"Friends are like a good bra, supportive, hard to find, and always close to your heart." - Unknown
¬
3rd Person's POV
"He's falling." sabi ni Nigel.
Gabi na at nasa labas siya ng bahay. Pinuntahan niya si Kris na mag-isa habang nakaupo swing sa may garden.
Sumandal si Nigel sa puno na halos katabi lang ng swing iyon; nakapamulsa at hinihintay na magsalita ang kaibigan.
"I know." sabi ni Kris. "Hindi lang niya namamalayan at ayaw lang niyang aminin dahil takot siya sa pag-ibig."
"Pero bakit si Alexa pa? Bakit ang Crantica niya pa?" sabi ni Nigel. "Ang dami naman nating kaklase na may crush kay Kyros, ah? Pwede siyang pumili ng ka-fling sa mga yun."
Tumawa lang ng bahagya si Kris at umupo ng patagilid para makaharap ang kaibigan.
"Bakit hindi?" sabi ni Kris. "Walang pinipili ang puso. Kusa itong titibok sa taong gusto nito."
Tinignan ni Kris si Nigel "Nagkataon lang na kay Alexa tumibok."
"But, Kris — " (Nigel)
"Diba nag-usap na tayo? Pareho nating kaibigan si Kyros. Alam nating hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mag-mahal dahil maaga siyang namatay. Ngayong binigyan siya muli ng pagkakataon para mabuhay, kailangan natin siyang suportahan." sabi ni Kris. "Iparanas sakanya ang 'di niya manlang naranasan dahil sa takot."
"I know and I understand that. Gaya mo, gusto ko rin siyang sumaya. Pero 'di ba magagalit si Sir Decimus?" sabi ni Nigel.
Natahimik si Kris.
"Alam kong magagalit siya. Pero mahalaga si Kyros satin. Kaibigan natin siya. Gusto ko lang, maranasan niya ang 'di niya naranasan. Gusto ko lang na maramdaman niya kahit papano ang pakiramdam na magmahal at mahalin." sabi ni Kris. "Takot kasi siya sa pagmamahal eh. Gusto ko lang na maranasan niya at harapin niya ang kinatatakutan niya — Tsaka masaya ang mag-mahal. Masyado lang siyang paranoid."
Bumuntong hininga si Nigel. Gusto niya rin sumaya si Kyros. Gusto niya rin na maranasan nito ang magmahal. Pareho sila ni Kris, kaya lang..
"Paano ang tungkulin niya?"
"That can wait." sabi ni Kris.
"Pero — Diba pansamantala lang siyang mabubuhay? Kris, paano si Alexa? Paano siya kung dumating ang panahon na kailangan na nating bumalik sa in between? Na kailangan nang iwan ni Kyros si Alexa?" sabi ni Nigel.
Natawa si Kris.
"Grabe ka naman, Nigel. Malay mo, bastedin ni Alexa si Kyros. Malay mo, i-friendzoned niya. Malay mo, one-sided lang. Malay mo, nagawa ni Kyros ang tungkulin niya at napigilan niya ang sarili niyang mahalin si Alexa — maraming pwedeng mangyari, Nigel. Nakadepende iyon sakanila."
"EEEEH! ヽ(゚Д゚)ノ Paano nga kung dumating ang araw na pareho nilang mahal ang isa't isa? Paano kung dumating ang araw na kung kailan nagmahal na sila, kailangan na nilang maghiwalay? Kris naman, sadista ka rin eh. Gusto kong sumaya si Kyros pati na rin si Alexa, pero ayokong masaktan silang pareho. Alam ni Kyros yun." sabi ni Nigel. "Alam niya na pag nagmahal ka, darating ang panahon kung saan kailangan niyo nang mag-hiwalay. Na masasaktan lang rin kayo sa huli."
"Masakit nga pero diba love is all we need? And he needs it — They both need it." sabi ni Kris.
"Ang kulit mo namaaaaan eh! (T_T) Paano kung kailangan na niyang iwan si Alexa? Pareho silang masasaktan, Kris.." sabi ni Nigel. "Ayoko masaktan sila o(╥﹏╥)o "
BINABASA MO ANG
One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]
Teen Fiction"A tragic story starring you and me."