SMTASG- Chapter 9:2
--
Galit ako kay Theo.
Pero matapos kong marinig ang dahilan kung bakit niya nagawa yun, ang GALIT na nararamdaman ko ay napalitan ng AWA.
|Ayen's POV|
"Ayen, please tulungan mo ako." first time ko siyang nakitang umiiyak.
Wala akong imik, hindi ko kasi alam kung ano ang tamang gagawin ngayon. Hindi ko alam kung ano ang solusyon sa problema niya.
"Theo" tumungo ako.
"Ayen pleaseeee..."
"Theo..."
"Ayen, pinipilit ko namang iwasan yun pero hindi ko talaga kaya."
"Meron ka pa bang drugs?"
"O-oo.. ma-may limang pakete pa ako" humina ako ng malalim at saka tumayo sa kama.
"Paano mo yan nalusutan sa airport!!?" hindi ko na nagawang huminahon. Sinigawan ko siya. "All this time, nagdadrugs ka pala!!? Three years! hindi mo ba naisip na makakasama yan sa kalusugan mo? Sa image mo? Theo naman ee" nakarecover na ako sa 'state-of-shock'.
"Hindi ko kasi kaya"
"Tignan mo ako, malapit na akong mamatay. Iniwan ako ng asawa ko, nagkaanak siya sa iba tapos ayaw sa akin ng pamilya ko. Mas mabigat pa yun kaysa sa problema mo na anak ka lang sa labas, tapos ikaw ang nangiwan sa girlfriend mo." walang preno kong sigaw sakanya.
"Hin--"
"Hindi ka ba talaga nag-iisip huh!"
"Sorry"
"Dahil sa nawala ang tamang katinuan mo, malapit mo na rin akong... MALAPIT NA! BASTA!"
*toktoktoktok*
"Mommy??" narinig kong tawag mula labas.
Nagkatinginan kami ni Theo.
"Mag-uusap tayo mamaya" nagsimula akong maglakad pero natigilan ako nung niyakap niya ako mula sa likod.
Hindi ko alam kung paano siya nakatayo ng hindi ko namamalayan at niyakap na lang akong bigla.
"Salamat" mas hinigpit pa niya ang kanyang braso sa may tiyan ko habang ang baba niya ay nasa balikat ko.
"Hindi pa rin maaalis na isa ka ng Drug Addict" sabi ko.
"I know and please help me. I'm so sorry abou--"
"Don't mention that." tinanggal ko ang braso niyang nakakabig at saka humarap sa kanya. "Ever again."
"Sorry" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at dinikit sa noo ko ang noo niya.
"Please. Iwasan mo na yun"
*toktoktok*
"Mom?! Dad!? I'm scared..." malinaw kong narinig ang boses ni Rhiea.
Nagmadali akong humiwalay sakanya at pinihit ang door knob.
"Baby!"
"She's not a baby anymore mom" sabi naman ni Adrian na busy sa paglalaro ng psp habang nakatayo sa harapan ng door.
"Mom, I heard you shout" sabi ni Rhiea.
"You fight?" tumingin sa akin si Adrian at ganun din kay Theo na wala na pa lang suot na shirt.
Bakit ngayon ko lang yun napansin?!
"Mom?" sabay tingin ko kay Rhiea.
"Your hair is a lil bit messy" sabi niya na nagkamot ng ulot.
"Are you hungry?" pagchechange topic ko. "Here let's go" sabay hila kay Rhiea at Adrian.
"Wait magoorder ako, wala pa kasing pagkain." sabi ni Theo.
Hindi ko siya pinansin.
"Kain na lang tayo sa labas" sabi niya.
Hindi ko siya pinansin.
"Ayen"
Hindi ko siya ulit pinansin.
"Mom, Dad is calling you" kunot noong sambit ni Adrian.
"Magpadeliver kana lang, ayokong dumugin ng fans. Mahirap na baka mawala pa sa tamang katinuan ang utak mo." sabi ko.
Yumuko lang siya ng ilang saglit at naglakad papunta sa telephone.
Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun, bakit hindi ako ang lapitan niya kaysa sa drugs?.. Sa Drugs na mas sisirain lang ang buhay niya.
Three years na siyang gumagamit? Sobra na yun!
Pabagsak akong umupo sa sofa habang ang dalawang bata ay nakaupo sa carpeted na sahig. Tumunog ang cellphone ko na nasa bag. Kinuha ko ito at tinignan ang screen.
Calling Ayina...
Calling Ayina....
Calling Ayina...
"Hello?" bati ko.
*"Ate!? Nasa Philippines na kayo?" boses mula sa kabilang linya.
"Yea. Ikaw ba? Kailan ka pupunta dito? Para may magbabantay sa mga bata kapag umalis kame."
*"Aaa. The day after tomorrow. Pagkatapos lang ng concert ni Gean"
"Aa.. Sasama ba siya sayo?"
*"I dunno. Kung magaan ang sched niya baka sasama yun"
"Sige. Ingat ka jan. Nga pala, sina Mommy,Daddy at Lolo kamusta?"
*"Haaay, yun! Tinatanong kung kelan daw ako ikakasal. Bigyan ko na daw sila ng apo. Ate naman kasi! Kung andito ko sana di ako ang kinukulit nila. Sana may kalaro na silang apo" tuluy-tuloy niyang sabi.
"Ewan ko. Malapit na."
*"Ate alam mo, si Kuya Chase hindi nagbabasa ng magazine eh?" naiimagine ko na ang faciala expression ng kapati ko.
"Bakit?"
*"Wowwwwwww! Hindi kana bitter ate?!! Milagro!"
"Shut up. Have to go"
*"Wait ate! Last na.. Kasi diba nagmodel ka sa isang Health magazine, bakit parang di ata umeffective?"
"Huh?"
*"I mean, 1 month na ang nakalipas, di pa rin nagpaparamdam sa akin si Kuya. Di niya at nakita. Ang tanga talaga!! Tanga-tanga.."
"Haay. Ewan ko sayo.. May problema pa ako. Sige bye. Ngat jan, alagaan mo sila." tapos inoff ko na agad ang phone. Mahirap na.
Si Theo, panibagong problema.
|End of Ayen's POV|
---
[MZG a/n: Magbilang na! Malapit na silang magkkkkkkkkkk_ _ _... Hihihi. :P Qouta- 80 votes :D]
m i s s z e e g e e
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee