Author's note:
Uyyyy! Anong kaguluhan 'to? Ba't dumami ang comments ha?! Grabe. :( kung di ko pa pinaramdam ang presence ni Kyros, 'di pa kayo magpaparamdam. :( Hahahahaa! Drama lang. Ramdam ko hanggang buto na miss niyo na siya kaya heto na yung pinangako ko at I'm sure, inaabangan niyo.Enjoy!
Peksman, hindi kayo maiiyak. :3 labyoo!
-
Hindi totoo 'to. Panaginip lang ang lahat ng 'to.
Pero..
"Alexa." Sabi niya. Binigay ni Xeven ang kamay ko sakanya at iniwan na kaming dalawa.
Nakaputi rin siya gaya ng puting gown na suot ko. Ito mismo ang gown na isusuot ko sa debut ko.
Walang nagbago sa itsura niya. Pareho pa rin ng dati.
"Oh ano ba naman yan, Alexa." Sabi niya sabay hawak sa pisngi ko. "Umiiyak ka nanaman. Diba sabi ko sayo, ayokong nakikita kang umiiyak? Ba't ba ang tigas ng ulo mo? (づ。____。)づ "
This is not real. This is just a dream.
But..
"Kyros.." sabi ko. Ngumiti siya at nilagay ang dalawa kong kamay sa leeg niya at nilagay naman niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko.
I don't care..
He's here.. with me.. again.
"Ang ganda mo." Sabi niya. "Ba't pumayat ka? Wala na yung taba mo sa pisngi oh o( ̄ヘ ̄o#) " pinisil niya ang pisngi ko. Agad kong hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko at pinakiramdaman ito.
Damn. I miss holding his hand.
I miss him..
"Panaginip lang 'to.." sabi ko. Pinikit ko ang mga mata ko. I can feel his eyes on me.
"Alam mo bang namiss kita?"
Sht.
"Kyros.." niyakap ko siya ng mahigpit. Wala akong pakialam kung pagalitan man niya ako pero gusto kong umiyak sa tuwa. Gusto kong umiyak dahil kasama ko siya ngayon. Dahil andito siya.
"Cha-chansing ka na nga lang, iiyak ka pa (= ̄ω ̄=) Napaka-iyakin mo talaga. Big boars don't cry! ~( ̄▽ ̄)~ "Sabi niya. Pinilit niyang humiwalay sa yakap pero umiling ako at binaon ang mukha ko sa dibdib niya.
Ayoko nang magising. Ayoko na. Dito nalang ako.
Niyakap niya akong muli at hinalikan ang noo ko. "Happy birthday, Alexa." Sabi niya.
And after almost 2 years, I felt alive again.
-
"So kamusta ka na?" Sabi niya. Nasa isang magandamg gazeebo kami ngayon. Nakaupo sa magandang upuan.
"Alam kong alam mo ang sagot jan, Kyros." Sabi ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Natatakot akong magising. Natatakot akong mawala siya sa paningin ko. Natatakot ako.
"Oo na! Ikaw na'ng okay. Ikaw na! ( ̄へ ̄) " Sabi niya. Grabe. Sana totoo nalang 'to. "So, kamusta na ang lovelife mo? Meron na bang pumalit sakin jan sa puso mo? Omg! Σ(っ °Д °;)っ Please tell me mas gwapo pa rin ako?"
Kahit kailan talaga..
"Wala pa. Wala pa naman." Sabi ko. "Wag kang mag-alala, kapag nakahanap na 'ko, sisiguraduhin kong mas gwapo kaysa sayo." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."