip ang nangyari noon at ayaw na nilang balikan ito. Lalo na ni Pierce.
"I - I'm sorry. Dun muna 'ko sa kwarto ko." Sabi ni Pierce. Umalis siya at iniwan ang mga kaibigan niya sa sala.
"Kasalanan mo 'to eh!" Sabi ni Denisse kay Lea. "Kung 'di mo sana sinabi yun eh 'di sana walang ganito."
"Oh eh bakit ako lang ang sinisisi mo? Nabanggit rin naman nila ah!?" Sabi ni Lea sabay turo kina Andrew at Wilhelm.
Naiintindihan naman nila ang dahilan ni Pierce.
Sino nga ba naman ang matatahimik kung hanggang ngayon, 'di pa rin nila mahanap ang pumatay at gumahasa sa mahal nila?
Hindi niya kayang bitawan si Danica hangga't hindi niya nahahanap ang taong yun. Hangga't hindi niya nabibigyang hustisya ang nangyari sa kasintahan niya.
"I'm sure, umiiyak nanaman siya at sinisisi nanaman niya ang sarili niya ngayon." Sabi ni Wilhelm.
Sinisisi ni Pierce ang sarili niya sa pagkamatay ni Danica dahil wala siya nang mangyari iyon. Nahuli siya ng dating. Napabayaan niya ang kasintahan kaya ito namatay and for that, he kept on blaming himself.
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Roman pour Adolescents"A tragic story starring you and me."