Chapter 4^Last Words

27.1K 236 56
                                    

Dedicated to @estupidgurl21 ^ para sayo po ang UD na ito. :) salamat sa votes at comments.

---

[MZG a/n : Uy Readers. hahaha.. pasencia na kung ngayon na lang ulit ako nagpoaramdam sa story kong ito. hehe naging medjo busy kasi sa buhay ko at nagkasakit din po ako e. :P salamat po sa paghihintay ng UD. VOte at Comment. XD]

--

Chapter Four

**********

Kinabukasan, nagising ako na wala si Theo sa tabi ko.

|Ayen's POV|

Paglabas ko ng kwarto ng suite namin, nakita ko siyang nakaupo sa may veranda habang nagbabasa ng newspaper.

"Theo" tawag ko.

"O, ikaw pala Ayen.. Kamusta kana? masama pa ba pakiramdam mo?" he asked me sabay lapag nung newspaper sa bangko.

"I'm Okey now Theo, may hihilingin sana akong favor sayo kung pwede?"

"Yes. syempre naman.. Ano yun?"

"Pwede mo ba akong samahan sa memorial garden kung saan nakalibing ang kapatid ko?" tanong ko sakanya. SAna naman pumayag siya.

"O sige.. halika na muna magbreakfast na tayo para maaga tayong makadalaw sa puntod ng kuya mo" sabi niya. Niyakap ko siya agad dahil sa tuwa ng nararamdaman ko. Ang swerte ko talaga sa lalakeng ito.

Naligo at nagayos na kaming dalawa at bumba para magbreakfast sa cafeteria ng hotel.

"Theo kalan kaya tayo makakaalis?" tanong ko habang kumakain kami.

"Siguro by three days from now" sagot niya.

"Sana di na tayo masyadong magtagal dito." sabi ko.

-

Pagkatapos namin kumain, nagrent si Theo ng kotse sa hotel para masolo lang namin ang byahe.

"Dito na ba?"

"Oo.. liko mo jan.. malapit na tayo" turo ko sa tamang daanan ng memorial garden.

"Dito?"

"Oo jan nga.." tapos niliko niya ang kotse papasok sa gate ng memorial garden. "Iliko mo ulit sa right tapos deretso lang" instruct ko sakanya papunta sa puntod ng kuya ko.

Narating na namin ang puntod ng kuya ko at sa malayo pa lang nakikita ko na ang piguro ng isang lalake at babae na may kasamang bata.

"Te-teka.. Si Chase yun" nauutal kong sambit kay Theo.

"Gusto mo bang umalis na lang tayo or pupunta ka sakanya?" di ako sumagot sa halip, tinitigan ko lang ang tatlong tao na naglalakad palayo sa puntod malapit sa kuya ko.

"No. Gusto kong makita kung gaano sila kasaya" at saka naku-curious din ako kung sino dinalaw nila dun. Bihis na bihis si Chase. Siempre naman nasa labas siya ng bahay eh.

Ngumiti si Andrea sakanya tapos kinarga niya ang bata.

SA-Sana.. Ganyan diun kame ni Chase. Kung sana hinintay niya ako. Kung sana...

"Ayen..." narinig kong tinawag ako ni Theo.

"Oh"

"Wala na sila..." pumasok na sila sa kotse. Hindi kay Chase ang kotse na yun kaya hindi siya ang nagdrive kundi si Andrea.

"Oo alam ko" sabi ko.

"Tara na.." sabi sakin ni Theo sabay suot nung bullcap, shades at jacket niya. Ganun din ako. Nakikita na sa labas ng jacket ko ang nakaumbok kong tiyan.

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon