Chapter 16^Mix Emotions

21.8K 273 52
                                    

Chapter 16

NATALIE'S POV

“Theo ano ba? Gumawa ka na ng paraan!” naihilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha.

“Ano naman ang gagawin ko?” lumingon siya sa pwesto ko.

“Kunin mo siya sa loob. Three weeks na simula nung kinuha niya si Rhiea.”  Sabay turo sa gate ng mga Joo.

Nasa kotse kami ngayon ni Theo habang si Daile naman ay iniwan muna namin sa manager niya na kakadating lang din ng Pilipinas.

"Alam mo naman na hindi maari iyon Ayen."

"Wala akong pakialam Theo."

"What if kung pumunta tayo sa isang lawyer?"

"No Ayoko" may nakita kaming kotse na pumasok sa loob ng bahay ng mga Joo. Agad akong lumabas ng sasakyan at tumakbo papalapit sa bahay.

"Ayen!" sigaw din ni Theo na nakita kong sumunod sa akin sa labas. Nahila niya ang braso ko pabalik dahilan para mabunggo ako sa dibdib niya.

"Ano ba! Bitiwan mo ako." sinuntok-suntok ko ang dibdib niya. "Ang anak ko. Ang anak natin.."

"Hindi ako ang ama niya." nabigla ako sa sinabi ni Theo.

"What?"

"Alam naman natin na hindi ko tunay na anak si Rhiea. Si Chase, siya ang mas may karapatan sa mga bata Ayen. Matagal ko ding napagisipan ito bago pa tayo umuwi ng Pilipinas." binitawan niya ang kamay ko. "Mahal kita. Pero mas mahal ko si Ayina subalit huli na ang lahat para sa amin. Siguro gago talaga ako dahil...Hindi ko na alam kung paano talaga ang magmahal."

"Bakit mo yan sinasabi sa akin?"

"Sinasabi ko ito sayo dahil gusto kong mag-sorry." hinawakan niya ang mga kamay ko. "Mag-sorry dahil ginamit lang kita para maibalik sa akin si Ayina. Ginamit kita para iparealize sakanya na kaya kong mabuhay na wala siya." hindi ako makapaniwala.

"...."

"Siguro ito na ang tamang oras para bumalik kana sa totoong mahal mo. Alam ko.."

"Ano?"

"Alam kong mahal mo pa rin si Chase." lumipat naman ngayon ang mga kamay niya sa mukha ko. "For six years, si Chase lang ang laman ng puso mo. Nagkukunwari ka lang na nakalimutan mo na siya, hindi ba?"

"Shut Up! Hindi totoo yan."

"It's true Ayen, or shall we say... NATALIE... I'm sorry for being so fool Natalie, gumawa ako ng isang pagkakamali na nagdulot ng pagkasira ng isang pamilya. But I think--.." tinulak ko siya.

"Stop that nonsense!"

"You should listen... Please?"

"No..."

"It's not too late Natalie. Hangga't may oras pa..." pero hindi ko naintinhan ang mga sinasabi ni Theo dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Ano nangyayare sayo?" biglang umikot ang paligid ko. At parang nasusuka ako.

Tumakbo ako papunta sa mga grasses at pinilit ang sarili kong sumuka.

"Aaaak.."

"Natalie? What's happening are you okey? Gusto mo bang dalhin kita sa doctor?"

"No. I'm o--Akkkk!" sumuka ako uli.

"Dalhin na kita sa hospital. Tara na." ginabayan niya ako para makatayo.

"Wait. Nahihilo ako."

"Kargahin na lang kita."

"Wag na." Pinilit kong makatayo pero hindi ko talaga kinaya at biglang... dumilim ang paligid ko.

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon