Author's Note:
Vid sa multimedia section. GOOD LORD! CHANYEOL AND BAEKHYUN FEEEELS! TT____TT Pero tuwing nakikita ko si Suho, nababadtrip ako. (Pasensya sa mga Suho Biased sainyo) As in. Ang laki ng galit ko sa gurang na yan kaya 'di kami bati. Hahaha :PP.S: Are you ready for some revelations? *wink
¬
"It's hard to love someone who loves someone else but it is harder to love someone who loves you and you can't be together." -Anonymous
¬
3rd Person's POV
Narinig niya lahat. Narinig ni Callum lahat.
Nasa parking lot na siya nang bumalik siya sa loob at tumungo sa locker niya dahil may nakalimutan siya.
Habang nasa locker ay nakita niya si Alexa na kinukulit ni Kyros.
Selos? Syempre naman, oo.
Dahil may kahati na ulit siya sa atensyon ni Alexa.
Priority? Yeah right. He didn't feel that he was Alexa's priority like what she said before. He felt like he was just her friend. An ordinary friend.
Nagdadalawang isip siya kung susundan niya ba si Alexa o hinde pero pagkatapos makipagtalo sa sarili ay sinundan niya ang dalawa. Hinanap niya pa ang mga ito nang makarating siya sa backfield.
Okay naman sila ni Kyros eh. Magkaibigan ang dalawa. They hangout kaya kahit nakakaramdam siya minsan ng selos tuwing magkasama sila ni Alexa ay binabalewala lang niya. Magkaibigan sila eh.
Pero ngayon? Nang makabalik siya at napansin niya kanina na hindi matahimik si Alexa — na nagiiwasan ang dalawa — ay may napansin siya.
Actually, matagal na niyang napapansin. Pero gaya nga ng nakasaad kanina, binabalewala lang niya.
Ang alam niya kasi, ginagamit lang siya ni Alexa para maka-move-on. Kyros was just one of Alexa's toys. Pero nang nakamove-on si Alexa from her ex, Callum started to see Kyros as her friend.
Pero ngayon? Mukhang may binalewala siya na hindi dapat.
"C-Callum.." sabi ni Alexa.
Gulat man ay pinilit ni Callum ang ngumiti — na para bang walang nangyari, walang nakitang dalawang tao na nagkaaminan na gusto nila ang isa't isa, walang naramdamang iba.
"O-Oh, andito pala kayo." sabi ni Callum sabay hawak sa batok niya't iniwas ang tingin sa dalawa. "Pasensya na. Nakadistorbo ba ako?" sabi ni Callum. He flashed his smile like there's nothing wrong. Like everything's just normal.
"Ah, hinde naman." sabi ni Kyros sabay akbay kay Alexa. "Pauwi na rin kasi kami eh. May pinagusapan lang, diba, Boo?" tinignan ni Kyros si Alexa, pero ang dalaga, hindi naiwasang 'di mag-alala sa kaibigan (Callum) dahil may nakita siya sa ekspresyon nito kanina habang nakayakap si Kyros sakanya.
Lungkot. Sakit. Panghihinayang.
The endearment hit Callum. Parang lalo ata siyang may naramdamang kung ano. Na parang gagawin niya ang lahat para makaalis lang sa kinatatayuan nito ngayon.
"Ganun ba? S-Sige, alis na ako ah? Ingatan mo si Alexa, Kyros." sabi ni Callum. "Behave, Alexa."
"Cal.." sabi ni Alexa pero 'di na siya narinig ng kaibigan dahil tumalikod na ito at naglakad na palayo.
¬
{Sa Bar}
"Isa pa nga!" sabi ni Callum. Kasama niya ang tatlong kaibigan sa bar na lagi nilang pinupuntahan noon. Kanina pa sila andito at kanina pa rin walang tigil sa pag-inom si Callum.
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."