Chapter 1:2 ^ New Life, New Journey

31.7K 267 36
                                    

Dedicated To ThisGirlIsOnTheMove ^ ang loyal kong Reader na laging nagvo-vote at comment sa She's Married To A Sex God Book1. =) Gracias! 

[ MZG a/n : Short UD again.. Part 2 ito. :P please bear with me.. ^^ MERRY CHRISTMAS AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR! ] 

********** 

She's Living With The Superstar

Chapter One~Part 2

~

[FLASHBACK : 1 Month after siyang makita ni Theo, nagising sa pagka-comatose si Ayen]

@Hospital

|Third Person POV|

"Mananatili pa rin siyang ganyan, sa ngayon hindi ko pa masasabi kung kailan. Maybe later, bukas, nextweek, nextmonth or after a year... Or maybe not anymore" sabi ng doctor kay Theo na halatang nagulat sa sinabi ng doctor. 

"Doc? Wala na ba tayong magagawa?" tanong ni Theo sa Doctor. 

"Let's be positive, lalo ng buntis pa siya at nasa state of coma pa" paliwanag ng doctor. 

Lumabas ang doctor na shock pa rin at tulala si Theo. Umupo ang binata sa bakanteng upuan malapit sa kama ng babae. Hinawakan niya ang kamay nito. 

"Kailan ka ba magigising?? Please?? Gumising kana.." sabi niTheo. "Ikaw na lang ang meron ako, lahat sila.. Iniwan na ako.. Ang mga magulang ko? Puro negosyo ang inaatupag, ang kapatid ko? Mas mahal pa niya ang girlfriend niya.. Si AYINA. Ang babaeng mahal na mahal ko pero iniwan ko.. Ikaw na lang ang meron ako ngayon.. Hindi ko alam bakit naiisip ko ang mga yun.. Pero alam ko na kapag nagising ka, hindi mo ako iiwan..." sabi sa kanya ni Theo kahit alam naman nito na hindi siya sasagot. 

Biglang gumalaw ang mga daliri ng babae. 

"Gumising ka.. Please..." 

Hindi nakita ni Theo na unti-unti minumulat ng babae ang kanyang mata. 

|End of 3rd Person's POV| 

-- 

Puti. Puti. Lahat ng nakikita ko ay puro puti. Ang paligid ko, amoy bulaklak na may halong gamot. 

Iginiya ko ang mga mata ko sa paligid at nakita ang isang mukha. 

Umiiyak? Hindi ko siya kilala.. 

|Patient's POV| 

"Sino ka?" tanong ko. Bigla niya akong tinitigan na halatang gulat? At masaya? Hi-hindi ko talaga siya kilala... 

Te-teka?? AKO? SINO AKO?? 

"Gising kana!!" Bigla siyang tumakbo palabas. "Doc!! Nurse!!" 

Ilang sandali pa nagsidatingan na ang mga taong nakaputi. 

"Sino kayo???" muling tanong ko "Bakit andito ako?? Ano ang ginagawa ko dito" nahihilo ako?? Anong nangyayari!!? 

"pssst.. Rest lang po kayo.. May ichechek lang ako.." sabi nung lalakeng nakasalamin at iniharap sa mata ko ang isang flashlight. 

"Sino kayo??" 

"May itatanong ako sa inyo, pwede mo ba itong masagot?" tanong niya sakin. Teka? Hindi ko alam! 

"Ti-tignan ko-ko po.." nauutal kong sagot. 

"Kilala mo ba siya?" tinuro niya ang lalakeng nakaupo kanina sa tabi ko. 

"Hi-hinde.." 

"Ilang taon kana??" tanong niyang muli. 

"Hi-hindi ko alam.." pinipilit koong tandaan pero hindi ko talaga maalala. 

"Sino ang mga magulang mo??" 

"Hindi ko alam" bakit wala akong alam?? 

"Last na muna to, ANO ANG PANGALAN MO MISS?" tanong niya. 

"Pangalan??" nagisip ako. Pinipilit kong tandaan. Teka? Ano bang pangalan ko?? "Hi-hindi ko-ko alam.. Sino ako?! Aaaah! ANO BANG NANGYAYARI SA AKIN? SINO KAYO? BAKIT AKO NANDITO? ANONG PANGALAN KO? ANONG NANGYAYARI SAKIN" nagwawala na ako, dahilan para hawakan ako ng mga Nurse at may tinusok sa akin na na... Na..... inaantok ako..... 

Pagkagising ko, Nakita ko ang lalake kanina na nakaupong muli sa tabi ko at hawak ang kamay ko. 

"Aa. Gising kana pala..." biglang sabi niya. Naramdaman niya ata ako. 

"Sino ka?" mahinahon kong tanong.. 

"Ako si Theo" ngumiti siya sa akin. "Alexis Theo Chandler" 

"Ako? Sino ako?" 

"Ikaw?? Mmm.. Ikaw si Ayen Chandler" sagot niya. 

"Magka-ano-ano tayo?? Ba-bakit Cha-chandler??" 

"Asawa kita.." 

"Asawa??" asawa niya ako? 

"Yes.. At mahigit isang buwan ka ring naka-coma Babe" sabi niya. 

"Ba-bakit wala akong maalala sa mga sinasabi mo?" 

"Dahil meron kang amnesia" 

Amnesia??? 

"Bakit?" 

"Isang araw, naaksidente ka dahil nag-away tayo.. Nabagok ang ulo mo sa isang bato at naapektuhan ang ulo mo dun.. Akala ko nga hindi kana magigising.. Dala mo pa naman ang anak natin.." 

"Anak??" 

"Oo.. Buntis ka.. 2 months ang 9 days.." 

"Buntis??" 

"Takot ako na baka hindi kana magising.. Naka-coma ka na buntis pa at bihira lang ang mga taong nabubuhay.. Pero may amnesia ka pa pala.." bigla siya nalungkot "Sana hindi ka magbabago sa akin.. Mahal kita.. Mahal ko ang anak natin.. Hindi ko kayang mawala kayo sa akin.." mahabang sabi niya. 

Kahit hindi ko siya makilala, pipilitin kong aalahanin ang mga yun. Kasama siya. 

Ako si Ayen. Ayen Chandler. Ang asawa ni Theo Chandler. Buntis. 

|End od Ayen's POV|

----

[ MZG a/n : Awwwww. Ganyan pala yun? Sino si Ayina sa buhay ni Theo??

Readers!! Ang gift ko? Christmas pa naman ngayon.. :P 

Votes na lang at comments! Babye! ]

#Zana

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon