Chapter 19:3^All things work together for good

17.6K 188 10
                                    

Chapter 19:3

"Gago ka ba! Ako pa rin ang asawa niya kaya ako ang may karapatang magdesisyon! Hindi ikaw!"

Nagising ako dahil sa ingay na nanggaling sa labas ng silid.

Bakit ba sumisigaw si Chase? Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, walang tao. Puro puti pa ang nakikita ko except for the yellow tulips sa side table.

"Pare look, she's not yet okey. Hindi mo ba nakikita? Hindi ka pa nga niya lubusang napapatawad pagkatapos gusto mong sabihin sakanya ang nangyari? Masasaktan lang siya ng sobra." narinig kong sabi ni Theo.

"Hindi magtatagal, malalaman din niya. Why not tell her earlier para hindi siya mas lalong masasaktan!"

"You don't understand me Chase."

"Ako pa ngayon hah! Ano ka ba niya!?"

Mabilis kong nilagay ang kamay ko sa tiyan ko.

Bakit wala na akong maramdaman?

Blag... Tunog ng kakasaradong pintuan ng kwarto.

Nakita kong pumasok si Mommy at mabilis akong niyakap.

Ano bang nangyayare? Bakit feeling ko may kulang sa akin?

"Mom, tell me the truth. How's my baby?"

She looked at me with very worried face.

"Your baby is with your Kuya Nataniel now."

Wala na...

Wala na ang baby ko...

"Natalie are you okey?"

"Yea" hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin. Parang namamanhid ako. Ni hindi makatulo ang luaa ko kahit na gustung-gusto kong umiyak at sumigaw.

"Honey..." I saw Chase.

"Ayen..." and Theo.

"Chase gusto ko ng umuwi." sabi ko.

"Ayen?" tinawag ako ni Theo sa pangalang ibinigay niya.

"I'm not Ayen anymore Alexis. Call me Natalie. Chase, iuwi mo na ako please."

Gusto kong ipakita sayo Theo na kaya ko na. Huwag mo na akong intindihin please. Sobra na ang ginawa mong tulong sa akin.

"Chase?"

"Ah... P-pero hindi mo pa kaya Honey."

"Nakaya ko ngang mabuhay ng walang magulang na nakaalalay, sa anim na taong wala ka at sa buong buhay ko na puro kasinungalingan. Ngayon pa? Ngayon pa hah?" Dun ako nawalan ng lakas at humahagulgol.

"Wala na ang anak ko. Wala na siya..."

"Honey..."

"Gusto ko ng umuwi. Please Chase, iuwi mo na ako."

"Ayen bakit biglaan?"

"Alexis salamat sa lahat-lahat. It's time for me to go home now." patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.

Sorry Theo... Ayoko ng lumaki ang utang na loob ko sayo. Sorry Theo...

"Natalie anak..." pumasok sina Daddy, Lolo, Ayina at isang lalake.

"Don't go closer Dad..."

"Iha?" sabi ni Lolo.

"Pati ikaw Lolo, kaya pala ayaw mo akong papuntahin sa states dahil ayaw mong malaman ko ang totoo?"

"Iha it's not what you think."

"Baby, walang kasalanan ang lolo mo."

"So tell me Dad! Sabihin niyo sa akin ang totoo! Hindi yung nagmumukha akong tanga! Nagseselos dahil mas binigyan niyo ng atensyon ang akala kong adopted daughter niyo!" mas lalo akong umiyak.

"Natalie..."

"Ate..."

"I was eleven and you were seven. Papunta tayo sa isang family gathering nung nangyare ang aksidente. Binunggo ang sasakyan natin ng isang truck pero unfortunately or fortunately, mabilis kang kinuha ni Nataniel at niyakap ng mahigpit. Dahilan para siya ang matamaan."

Isa-isa ko ng naalala ang lahat habang nagkukwento ang lalake.

"Nabuhay ka pero namatay si Nataniel at dahil yun sa sinagip ka niya. Nagkaroon ka ng trauma dahil sa nangyare pero mabilis mo ring nakalimutan ang lahat because of a trauma therapy. Pero hindi pa nagtatapos dun ang lahat..."

"Stop it Nathan." sabi ni Mommy.

"No Mom, she need to know everything."

"Please!" sigaw ni Dad.

"Nakalimutan mo ang nangyare pero hindi makalimutan ni Mommy at Daddy ang ginawa ni Nataniel sayo. Ang iniisip nila, kung hindi ka sinagip ni Nataniel marahil buhay pa siya. Pero hindi natin alam baka ikaw din yung namatay..." tiningnan ko sina Mom and Dad.

"Natalie..."

"Papunta na tayo sa park noon nung nangyare na naman ang isang aksidente. Dahil sa kagustuhan mong bilhan ka ni Mommy ng ice cream, kumawala ka sa pagkakakarga ni Daddy sayo at tumakbo ka sa kabilang lane ng kalsada. Hindi mo napansin ang isang sasakyan pero ako napansin ko yun."

"Ikaw ba yun?" tanong ko.

"Oo ako ang tumakbo para sagipin ka. Luckily, pareho tayong buhay pero dahil sa nangyare natraumatize ka. Sa tuwing nakikita mo ako, natatakot ka. Pati yung nangyare kay Nataniel, naalala mo na rin. Walang nagawa ang Mommy at Daddy kung hindi ilayo muna ako sayo habang nag-aundergo ka sa panibagong therapy. Sa takot na baka maulit ang mga nangyari at mawalan na naman sila ng anak, tuluyan na nila akong inilayo sayo pati na rin si Ayina."

"Nakalimutan mo na si Nathan at si Ayina. Ang naaalala mo lang ay ang kuya Nataniel mo at ang aksidente sa park. Inakala mo na si Nataniel yun Natalie..." Sabi ni Lolo.

"Ayaw na naming maalala mo pa ang mga nangyare sayo kaya lumayo kami at nagsinungaling sayo Natalie. Ayaw naming masaktan ka pa kaya kami na ang mismong umalis pero mali kami. Dapat pala hindi kami lumayo dahil mas naging komplikado ang lahat. Sorry Natalie..."

"Ikaw Theo? Alam mo ba ang lahat ng nangyare sa akin?"

"Wala siyang alam Ate..."

"Bakit! Bakit kailangan niyo pang ilihim." yun pala ang dahilan kung bakit nila ako iniwan?

-

TBC

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon