xx. OneInfinithryDays 19

3.6K 110 9
                                    

Author's note:
I'm not sure pero baka hanggang chapter 30 lang 'to :) Kung hahaba man, then dahil yun sainyo. Salamat sa pagbasa! Sana kahit nauumay na kayo, pagtyagaan niyo pa rin. Cliché 'to. Hehe.

P.S: 'di ba kayo nacucurious kung sino 'siya'? :)

¬

"Your intellect may be confused, but your emotions will never lie to you." -Roger Ebert

¬

3rd Person's POV

"Sure ka ba talagang 'di mo kailangan ng tutor?" sabi ni Kyros. Nasa library sila ngayon ni Alexa. Wala silang magawa at bored sila. Hindi naman nila mahanap yung mga kasama nila (dahil tinamad silang hanapin ang mga iyon) kaya napagpasiyahan nilang tumambay muna.

"Wala ka bang tiwala sakin?" sabi ni Alexa. Nagbabasa siya ngayon ng isang novel; Beautiful Disaster.

"Yung totoo? Wala." nakatanggap naman siya ng batok galing kay Alexa. He stuck his tongue out and continued on examining Alexa's test results.

"Ang bababa ng results mo dito sa quizzes mo oh! Tss." sabi ni Kyros. Inayos ni Alexa ang salamin niya at tinignan si Kyros na nakakunot ang noo habang tinitignan ang results sa quizzes niya sa English at Filipino.

"Wala ako sa mood nung sinagot ko yan. Distracted ako. Magulo utak ko kaya hindi ko nasagot ng maayos." sabi ni Alexa.

"Talaga lang ha? Eh anong sagot sa—"

May kinuha si Alexa sa bag niya at binato niya ang isang short bond paper na may mga sagot. Mga tamang sagot.

"Sinagot ko na yan ulit sa bahay. No cheats. Walang daya. Kung 'di ka naniniwala, kaya kong sagutin yan ulit ngayon." sabi ni Alexa.

Tumahimik naman si Kyros at tinignan ang bawat sagot ni Alexa sa papel na binigay nito.

"Dyahe! Perfect 'to ah?!" (Kyros)

Napangisi si Alexa. "So anong masasabi mo? May reklamo ka pa ba?" sabi nito. Nakatulalang umiling si Kyros na lalong nagpangisi kay Alexa. Isang ngiting tagumpay. "Wag mo na akong guluhin. Nagbabasa ako."

Tinitigan lang ni Kyros si Alexa. Hindi siya makapaniwala na naloko siya ni Alexa. Na nagawa nitong magpanggap na walang alam para mapalapit lang sakanya — no, scratch that — para lang pala mapalapit sa taong akala niya ay ex niya, sa taong kaugali at kamukha ng taong kahit iniwan na siya, mahal niya pa rin.

"Alexa." sabi ni Kyros.

"Hm?" isa pa 'tong ikinagulat ni Kyros.

Hindi na nagagalit si Alexa kapag tinatawag siyang "Alexa" ni Kyros.

"Bakit 'di ka na nagagalit kapag tinatawag kitang Alexa?" sabi ni Kyros.

Kung tutuusin, hindi dapat sinasagot ni Alexa ang mga ganitong tanong. Nonsense paminsan eh. Pero 'di niya alam kung bakit sinasagot niya pa rin ng direstahan.

"Ayoko ng tinatawag akong Alexa. It reminds me of him. Diba dabi ko sayo, siya lang ang tumatawag sakin sa pangalang yan? I'll go ballistic if someone mentions that name. Alam kong alam mo yun. Pero, siguro, kailangan ko nang masanay ulit. Kung gusto mo 'kong tulungan para kalimutan siya, kailangan tulungan ko rin ang sarili ko." sabi ni Alexa.

"Pero diba — DIBA ANG USAPAN GAGAWIN KO YUNG GINAGAWA NIYA PARA MAGING MASAYA KA?!" sabi ni Kyros.

Napapikit si Alexa. Ito yung napag-usapan nila ni Callum kaninang madaling araw.

Callum told her na mali ang gamitin si Kyros para lang makita at maramdaman muli ang nawala sakanya. Naging konsensya na niya ang kaibigan pero walang magawa si Callum. Alexa already made her decision.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon