xx. OneInfinithryDays 5

4.7K 158 14
                                    

"We are afraid to care too much, for fear that the other person does not care at all." -Eleanor Roosevelt

¬

Sa kasamaang palad, umulan ng napakalakas kaya cancelled ang klase kahapon at niresume ngayon, Tuesday, July 01,20**

Ito rin ang ika-apat na araw ko dito sa mundo ng mga buhay bilang tao.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay inayos ko na ang mga gamit ko kaya lang — Nang lumabas ako ay halos mabitawan ko ang mga librong hawak ko.

"BA'T NAKA-UNIFORM KAYO?! \(゚ー゚\)" Lintek.

"Good morning to you too, Kyros. Eggs?" nakangiting sabi ni Nigel sabay angat ng platong may itlog.

"Teka — Wag niyong sabihing.."

"Yes, Kyros. Ngayon rin ang unang araw namin at dun rin kami mag-aaral sa bagong papasukan mo." sabi ni Xeven.

"Isn't it amaaaaaazing?! (人'∀'*)" sabi ni Raz.

(-_\) Lagot. Siguradong riot 'to.

¬

Hindi ako nahirapan dahil may kanya kanyang kotse rin sila (bigay rin ni Sir Decimus. Ang yaman talaga ng gurang na yun -_- Hehe) Halos sabay sabay rin kaming dumating sa eskwelahan at nagpark sa may parking lot sa loob ng school.

Nang makababa ako ay inayos ko ang polo ko at kinuha lahat ng gamit ko na nasa loob ng kotse, pati na rin yung coat ko, at nagsimula nang maglakad.

Alam ko na rin naman ang pasikot-sikot dito dahil sinamahan ako ng principal na maglibot pagkatapos kong mag-enroll.

"Sandali lang Kyros! Huy!" lumingon ako at nakita ko ang lima na sabay sabay na lumabas sa kanya kanya nilang kotse.

At kita mo nga naman, unang araw palang namin, pinaguusapan na kami agad ng mga tao dito.

"Classmates kaya tayo!" sabi ni Xeven.

"At hindi pa namin alam ang pasikot-sikot dito kaya sasama kami sayo!" sabi ni Raz.

"Gago, talagang sasama tayo lagi kay Kyros noh!" sabi ni Nigel sabay batok kay Raz.

Sabi na nga ba eh. Magkakaroon ng riot pag nagsama-sama kami dito.

Sa in between, kilala kami bilang mga pasaway at makukulit sa lahat ng kaluluwa na andun. Kaya nga close kami kay Sir Decimus eh dahil lagi kaming pinapatawag nun at binibigyan ng parusa.

Ganun niya kami ka-mahal \(-o- )

Nakarating naman kami ng matiwasay sa floor namin nang 'di nabibingi sa mga bulung-bulungan ng mga tao.

Ngayon lang ba sila nakakita ng transferee dito?

Bago kami pumasok sa classroom namin ay nagpakilala muna sa'ming lima ang magiging adviser namin.

"Ako nga pala si Mrs. Marquez. Ako ang magiging adviser niyo this school year." sabi niya. "Pumasok kayo pag tinawag ko na kayo. I need to inform my students about you guys first." pumasok siya sa loob at iniwan kaming anim dito sa labas.

"Grabe. Ang sarap palang bumalik sa highschool!" sabi ni Raz sabay lagay ng kamay niya sa likod ng ulo niya. "College na kasi ako noong namatay ako at wala na ako masyadong natatandaan sa highschool life ko."

"Ako nga rin eh. Buti nalang at sumama tayo kay Kyros dito!" sabi ni Sterp.

ヽ(*^ー^)人(^ー^*)ノ Sina Sterp at Raz.

Napabuntong-hininga nalang ako.

'Di ko talaga maisip kung ano ang pinainom nila kay Sir Decimus at napapayag nila ito sa kagustuhan nilang sumunod sakin dito sa mundo ng mga tao.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon