Author's note:
This chapter is dedicated to Imfromplanetexo_88 :) Thank you so much for reading this book! Sana binabasa mo pa rin :)You can now PM/DM me fore dedications ;-; Sa mga nag-pm before na sinabihan kong mav-pm ulet, asahan ko yun ah? :( Sorry talaga. Medyo lost ako ngayon. Matagal rin akong hindi nakapagsulat. Bear with me ;-;
P.S Sinadya kong habaan para makabawi ako kahit papano ;-; sana magustuhan niyo.
-
"Sensitive people faced with the prospect of a camera portrait put on a face they think is the one they would like to show to the world... Every so often what lies behind the facade is rare and more wonderful than the subject knows or dares to believe." -Irving Penn
-
Maaga akong pumasok para hanapin si Pierce. Kailangan na naming gawin yung report para bukas sa English. Maaaring 20 pairs ang meron at 10 pairs lang ang tatawagin ni Maam Delos Reyes para magreport pero ayoko namang maging confident at isipin hindi kami mabibilang sa sampung matatawag.
Unfortunately, wala akong number ni Pierce kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tangna naman (-_ლ) Ba't hindi ko naisip na wala pala akong number nun? Tss.
What if ako nalang ang gumawa ng report namin? Mas madali naman siguro yun since mamayang hapon pa ang klase ko. Tinext ako ni Jase kagabi na wala raw kaming pasok sa RS tsaka ng beadle sa Marketing na may meeting raw si Sir Dela Peña.
Pero paano kung bigla siyang magalit sakin? Napaka-bipolar pa naman ng taong yun. Tsaka minsan, nakakatakot siya. Masyadong maangas.
Hay. Bahala na nga. Gagawa nalang ako tapos paapcheck ko lang sakanya mamaya. Tutal magkaklase naman kami ( ;- _-)~
-
Pagkatapos ng ilang oras sa library ay natapos ko rin ang draft para sa report namin. Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na para tumungo sa classroom ko. 1:16pm na kasi (at 1:30pm ang pasok ko) Wala na akong oras para kumain at baka malate pa ako. Lagot ako kay Sir Perez pag nagkataon.
Nang makarating ako sa classroom ay naabutan ko sina Jase, Maddie at Chim na nag-uusap.
Walang gana kong nilagay ang bag ko sa upuan na nasa tabi ni Jase at umupo. Katabi ko si Chim sa kabila. Unfortunately, inaayos ni Sir Perez ang sitting arrangement every week. Kaya for this week, nasa pagitan ako ng dalawa.
"Oh ba't nakabusangot ka? Diba dapat maaliwalas yang mukha mo dahil wala tayong pasok kanina?" Sabi ni Jase.
"Nakakastress gawin yung report namin para sa english." Sabi ko. "Tsaka gutom ako (~ o ~)~ "
"Eh 'di kumain ka (;-_-) " sabi ni Chim. "Mads, text mo si Sparke na bumili na rin ng sandwich." wow. Makautos?
"Wag na, Maddie. Makakasurvive naman siguro ako ng walang tanghalian." Sabi ko. "Tsaka marami-rami naman yung kinain ko kanina. Stressed si Luke kaya maraming nilutong pagkain para sa agahan." Hindi pa rin kami nagkaroon ng pagkakataong magusap dahil tuwing magsasalita ako, babaguhin niya bigla yung topic.
Obviously, walang magandang naidulot at pag-uwi niya sakanila dahil kung naging maayos ang lahat, siguro naka-book na siya ng flight pabalik sa Spain.
Tsaka ang dami niyang niluto kanina. Sabi niya yun raw ang tinuro sakanya ng roommate niya. Kapag stress, wag lang puro kain, dapat ring magluto kaya ayun. Parang may birthday celebration kanina sa bahay.
Sana nga nag-baon nalang ako. Marami pa namang natira eh. Masyado kasi akong nagmamadali kanina. Pressured ako sa report namin at sa lecheng Pierce na yun. Gusto kong patunayan sakanya na kaya kong gawin yung report. Na hindi ako parasite!

BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Roman pour Adolescents"A tragic story starring you and me."