Author's note:
Ngayon ko lang narealize na sana Chim nalang ang ang name ni Pierce XD Tutal Chim Chim naman ang nickname ni Jimin XD Oh well.P.S GRABE!MADAMI NANG NAGCOCOMMENT NGAYON ;-; I CRY! SALAMAAAAAT TALAGAAAAAAA! HARTEU
#OIDWattpad for feedbacks and reactions and interactions XD
¬
Alexa's POV
Pababa na ako para makauwi na pero hindi pa rin ako tinitigilan ng lecheng Chim na 'to.
"Ito naman! Ang seryoso mo! Joke lang naman yun eh!" sabi niya. "Ako, magkakagusto sayo? May taste rin naman ako noh!"
ASA KA RING MAGKAKAGUSTO AKO SAYO! WALA TAYO SA TELESERYE KUNG SAAN APPLICABLE ANG THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE! ヽ( `0´)ノ
"Alexa naman eh. Akala ko lang kasi, gagana. Baka lumambot yang puso mo sakin at pumayag ka pag sinabi ko yun. Malalambot kasi ang puso ng mga babae. Konting ganito lang, affected na agad kaya nagbakasakali ako." sabi niya. "Bakit? Kinabahan ka ba? Sinasabi ko na nga ba — May gusto ka sakin eh ╮(︶︿︶)╭ "
Pagkatapos niya sabihin yun ay iniwan ko na siya dun sa frontfield at tumakbo ako pabalik sa room namin. Hindi ko siya kinausap kaya hanggang ngayon, binubwiset niya ako \(`0´)/
"Alexa naman eh!" sabi niya. Nasa hallway na kami ngayon. Malakas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Alexa naman! May nasabi ba akong masama? Grabe ka naman! Masama bang magkagusto sayo pag nagkataon?!"
Oo! MASAMA PA SA MASAMA! \(`0´)/
"Maghanap ka ng pokpok na papatol jan sa ideya mo!" sabi ko. "I'm sure, maraming pipila kaya lubayan mo na 'ko!"
"Pero ikaw lang ang naglakas ng loob na kalabanin si Fenella ()´д'() " sabi niya.
"Eh 'di tawagin mo si Wonderwoman o ang Avengers! Siguradong may sapat na lakas rin sila para kalabanin yang bruha mong girlfriend!"
"Alexa please!" sabi niya.
Pucha. Bakit ba nagkaganito bigla 'tong buhay ko? Bakit ba lagi ko itong tinatanong sa sarili ko?! ( -。-)
Urgh! Sa uulitin kasi Alexa, pag may ginagawang kababalaghan yang lalakeng yan, wag mo nang pansinin! Lahat naman kasi nagsimula nung nakita ko sila ni Fenella nung first day eh.
Hay, Alexa /(;-_-) Lintek talaga.
"Ayoko!" sabi ko.
"Please, Alexa!" sabi niya. "Pag pumayag ka, lulubayan na kita. Hindi na kita bubuwisitin. Hindi na kita lalapitan ulit. Just please — Help me."
Tumigil ako sa paglakad at nilingunan siya na ngayon ay nakaluhod at naka ganito (≧人≦)
Ano nga bang naramdaman ko nung sinabi niyang matagal na siyang may gusto sakin? (Kahit hindi naman pala totoo)
Nagulat ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Isang tulad niya? Magkakagusto sakin? Abah. Pumasok na sa isip ko kanina na magtransfer sa ibang school makalayo lang sakanya eh.
Syempre, babae ako. Kayo! Kung yung kinaiinisan niyong lalake ang biglang umamin na matagal nang may gusto sainyo, anong gagawin niyo?
Anong gagawin niyo kung bigla niyang binawi iyon at sinabing biro lang yun?
Ako, bukod sa nagulat, kinabahan. Hindi naman ako nanghinayang nung sinabi niyang biro lang, actually, medyo gumaan ang loob ko.
Ewan ko ba kung bakit — Don't get me wrong, wala akong gusto jan sa punyetang yan 凸(`0´)凸 — Pero nung sinabi niya yun; na may gusto siya sakin, agad kong naisip si Kyros.
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."