xx. OneInfinithryDays 88

1.9K 68 32
                                    

AN// Gusto ko talaga gawan ng short story sina Lara at Logan () pero baka walang magbasa o no one would care so baka wag nalang ( ̄◇ ̄;) hihi.

Nasa flashback pa rin tayo :D Continuation lang 'to.

Hindi ko pa naeedit so bear with me XD Baka wala akong update bukas dahil medyo excited akong mag-updat :) Enjoy!

-

Pakiramdam ni Lara sumabog ang puso niya sa sinabi ni Logan. Kanina lang ay nasasaktan siya pero posible palang masaktan at maging masaya.

She longed for Logan. Wala siyang ibang minahal kundi si Logan lang. Kaya nga kahit anong pagpapahayag ni Sterp at Raz, ni Noah at nang kung sino pa ng affection towards her, hindi niya magawang ibalik ito dahil iisa lang ang gusto niyang mahalin, dito man sa mundong ibabaw o sa kabilang buhay.

Umalis si Lara sa pagkakayakap mula kay Logan at huminga ng malalim. Kailangan niyang ayusin ang kung anumang nasa pagitan nila. Logan's right, kailangan nilang mag-usap at hindi mangyayari yun kung si Logan lang ang magsasalita.

Tsaka desidido siyang ayusin 'to sa pagitan nila.

"Logan, first and foremost, wag kang magsasalita hangga't 'di pa ako tapos." Sabi ni Lara. Logan hide his smile. She's still the same, bossy as ever. "Second, bear with me kasi hindi ko maiwasan ang 'di maiyak. Masakit, Logan eh." Lara managed to smiled at him. Logan on the other hand went silent. Kahit gaano man kasakit ang sasabihin ni Lara ngayon, tatanggapin niya.

Ano pa nga ba ang konting sakit sa sakit na naramdaman niya nang makita si Lara na kalimutan at magmahal ng iba, diba?

"Bago yun, may gusto akong malaman." Sabi ni Lara. "Noong pinuntahan kita sa Impyerno.. 'Di mo ako naaalala.. Tinanong ko ang punong bantay sa Langit at ang sabi niya ay kahit kailan, 'di na babalik ang alaala ng kaluluwa na nasa impyerno.. So–"

"Paano kita naalala? Paano bumalik ang alaala ko? Gaya ng sabi ko kanina, pinaghirapan ko 'to. Pinaghirapan ko ang alaalang 'to. They fed on me. I was tortured. I suffered for how many days just to remember who you were." Sabi ni Logan.

Kumunot ang noo ni Lara. "What do you mean they fed on you?"

"In layman's term, hinayaan ko silang saktan ako, na patayin ako nang paulit-ulit hanggang sa gusto nila at hanggang sa magsawa sila." Sabi ni Logan. Bumalik sa alaala niya ang sakit na naramdaman niya habang ginagawa iyon sakanya ng mga demonyo sa impyerno. "Pero pagkatapos ng lahat ng sakit, hanggang sa mamanhid ako, nakaramdam ako ng saya nang unti-unting bumalik ang alaala ko.. Hanggang sa naalala ko kung sino ka at bakit ako andun."

Napapikit si Lara. This means na hindi lahat ng 'normal' sa after life ay laging nangyayari. Iba ang nangyari kay Logan at iba rin ang nangyari sa iba pang kaluluwa sa impyerno. Hindi lahat, nawawalan ng alaala, hindi lahat, panghabambuhay na mawawalan ng alaala, na hindi lahat, mawawalan ng pakiramdam—may mga exception pala.

At isa dun si Logan.

"Dun ko lang nalaman na ang impyerno, walang pinagkaiba sa mundo ng mga buhay. Kailangan pa ring paghirapan ang lahat ng bagay na gustong makuha. Na lahat ng bagay, may kapalit." Sabi ni Logan.

They're less than 1 meter away from each other and all Lara wanted to do is to hug Logan again. To hold his scars. Oh God, his scars.. Hindi lang pala ito sugat galing sa fraternity, ngunit ang iba dito ay galing sa mga Demonyong nagpahirap at sinaktan siya nang paulit-ulit.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon